Chapter Thirteen

19 2 0
                                    

The next day, Gelai received a call from Anthony. Niyaya siya nitong lumabas sila sa Miyerkules. Pumayag siya. Siyempre, gusto niya iyon. Kahit nagyaya lang ito dahil wala ngang pasok bukas at hindi sinabing isang iyong “date,” mukha pa rin naman iyong date. Hindi nga siya nakatulog nang maayos sa gabi dahil masyado siyang na-excite. Dalawang araw pa naman na na hindi maayos ang tulog niya dahil dito. Noong una, sa kakaisip kung mahal na ba niya ito, at noong ikalawa, dahil sa ginawad nitong halik sa kanya. Ngayon naman, dahil lalabas sila bukas. Bahala na, may concealer naman.

Gusto sana niyang mag-beauty sleep, kaso, masyadong siyang imaginative… Silang dalawa lang bukas, mamamasyal sa parke habang magkahawak kamay, o kaya’y manonood sila ng sine at kapag giginawin siya ay aakbayan siya nito at hahapitin palapit dito. 'Tapos, kakain sila sa isang restaurant na romantic ang ambiance at magsusubuan at ihahatid siya nito sa kanila kapag maggagabi na at may goodbye kiss pa sabay sabing “Good night, sleep tight, dream of me.”

Tse! Kung maka-imagine, akala mo there’s really something between na. Kaibigan lang ang tingin no’n sa 'yo, hoy!

Bumagsak ang mga balikat niya dahil doon. Oo nga’t iyon ang sinabi nito noong Sabado lang na magkaibigan sila. Pero bakit kung makaasta ito, parang hindi lang kaibigan ang tingin nito sa kanya? Ang sweet-sweet nga nito gayong hindi pa sila gaanong close. May pahalik-halik pa sa pisngi, akbay-akbay, at pahawak-hawak sa kanyang kamay. Ganoon ba ang magkaibigang lalaki at babae?

Kinabukasan ay ganoon nga ito sa kanya. They were strolling down the boulevard, enjoying the sight of the beautiful sunset. He was holding her hand. He even had their fingers entwined together. Hapon nang sunduin siya nito sa bahay niya. He was dressed casually, while she… well, na-over lang nang kaunti. She wore a red halter dress and four-inch high silver stiletto heels. She also put on light makeup. Hindi naman kasi nagpasabi si Anthony na simple lang ang susuotin. Nang makita niya itong nakasuot lang ng pulang polo shirt, denim pants at sneakers, magpapalit na sana siya ngunit sinabi nitong okay lang daw ang suot niya.

“There’s no need for you to change your clothes. You look beautiful, lady,” and he winked at her. Iyon ang sinabi nito kanina. Mabuti na lang at kotse nito ang dinala nito at hindi motor.

“So how is work?” tanong nito. Medyo malayu-layo na ang nilalakad nila at konti na lang, magrereklamo na siya sa paa niya. Gusto na nga niyang hubarin ang sapatos niya dahil sa taas ng takong niyon, nananakit na ang paa niya’t binti. Pero nag-e-enjoy pa rin naman siya sa pakikipagkuwentuhan sa kasama.

“Okay lang,” sagot niya.

“Hindi ka ba nahihirapan? Most of the students don’t like Mathematics. It’s quite difficult.”

“I know. But it’s not really that difficult. Para nga sa akin, mas madali siya kaysa sa ibang subjects. Formulas lang ang kailangan mong isaulo na pwede mong magamit sa iba’t ibang problems. Like the Pythagorean Theorem. You can use its formula not just in finding the unknown measure of a side of a triangle but you can also use it in solving the diagonal of a rectangle. May formulas din na kung mahaba, may shortcut naman para mas mapadali ang pagso-solve. Mas madali ring memoryahin ang mathematical formulas kaysa sa ilang paragraphs na patungkol sa isang mahalagang bagay, tao o pangyayari na karaniwan sa Social Studies. Mas madali ring mag-solve ng mga mathematical problems kaysa unawain ang isang English poem na babasahin mo pa lang, mano-nosebleed ka na.” Natawa si Anthony nang marahan sa term na ginamit niya.

“Hindi naman ako nahihirapan sa pagtuturo dahil section-As and section-Bs ang karaniwan kong tinuturuan sa high school. And knowing our academy, matatalino lahat ang pumapasok doon. The students could easily learn the lesson. They just have to be always attentive to the teacher.”

“But there are some who really couldn’t get the lesson, right?”

“Yeah. Siyempre, pagtitiyagaan.  I discuss again that part of the lesson that he or she doesn’t understand. I had some students na talagang nahirapan. I suggested to their parents to hire a private tutor. 'Ayun. Iyong iba, ako iyong kinuha. Tinatanggap ko naman kasi dagdag kita, eh.”

“Wala ka bang tinu-tutor-an ngayon?”

“Iba ang sideline ko for now.” Tiningnan niya ito nang makahulugan.

“Ah. You’re being my beautiful maid nga pala.”

Napatikhim naman siya sa sinabi nito. Nilagyan pa talaga ng adjective na “beautiful,” ha. Naniningkit ang mga matang tiningnan niya ito.

“What?” nagtatakang-tanong nito.

“I’m starting to think you like me,” walang habas na saad niya.

“I’m starting to think that way, too.”

Natigilan siya sa sinabi nito.

Oh, my monay!

***

Abangan ang susunod na kabanata. XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Healed My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon