Chapter 14: STUBBORN

759 39 16
                                    

Charlie felt giddy as she opened the gate. Pero nawala ng bahagya ang ngiti nito nang makita ang dalawang lalaki na nasa harapan niya.

Stephen was scowling at Rico.

Samantalang si Rico naman ay hindi ito alintana dahil nakangiti ito sa nasa harapan niyang si Charlie. "Good morning!" Masayang bati niya sa dalaga.

"Uhm, good morning too." Alangan niyang sagot at nagpabaling-baling ng tingin sa dalawa. "Pasok kayo."

"Spell 'awkward'." She thought.

Sabay na humakbang papasok ang dalawa sa maliit na gate kaya't nagkabanggan ang kanilang mga balikat.

Pigil namang natawa si Charlie.

Stephen sighed. "Go ahead."

"Charlie I brought your favorite. Let me prepare this first". Turo ni Rico sa dala niyang plastic container.

Masama naman ang tingin ni Stephen sa likod ng naunang si Rico. Charlie rolled her eyes and shook her head at Stephen's childish behavior.

"Why is he here?" Tanong ni Stephen.

"What's wrong with that? At madalas na siya talaga ditong nag-bre-breakfast."

"At may dala pa ha. Tss, pa-impress."

"At least siya kahit kumakain dito, may dala naman."

"Ako rin naman meron ah." Sagot ni Stephen at turo nito sa plastic container na hawak niya.

"Eh wala namang laman eh. Tsaka ayan 'yung naiwan ko kahapon sa inyo! Kita mo, naubos mo rin 'yung soup. Akin na nga 'yan!"

Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ang dalawa ay muli na namang may nag-doorbell.

"Don't tell me may isang manliligaw ka pa?" Iritang tanong ni Stephen.

Charlie rolled her eyes at him again.

"Stop that! Baka hindi na dumiretso mga mata mo sa kagaganyan mo, sige ka."

Pagbukas ni Charlie ng gate ay babae naman ang nandito. "What the.."

"Good morning!"

Charlie faced Stephen with her brows raised and with a knowing look. "Manliligaw ko O manliligaw MO?"

"Stephen! I heard may sakit ka raw? Sabi ni Sam baka nandito ka raw eh." Pag-aalalang batid ni Bea, ngunit hindi maikakaila ang kasiyahan nang makita si Stephen. "I brought you soup." She added proudly.

"Buti ka pa may dalang pagkain." Sabi ni Charlie.

"Bakit may sakit ka rin?"

"Ah wala."

"Good." Bea said dismissively. Agad itong lumapit kay Stephen at dinama ang kanyang noo. "Stephen I cooked this just for you."

"Uhm, Bea actually magaling naman na 'ko." Marahang inalis ni Stephen ang kamay ni Bea.

"Come on, let me prepare this for you." Sabi ni Bea na tila hindi narinig si Stephen. She looped her arm around Stephen's. "Charlie can I?"

"Can you what, feed him? Have time with him? Be his girlfriend?", bitter na isip ni Charlie.

"Earth to Charlie, hello? Can I use your kitchen and heat this up?"

"Yeah, sure."

"Thanks!" Masayang pumasok si Bea na nakahawak pa rin kay Stephen.

Stephen apologetically looked back to Charlie but she was busy closing the gate.

NAKAUPO na silang apat sa dining area at nagbre-breakfast.

OFF LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon