PAGKARATING sa Hong Kong, nagpahinga na agad ang tatlo sa hotel na tinutuluyan para maagang makaalis at sulitin ang araw kinabukasan para mamasyal.
SINIMULAN nila ang unang araw sa paglalakad sila sa Tsim Sha Tsui, Yau Ma Tei at Jordan Road.
Si Sam ay panay shopping, samantalang si Charlie at si Rico naman ay panay ang kain sa tuwing may madadaanang street foods.
Halos buong araw ay ganon lamang ang ginawa nila.
"Guys, hindi pa ba tayo babalik ng hotel?" Tanong ni Rico.
"Wait lang, may gusto pa akong i-check banda dun. Sige na pleassse. Daan lang tayo sandali." Wala pa ring kapaguran ni Sam sa pag-shopping.
Si Rico ay halatang pinagpapawisan at nakahukot, mukhang namimilipit sa sakit.
"Huy Rico, ok ka lang?" Pag-aalala ni Sam.
"Ah.. Ehh.. Ang sakit kasi ng tiyan ko."
"Ahahaha ayan kasi ang dami mong kinain na streetfoods!"
"Haha ang sensitive naman pala ng tiyan mo." Banat din ni Charlie. "Mabuti pa, bumalik na tayo ng hotel. Bukas mo na ituloy ang shopping mo, Sam."
Habang naglalakad sila ay napahinto si Charlie.
"Huy BFF, ok ka lang?"
Tumakbo si Charlie sa gilid ng kalsada at biglang nasuka.
"Ahahaha sino sa'tin ngayon ang mahina ang sikmura?" Pang-asar ni Rico.
*TEXT MESSAGE*
Rico: Nakailang balik ka na?
Charlie: Hindi ko na mabilang. Ikaw, nakailang balik ka na sa banyo?
Rico: Hindi ko na rin mabilang haha. But I think the storm has passed already. Mukhang wala na 'kong ilalabas. I'm resting on bed now. Nakakapahinga na haha
Charlie: Buti ka pa. Mukhang hindi pa 'ko tapos eh :''')
Rico: Mukha ngang madaming rounds ka pa. Mas madami kang nakain sa'kin eh :P
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Fiksi RemajaA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?