Tulala si Gelai habang kinakain ang in-order niyang halo-halo. Nasa isang fast food restaurant siya ngayon. Doon siya nagtungo pagkatapos niyang mang-grocery. Lagpas alas sais na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi. Dapat ay naghahanda na siya ngayon para magpunta na siya sa bahay ni Anthony, pero wala yata siyang lakas ng loob na harapin ito pagkatapos ng ginawa niya rito habang tulog ito at nang ma-realize niya na iba na ang nararamdaman niya.
Naisip niya, lagi niyang gustong makita ang lalaki everyday and every night, nililinis niya ang bahay nito kahit may iba siyang work at nakakapagod at siya pa talaga ang nag-insist na gawin iyon noong una, dinadalhan pa niya ito ng dinner kahit hindi naman kailangan dahil gusto lang niyang masiyahan ito sa kanya, sobra siyang nag-alala nang magkasakit ito kaya binantayan pa talaga niya ito magdamag, at labis-labis ang kilig at kagalakang nararamdaman niya kapag ngumingiti ito sa kanya. Nagmumukha pa nga siyang ewan palagi kapag pinapantasya niya ito. Inspirado siya at mukha siyang laging fully charged simula nang makilala niya ito. Sapat na ba ang mga iyon para masabi niya sa sarili niyang mahal na nga niya ito?
Ibinuhos na lang niya sa pagkain ang pagkagulo ng kanyang isip.
Sumalsal ang dibdib niya nang ang taong siyang gumugulo sa isip niya ay umupo sa upuang katapat niya. Tumuwid siya ng upo.
Ngumiti si Anthony at muntik na siyang ihitin ng ubo dahil doon. “Hi. Kanina pa kita tinatanong kung pwede bang maki-share ng table pero mukhang naglalakbay iyang isip mo kaya umupo na lang ako. Okay lang ba?” anito.
Tumango siya. “O-okay lang. S-sorry pala.” Gusto sana niyang tumayo at magtungo muna sa powder room pero ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya. Baka hindi niya kayaning maglakad patungo roon. Lihim na lang siyang humugot ng malalim na hininga para makalma ang sistema niya nang kahit kaunti.
“'Problem?” kunot-noong tanong nito kapagkuwan.
Tumingin lang siya rito, 'tapos, umiling. “A-ano nga pala ang ginagawa mo rito?” tanong niya pagkalipas ng ilang minuto. She was trying so hard to act mormally. Pero letse itong puso niya, ayaw man lang kumalma.
“I got bored at home,” sagot nito. “Hinihintay kita. Hindi ka ba pupunta sa flat ko?”
Natulala siya rito. Ano’ng sabi nito? Hinintay siya nito? Bakit?
“Pero kung hindi ka pupunta, okay lang,” dagdag nito. “Malinis pa naman iyong tirahan ko.”
Kinunutan niya ito ng noo. Paano siya maniniwalang malinis pa iyon? Nagsisilbing “day off” niya ang araw ng Linggo kaya hindi siya nagpunta roon kahapon. 'Tapos ngayon…
“C’mon, Gelai. Don’t give me that look. Nagbabagong-buhay na ako ngayon,” anito at itinaas-baba pa ang mga kilay nang dalawang beses sabay ngiti sa kanya. Muntik na naman siyang ihitin ng ubo.
Pumagitna na naman sa kanila ang mahabang katahimikan. Hindi talaga siya makaimik. Sigurado siyang nao-awkward-an na si Anthony sa kanya.
Naubos na niya ang kanyang halo-halo nang muling itong magsalita. “Have you already eaten dinner, o iyang halo-halo palang ang kinain mo?” tanong nito.
“I-ito palang,” maikling sagot niya. Tumikhim siya. Kailan ba siya hindi na mag-ii-stammer sa tuwing magsasalita sa harap nito?
Tinawag nito ang isang dumaang crew ng naturang restaurant at sinabing doblehin na lang ang in-order nito.
“Gutom ka?” tanong niya.
He chuckled. “Not really. Para sa iyo iyong isa.”
“Ha? Naku, hindi na sana. Nabusog na rin naman ako, eh.”
“Gelai, you need to eat a decent meal. Look at you. Namamayat ka na.” Nahigit niya ang kanyang hininga nang inilapit nito ang sariling mukha sa mukha niya. “May eyebags ka pa, o,” anitong marahan pang hinaplos ang ibaba ng mga mata niya sanhi upang lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya.
Hay, diyos ko! Baka atakihin ako sa puso nito.
Pumalatak si Anthony. “Lagi ka sigurong nagpupuyat, ano? May sarili kang trabaho, 'tapos nagtatrabaho ka pa sa akin. Kaya ka siguro namamayat.” Pumalatak ulit ito. “And you really don’t seem fine tonight. Maybe you should stop working as my maid.”
Napasinghap siya. No! Hindi siya papayag. She was enjoying being his “maid.” At paano na niya ito makikita pa? Iyon lang naman ang tanging paraan niya para makita niya ito, ang pagiging maid nito. Oo’t after two weeks, pwedeng mawala na siya sa buhay nito o manatili bilang isang kaibigan, pero gusto niyang sa loob ng natitirang dalawang linggong iyon ay makasama niya ito at makita palagi. “Let’s just stick to our deal. Tapusin natin ang isang buwan,” aniyang may pamimilit ang tinig.
“No. I don’t want to risk your health. I know it’s hard to be a teacher. 'Tapos, may sarili ka ring buhay. You have your own house you need to clean, may sarili kang labahin na dapat labhan, at sarili mo na dapat mong unahing lutuan ng masarap na pagkain at alagaan. Let’s break our deal.”
“No. Tapusin natin ang isang buwan,” kontra niya. “Okay lang naman ako.”
“I don’t think so. Kanina ka pa mukhang wala sa sarili mo.”
Dahil naman sa iyo. “May iniisip lang. I’m fine, I swear. Tapusin natin ang isang buwan na napagkasunduan natin.”
“Hindi ko alam kung bakit nagpupumilit ka pa. You’ve done enough para mabayaran mo ang utang-na-loob mo sa akin. Hindi ka na lang naging tagalinis ng bahay ko, tagaluto pa ng dinner at naging nurse ko pa.”
Ngumiti siya. “I’m enjoying what I’m doing. Kaya tapusin natin ang isang buwan.”
“I either don’t know why you enjoy being my maid.”
“Tapusin natin ang isang buwan,” ulit niya.
Marahas itong bumuntong-hininga. Sign na siya ang panalo. Napangiti siya. “Okay. I’ll just give you a break for one week. After that, you can resume to work as my maid and finish the last two weeks of our deal.”
One week? Masyado namang matagal iyon. Pwedeng tatlong araw na lang? Hindi naman kasi niya alam kung sa loob ng linggong iyon ay makikita niya ito. Swerte niya kapag maulit ang ganoong tagpo na nagkita sila nito sa loob ng mall. Eh, paano kapag hindi? Mami-miss niya ito, panigurado.
Sabay silang napalingon sa kaliwa nang marinig nilang may tumikhim. Isang miyembro ng crew iyon ng restaurant na may dala ng tray ng mga in-order ni Anthony. Sabay na nagkatinginan uli sila. At noon nila napagtanto na ang lapit-lapit pala ng mga mukha nila sa isa’t-isa. Sabay pa silang umatras.
Tahimik na nilapag ng lalaking may dala ng tray ang mga pagkain nila. Tinanong nito kung may kulang pa ba at nang sabihin ni Anthony na wala na ay umalis na ito. Pagkatapos niyon ay nagsimula na rin silang kumain ng kasalo niya sa mesa.
“I-I’m sorry about that,” ani Anthony mayamaya.
“Wala iyon kanina,” sabi na lang niya. “Dito ka ba laging kumakain?” usisa niya.
“Nope. Nakita lang kita na nandito kaya ipinasya kong dumito na rin.”
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nakapuwesto siya sa sulok at mula sa entrance ay hindi siya masyadong pansin. Hinanap lang talaga siguro siya nitong poging ito, eh. Isa pa, may vacant tables pa naman, pero nakipag-share pa talaga ito sa kanya. Napatikhim siya. Ano kaya ibig sabihin niyon? Hindi pa man siya sigurado, kinikilig na siya.
BINABASA MO ANG
You Healed My Broken Heart
Romance[Nag-iisip pa po ako ng ipo-post na teaser para dito. Please understand na minsan, nagkakabutas ang brain ko.V(^____^)V ] Written by PinoyAkari. 2014.