NAGTIPON ang barkada sa bahay nila Rico para sa kanilang Batangas beach outing.
*TEXT CONVERSATION*
Sam: BFF san na kayo? Gusto ko na magswimming!!!
Halasiya nananaginip pa ata.
Charlie: Sorry BFF.
Papunta na jan. Si Kuya kasi kailangan ko pang itaob 'yung kama para lang gumising eh. Sarap iwan.
Sam: Osige nandito na kaming lahat kila Rico. Ready na din yung van. Pwede na ngang mauna eh.
Super excited na ko, BFF! Dalian niyo naaa.
Pero 'wag ka, may mas excited pa sa'kin.
Charlie: Sino?
Sam: Edi sila Bea!
Charlie: Mauna na kamo siya. Excited pala eh :P
Sam: Haha kaloka ka.
Sam: Pero anong tingin mo sa dalawang 'to? Matatagalan ba tayo nito?
Charlie: We'll see. But I like Nica. She seems nice.
DUMATING na sila Charlie & Chester kila Rico.
Alex: "Antagal niyo naman! Iwan na sana namin kayo eh."
Chester: "As if namang iiwan niyo kami haha. Tsaka chillax lang, maaga pa. Wala pa ngang araw eh."
Charlie: "As usual 'yang si Kuya mahirap gisingin. Buti na nga lang 'di na siya naligo. Kundi mas lalo pa kaming male-late. Kaya malas nalang ang makakatabi niya sa van."
*HAHAHA*
Chester: "Hoy naligo 'to! Ipahalik ko sa'yo ulit kilikili ko eh."
Ikinarga na ni Chester sa likod ng van ang mga gamit nila ni Charlie.
Rico: "Hi Charlie! San mo gusto umupo?"
Sam: "Syempre tabi kami. Pwede rin naman kayo nalang." *wink*
Stephen: "Oy, Miss Matchmaker, tama na 'yan, sakay na. Tsaka 'di pwede, si Rico ang driver."
Rico: "Grabe sa'kin na nga 'yung van, ako parin ang driver?"
Max: "Kasi 'pag kumuha pa tayo ng driver, masikip na."
Bea: "Ikaw, Stephen, san ka uupo?"
Stephen: "Kahit saan lang. Kung gusto niyo sa harap na kayo ni Nica para 'di kayo masikipan."
Bea: "Ok lang naman din kami sa likod. Kahit sila Charlie & Sam nalang."
BINABASA MO ANG
OFF LIMITS
Novela JuvenilA girl (Charlie) falls in love with her best friend's older brother (Stephen). Little did she know, he feels the same way. How long can they stand denying their feelings for each other?