Chapter 8: DOWN

512 25 2
                                    

*TEXT CONVERSATION*

Stephen: Baby Frankie! Sorry hindi muna 'ko makakapag-breakfast diyan. We have to be extra early in school for practice.

Charlie: Ow ok.

Stephen: Sabay na kayo ni Sam pumasok. Bawi ako pag-uwi.

Charlie: 'Wag mo na ko intindihin. Sige go na!

Stephen: Ingat kayo ah.

Charlie: Opo, Kuya Stephen! :P

Stephen: Don't miss me too much ;)

Charlie: Umay na nga ako sa'yo eh!

-------------------------

Charlie: Sam! Papasok ka na?

Sam: BFF! Yup :D

Charlie: Tara sabay na tayo.

Onga pala, don't forget our dance practice later. Dala ka na rin extra clothes.

Sam: Noted!

Charlie: Sige, punta na 'ko sainyo.

Sam: Ako na punta jan sa'yo, pakainin mo muna 'ko ng breakfast :P

Charlie: Kayong magkapatid na Duarte bakit ang hilig niyo dito sa bahay mag-almusal? May patago ba kayong pagkain?

Kulang nalang magtayo ako ng poultry farm sa bakuran namin dahil palagi kaming nauubusan ng itlog.

Sam: Minsan lang naman ako, si Kuya araw-araw!

Pero i-push mo 'yang farm. I-negosyo mo ang pagtitinda ng itlog! Manok ang gawin mong pets. Bok bok bok bok!

Charlie: Haha tama, para madaming alarm clock si Kuya pag-tilaok ng mga manok sa umaga. Ewan ko nalang 'pag hindi pa magising 'yun.


PAGDATING nila sa school, nakita na naman ni Charlie na may red rose na nakadikit sa locker niya.

"Nagmamadali raw siya, pero may oras maglagay ng rose." Kilig isip ni Charlie. Gusto man niyang magmadaling kunin ang rose pero ayaw niyang mahalata ni Sam ang excitement niya.

Sam gasped. "Kanino galing 'yan, miss?!"

Of course Charlie had no time to hide the rose and get away from Sam's question. Hindi rin maitatanggi ang magandang pagkapula ng rosas.

"I'm not entirely sure. Walang note eh, kahapon pa."

"Kahapon pa? Kahapon ka pa binigyan ng rose? Kahapon mo pa hindi sinasabi na nakatanggap ka ng rose kahapon??"

"Haha. Sam, try using 'kahapon' in a sentence?"

"'Wag mong ibahin ang usapan, Francheska. Ano na nga? Anong kwento ng pulang rosas na 'yan, hmm? 'Di mo man lang sinasabi sa'kin."

"Eh sorry naman, BFF. Eh nawala lang talaga sa isip ko. Wala rin nga kasing note."

"Taray may admirer! Try mo magpagupit."

"Ha? Ang random mo haha!"

"Mahiya ka naman 'no, baka matisod mo kasi 'yung mga tao sa haba ng buhok mo." Panunukso ni Sam.

Charlie just rolled her eyes in response. Ipinasok na rin niya ang rose sa loob ng kanyang locker.

"I have an idea!" Sam exclaimed. "Palagyan natin ng CCTV 'tong locker mo para mahuli natin kung sino!"

OFF LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon