Chapter 15: SORRY

1.7K 72 64
                                    

*BOOOGSH!!!*

"What the hell, Man!" Sigaw ni Chester kay Stephen matapos niya itong bigyan ng malakas na suntok sa mukha. Pulang-pula ito sa galit.

Nasa locker room pa sila sa mga nalalabing oras ng halftime.

"I'm sorry, Bro." Nakayukong tugon ni Stephen mula sa natamong suntok.

"Don't you dare call me Bro again! What the hell was that stunt?! Nung una si Rico. Pati ba naman ikaw? At least Rico had the decency to ask for my permission!" Chester said while pacing back and forth.

"I didn't think I still had to ask for your permission."

Napahinto si Chester sa paglalakad sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. He looked at Stephen like he grew two heads. "What did you say?"

Tumayo ng tuwid si Stephen. "She's old enough. She can already decide for herself."

"And that's coming from someone who treats Charlie like a kid? Don't you dare, Stephen, because I still have the right to know! My bestfriend wants to date my little sister? Damn you!"

Napabuntong-hininga si Stephen. "I know. Let me explain..."

Habang nagkakainitan ang dalawa ay paulit-ulit naman silang kinakatok ng kanilang mga kaibigan at mga teammatesmula sa labas ng naka-lock na pinto ng locker room  para awatin pero tila walang naririnig ang dalawa.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ibig sabihin na pumayag na akong may isang manligaw kay Charlie, basta-basta nalang din pwedeng may sumunod na umeksena sa buhay ng kapatid ko. Especially you! Fuck off! You're my brother!" Galit na tugon ni Chester na binaliwala ang sinabi ni Stephen. "We've been friends for a very long time, you should know that by now without me needing to tell you! Do I really have to spell it out for you?!"

"That's exactly it! We're already like brothers! You should know by now na mabuti lang ang gusto ko para kay Charlie."

"At ikaw ang makabubuti para sa kanya?"

Pumikit at huminga muli ng malalim si Stephen, pilit na pinakakalma ang sarili.

"Maniwala ka, Chester I tried to stay away and ignore my feelings. But this time, I can't anymore. Alam kong katulad ng turing ko sa'yo, dapat kapatid lang din ang turing ko sa kanya, that Charlie is off limits."

Chester shook his head. "Kelan pa, ha? Ga'no katagal mo na siyang pinagkakainteresan?"

"Pinagkakainteresan?! What the---"

"Why her? Because she's naíve and innocent? Haha!" Chester laughed without humor. "Ah alam ko na," Dinuro niya ito sa mukha. "You're using your advantage because you know that she already likes you from the very beginning! That's it, isn't it? How convenient for you."

Nagpantig ang tainga ni Stephen sa narinig na akusasyon. Lumapit ito at bumwelo para suntukin si Chester. Nang malapit na ang kamao niya ay huminto ito bago pa ito lumapat sa mukha ng kaibigan.

Chester didn't even flinch a bit or blink. He just smirked at him.

Ibinaba ni Stephen ang braso niya pero matigas pa ding nakakuyom ang palad. "Wala akong masamang intensyon kay Charlie!" Malinaw at mariin niyang paliwanag na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Chester. "What you saw in the court is true! Ginawa ko 'yun dahil 'yun ang totoo! Gusto ko siya. Hindi mo ba nakikita," Mataas na boses na sagot dahil nagagalit na rin siya sa pagdududa nito at hindi magandang ibinibintang sa kanya. "She's it for me, Chester. Siya ang gusto ko. Siya lang. Mahal ko si Charlie!"

Muling sinuntok ni Chester si Stephen, sa kabilang bahagi naman ng mukha nito. Muli na naman niya itong tinanggap nang walang pagganti.

Sinusian ng coach nila ang locker room at padabog itong pumasok. "Duarte, Jimenez! Itigil niyo na 'yan! Kung ano man ang problema niyo, don't bring it here! Or else I'll have you two suspended! Ikaw Duarte, hindi ako magdadalawang-isip kahit MVP ka pa. The both of you, get back in the court. Now!"

OFF LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon