JIMENEZ' DINING AREA
"Ready ka na para sa game mamaya, Mr. MVP of Craigs?" Tanong ni Charlie kay Stephen habang nagbe-breakfast sila.
"Tss. Oo naman!"
"Yabang ah!"
"Basta ba nandun 'yung lucky charm ko eh."
"Oo, sigurado namang manonood 'yun eh." Sabay salpak ni Charlie ng pandesal sa bibig ni Stephen.
"Ano ba 'yan, Baby Frankie, wala man lang palaman!"
Maya-maya pa ay dumating na rin si Chester sa dining area.
"Frankenstein, ikaw na bahala magprepare ng fruits na kakainin namin before the game ah. Kailangan namin 'yun." Utos ni Chester sa kapatid.
"Naka-ready na po, Chester Pester! Nanjan sa ref! Dalhin niyo na. Senyoritong, 'to."
"Hahaha eh ikaw naman kasi ang magaling sa ganyan eh." Kinuha ang baon sa ref at nilagay sa bag. "O tara na, Bro. Kailangan maaga tayo sa school."
"Wow ah, ako nga 'tong naghihintay sa'yo eh. Sigurado ka bang hindi ka sasabay, Charlie?" Tanong ni Stephen.
"Eh wala nga kasi akong class today kaya matutulog nalang muna 'ko haha"
"'Wag kayong malelate mamaya sa game ah!" Stephen pointed at her.
"Hmm depende kung magising ako on time."
Kiniliti ni Stephen ang tagiliran ni Charlie at hindi tinigilan hanggang sa makapiglas ito.
"O ayan, tignan lang natin kung inaantok ka pa!"
"Oo na, oo na. Pupunta na kami."
"Wala ka naman talagang choice 'no. Sige na, ingat kayo ni Sam."
"Opo, Kuya Stephen!"
PAGDATING ng hapon, nag-prepare na si Charlie para sa game at hinintay ang pagdating ni Sam.
"Hala ano 'yang suot mo? Haha! Kaya naman pala ang tagal mo, all-out ka masyado. Hindi mo naman pinaghandaan yung game ano?" Gulat na tinignan ni Charlie ang itsura ng best friend mula ulo hanggang paa.
Nakasuot ito ng cheerleader uniform na may logo ng Craigs team at naka-pigtails. May hawak din siyang mga pompoms.
"Cute, right? Para talagang pang-malakasan ang cheer mamaya!" Shinake ni Sam ang pompoms na para talagang cheerleader.
"San ka kumuha niyan?"
"Pinatahi ko." Sam proudly replied with a wink.
"Sa university palang natin na game 'yan ah, pa'no pa kaya 'pag laban na sa ibang school?" Charlie shook her head. "Never mind, I don't think I want to know what you're planning for that event, Samantha. Kaloka ka, tara na nga."
"Wait, not so fast. may surprise pa 'ko sa'yo!"
Inilabas ni Charlie ang laman ng paperbag na inabot sa kanya.
Isang set din ng cheerleader uniform.
"Tada! Dali, isuot mo na!" Sam exclaimed, clapping her pompoms together.
"Ano pati ako? Ayoko nga, hindi naman ako nagsusuot niyan. Ok na ko." Turo ni Charlie sa sarili, suot ang jeans & university t-shirt.
Sam pouts. "Ang corny mo naman. Cute pa naman sana kung pareho tayo. Teka pa'no nga pala tayo pupuntang school?"
"Alangan namang mag-commute tayo na ganyan ang itsura mo, iha? Ano pa nga ba, edi magbobook tayo ng Uber."
"Haha thanks, Mom :)"
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Teen FictionA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?