Maagang nagpunta si Stephen kila Charlie kinabukasan.
"Tignan ko lang talaga kung hindi pa kita maabutan. At kung may mauna pang sumundo sa'yo." Isip ni Stephen habang nasa harap ng gate nila Charlie.
*DING DONG*
Masaya niyang bati sa nagbukas ng gate. "Manang Precy! Good morning!" Malaking ngiti nito sabay yakap.
"Ay nako bata ka, naglalaba ako, basa ako oh. 'Wag mo nga akong yakapin!" Pero nakangiti nitong tugon.
"Hahaha si Manang o, minsan lang lambingin eh. Busy ka masyado ah. So si Baby Frankie po ba ang nagluto ng breakfast?"
"Sino?"
"Ibig ko pong sabihin si Charlie. Nandiyan pa naman siya diba?"
"Oo, sige na pasok ka na. Nandiyan pa siya."
"Ha! Kala mo ah. Wala kang takas sa'kin ngayon, Charlie." Nakangising pumasok si Stephen at dumiretso sa dining area.
"O Bro! Kain ka!"
Biglang bumagsak ang ngiti sa mga labi ni Stephen.
"Lechugas, naunahan pa rin ako?" iritang isip niya.
"O Rico, ang aga mo ah." Pinagmamasdan niya ito habang nagliligpit ng pinagkainan. "At home na at home na 'tong mokong na 'to ah." isip ni Stephen.
"Nagdala kasi ako ng breakfast. Marami pa namang natira jan, kain ka lang."
Lumabas naman si Charlie mula sa kitchen. Naka-shorts at naka-fitted tank top lang ito.
Napatingin si Stephen mula ulo, pababa sa mahubog nitong katawan. Sa maliit nitong bewang hanggang sa makikinis at mapuputing mga binti nito. "You're right, Charlie. Hindi ka na nga bata."
Then he realized something. "Ito ang suot ni Charlie kanina pa habang kasama si Rico?! Kahit kaibigan ko pa 'tong lalaking 'to, maiisipan kong dukutin mga mata nito eh."
Si Charlie naman ay parang nakakita ng multo nang makita sa Stephen. "Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit, palagi naman ako dito nag-bbreakfast, Baby Frankie ah! Tsaka ano ba 'yang suot mo, magpalit ka nga."
"Ano bang problema mo sa suot ko? Palagi naman akong naka-ganito sa umaga ah!" Namumula na si Charlie sa inis.
"Hahaha mahiya ka naman sa bisita mo oh!"
Tahimik lang na pinagmasdan ni Rico ang batuhan ng dalawa.
Si Charlie naman ay patuloy pa rin na nag-iinit ang mukha sa inis dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Stephen. "Excuse me lang, Rico ah. Shower na 'ko."
Nagmadaling umakyat si Charlie at hindi na pinansin pa si Stephen.
Naiwan ang dalawa sa living area.
There was a long & eerie silence bago pa may magsalita sa isa sa kanila.
"Bro, ready ka na sa ball niyo?" Rico broke the silence.
"Uh yeah."
Another pause.
"Kelan ka pa nagkagusto kay Baby Frankie?"
"What?" Gulat ni Rico sa biglaang tanong ni Stephen na hindi maikakaila na may talim sa tono sa pagkakatanong sa kanya.
"Kelan mo pa siya gusto?"
"Matagal na talaga, Bro. Sorry hindi ko na nasabi sa tropa, at kay Chester lang ako nagpaalam. I know you're also like an older brother to Charlie but,"
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Teen FictionA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?