Author's Note:
Hello! Uhm... pagpasensiyahan niyo po ako. Ito po ang kauna-unahan kong note. Uhm... ang storya pong ito ay non-teen fiction. Last September nang isulat ko ito pero hindi ko natapos. Nahirapan po kasi ako dahil... teenager pa po ako, pero ang characters dito, matured na. Pagpasensiyahan niyo na po kung shushunga--shunga siya. Uhm... sabihin niyo na lang po kung anong mali para mai-edit ko. Wala po kasi akong kaalam-alam sa mga company, business, chuk-chuk, eh, may mga ganon-ganon dito sa story. Nag-ask lang po ako sa Mama ko na housewife na nakapag-aral ng hanggang fourth year ng kursong Accountancy.
Kalahati pa lang nito ang naisusulat ko. After three weeks of writing ng kalahati, iniwan ko po siya. Pero, tina-try ko na pong tapusin siya ngayon. Sana po magustuhan niyo. ^_____^ Fighting!
CHAPTER ONE
"Yna," pagmamakaawa ni Anthony sa dating nobya.
Marahas na binawi nito ang braso nito mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba, Anthony?! Lumayo ka na sa akin! Hindi na kita mahal!" pagmamatigas nito.
"No! Nagsisinungaling ka lang." Lumuhod na siya sa harap nito. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa sidewalk na iyon. "Please, Yna. Come back to me. Hindi na ako magpapaka-busy sa trabaho. Nag-resign na ako sa trabaho ko. I ll give you all my time. Yna, just please come back to me. Hinawakan pa niya ang kamay nito at nagmamakaawang tiningnan niya ito sa mga mata. Yna. I love you. Please come back. "
Muling marahas na binawi nito ang kamay sa kanya. "I'm sorry, Anthony." Iyon lang at walang kaabog-abog na tinalikuran siya nito at pumasok na sa kotse nitong naka-park lang sa gilid ng kalsada. Hindi niya napigilang suntukin ang semento. Nagdulot iyon ng sakit sa kamay niya pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon.
Limang buwan na ang nakakaraan nang makipaghiwalay ito sa kanya, at sa mismong araw pa ng anniversary nila. Sa loob ng limang buwan na iyon ay paulit-ulit na sinusuyo niya ito para bumalik na ito sa kanya. Wala nga siyang pakialam kahit may karelasyon na itong iba. Pero hindi na raw siya nito mahal. Iyon din ang idinahilan nito sa kanya nang makipaghiwalay ito sa kanya. Hindi siya makapaniwala.
Dalawang taon na ang nakakaraan nang umalis sa pwesto nito sa kompanya nila bilang CEO ang kanyang amang si Antonio Allan Tizon at siya ang ipinalit nito roon. Hindi nga niya alam sa Papa niya at siya pa ang ipinalit nito roon gayong may mas magaling, mas matalino at mas matino naman kaysa sa kanya tulad na lang ng kapatid niya, pero siya ang pinili nitong pamahalaan iyon. Hindi rin niya alam sa board of directors at sinang-ayunan ng mga ito ang Papa niya gayong alam niyang alam ng mga ito kung ano ang gawain niya. Beinte otso anyos siya noon at ang tanging ginagawa niya ay ang magliwaliw. Nakapagtapos siya sa kursong Business Administration at nakakuha na rin siya ng MBA sa ibang bansa, pero wala talaga siyang planong pamahalaan ang negosyo ng tatay niya. Ang gusto lang niya ng mga panahong iyon ay sumali sa mga drag racing competition.
Pero wala siyang nagawa nang pilitin siya ng kanyang ama. Pinalitan niya ito sa pwesto nito. Naging usap-usapan nga ang pagdating niya sa kompanya. At dahil ayaw niyang makarinig ng mga hindi kaaya-ayang opinyon mula sa ibang tao na nakakapagpabuwisit lang sa kanya ay pinagbuti na lang niya ang kanyang pagtatrabaho gamit ang mga natutunan niya nang mag-aral siya at nang i-train din siya ng kanyang ama sa loob lang ng isang buwan bago siya pormal na pumalit dito.
Nang mga panahong nagsisipag na siya ay girlfriend na rin niya si Yna, anak ng isang gobernador ng isang lalawigan sa Mindanao. Pangarap nitong mag-artista kaya nasa Maynila ito. Bago pa man siya nagtrabaho ay nagde-date na sila nito.
Masaya naman sila sa mga unang buwan ng relasyon nila pero hindi naglaon ay naging busy na siya sa kompanya. Alam niyang hindi madali ang magpatakbo sa isang negosyo lalo pa t bago pa lang siya. Naintindihan naman ni Yna ang naging sitwasyon nila.
BINABASA MO ANG
You Healed My Broken Heart
Romance[Nag-iisip pa po ako ng ipo-post na teaser para dito. Please understand na minsan, nagkakabutas ang brain ko.V(^____^)V ] Written by PinoyAkari. 2014.