Chapter 7: UP

553 29 1
                                    

*TEXT CONVERSATION*

Alex: Kumusta si girlfriend?

Stephen: Sinong GF?

Alex: Wow Bro, ilan ba ang girlfriends mo? Akala ko pa naman mas gwapo 'ko sa'yo :P

Stephen: Ah, jan naman ako hindi papayag haha

Alex: Don't dodge the question. So GF mo na nga?

Stephen: Nope.

Alex: Well her actions speak otherwise. Gumi-GF duties eh haha. May papunas-punas pa sa'yo ng pawis. Baby siguro tawag niya sa'yo 'no? :))

Ang bilis mo namang sinagot, Bro. Magpakipot ka naman kahit konti. Humingi ka ng flowers, chocolates, ganun! Haha

Stephen: What the hell?

Alex: Hahaha! Tara labas nalang tayo. Bored na 'ko. Kahit isama mo si Girlfriend Bea.

Stephen: Hindi ko nga siya GF. Kulit mo rin eh. Tsaka ayokong lumabas. Nakakatamad. 'Yung ibang tropa nalang yayain mo.

Alex: Eh ayaw nga rin nila.

Stephen: Eh kasi nga mainit oh. Pumirmi ka nalang jan sa bahay niyo.

Alex: Sabagay. Si Justin nga eh, nahuli kong nakahiga sa harap ng ref. Dun natulog! Hahaha

Stephen: Haha siraulo talaga.

Alex: Pero hindi naman nakabukas 'yung pinto ng ref. Baka raw kasi tumaas kuryente nila eh.

Yun ang siraulo :))

Stephen: Siraulong wais.

-------------------------

Stephen: Baby Frankie! It's Sunday. May gagawin ka?

Charlie: Hmm, maliban sa maasar sa'yo, wala naman. Why?

Stephen: Labas tayo!

Charlie: Mainit!

Stephen: Dali na! Gusto ko manood ng movie!

Charlie: Edi manood ka. May TV kayo diba??

Stephen: Sa movie house!

Charlie: Eh parang wala namang maganda ngayon.

Stephen: Meron! Sunduin na kita!

Charlie: Pwedeng maligo muna, ha?? At maglunch?

Stephen: 'Wag ka nang maligo, wala rin namang pinagkaiba.

Charlie: Mag-mall ka mag-isa!

Stephen: Hahaha biro lang kasi. Alam kong lamang ka naman ng isang paligo sa Kuya mo kahit papaano.

Charlie: Aba talagang!

Stephen: Pagbigyan mo na 'kong asarin ka, ililibre naman kita! Haha! We'll eat out. 

Charlie: Si Sam?

Stephen: Eh may ibang lakad daw.

Dali na, ligo na!

OFF LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon