NAGHIHINTAY si Charlie sa bahay ng kanyang bestfriend. "Ang tagal naman ni Sam." isip niya.
Napaka-tahimik ng kanilang bahay, parang walang tao. Ang kanilang kasambahay naman ay busy sa trabaho. Naisipan nalang niyang itext ang bestfriend.
*TEXT CONVERSATION*
Charlie: Samantha! Sam ka na? Tagal ah. Bumaba ka na nga, dito na ko sa mansion niyo!
Sam: Sam na ako? Oo ako si Sam since birth pa.
Charlie: Havey ba? :P
Sam: Actually corny haha. Tsaka OA ka din sa mansion eh 'no. At Samantha talaga? Try mo na din kaya full name?!
Charlie: Ms. Samantha Alexandria Duarte
Sam: Aba pilosopong bata 'to!
Charlie: At least ineffortan ko 'yan. Hirap kaya i-type ng pangalan mo. Napakahaba, parang EDSA.
Sam: Teka kanina ka pa jan sa bahay? Sabi ko kay Manang Elsa sabihin sa'yo na sa court na dumiretso. Talaga 'tong si Manang Elsa oh, palagi nalang makakalimutin.
Charlie: Fine, I'll be there in a while. Pwede mo naman kasi akong itext kanina! Inugat na 'ko dito sa kahihintay.
Sam: Sana sinabihan mo si Manang, nagpadilig ka sana para tubuan ka pa lalo ng ugat :P
Charlie: Aba pilosopo din 'to ah!
Sam: Nagmana lang sa'yo :P Tsaka tinext po kita kanina, 'di mo na naman siguro nareceive. Palitan mo na kasi 'yang bulok mong cellphone!
Charlie: 'Yoko nga, gumagana pa naman eh.
Sam: Oo mukhang ok na ok pa nga eh. Naka-super glue na 'yung casing sa gilid, may crack na 'yung screen, ang bilis malowbat, and if you're not receiving any messages, delayed naman! Ewan ko sa'yo, may pambili ka naman.
Charlie: Eh sa may sentimental value sa'kin 'to, bakit ba. Marami na kaming pinagdaanan :))
Sam: Dami mong hanash. Halikan a.
Charlie: Halikan? Uy BFF 'wag ganun. BFF lang turing ko sa'yo. 'Di tayo talo. Ewww.
Sam: 'DI PWEDENG NA-TYPO ERROR LANG?!?!
Tsaka kung maka-ewww 'to ah.
Charlie: Haha eto naman init agad ng ulo :)) kasing init nitong kape ko ;)
Sam: Antagal mo kasi!
Naknang, nasa bahay ka pa? At may oras ka pa talaga magkape ah?!
Charlie: Oo nagkakape nga. Do not disturb me, I'm busy! :P
At bakit ka ba nagpapamadali? 'Di ba nasa court lang naman kayo ng village? Don't tell me may taxi na naghihintay sa'kin sa labas at pumapatak ang metro 0_0
Sam: Haynako, Maria Francheska Jimenez!!!
Charlie: Eto na po, Ms. Alger.
Sam: Anong Ms. Alger ka jan?!
Charlie: Alger. Regla. Para ka kasing meron sa kasungitan mo today :))
Sam: Ay pisti ka talaga, BFF! Pagdating mo dito makikita mo!
Ay wait lang pala, nanjan ka na rin lang sa bahay, can I ask for a favor? :D May ipapadala ako.
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Roman pour AdolescentsA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?