Chapter Ten

16 0 0
                                    

“Dito ka na matulog,” ani Anthony.

Napamaang si Gelai rito. “S-saan?”

“Dito sa pad ko. Alangan namang sa kapitbahay ko?” Iginiya na siya nito palabas ng silid. Wey! Akala pa naman niya, sa kama nito.

'Utak mo, Gelai! Nahawahan ka na no’ng Ella na iyon, nakuu! sita ng ala-Maria Clarang isip niya.

Inihatid lang siya ni Anthony hanggang sa labas ng kabilang kwarto. “You sleep well. And… dream of me.” At kinindatan pa siya nito. She pursed her lips to suppress a smile. Baka mahalata nitong kinilig na naman siya.

Pagkapasok niya ng guest room ay humiga agad siya sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin siya nakakatulog. Inokupa na naman ng lalaking nasa labas ang isip niya. Ano na nga ba ang ginagawa nito ngayon?

Out of curiousity, bumangon siya para silipin ito. Napasinghap siya nang sa pagbukas niya ng pinto ay naroon ito sa harap niyon at bakas din ang pagkagulat sa mukha nito.

“What are you doing there?” tanong niya.

“I… I…” Nagkamot ito sa batok. “I-I was about to check kung tulog ka na ba at kumportable ka ba. Ikaw? Where are you going?”

“I can’t sleep.”

“Is there something bothering you?”

“W-wala naman.”

“Maybe I can do something. Sing a song to lull you to sleep?” Pagkatapos nitong magsalita ay nanatili pa rin siya sa posisyon niyang nakahawak sa seradura ng pinto na nakaawang lang sapat para makalabas ang mukha niya.

“Or read a fairytale?” dagdag ni Anthony.

Nanatili pa rin siyang nakatingin lang dito.

“I’m harmless, Gelai. I swear.”

Yet I am not. 'Swear, aniya sa isip. Baka kung ano ang magawa ko sa iyo. Sige ka. Hindi pa naman natuloy iyong first kiss ko sa iyo.

Hinawakan nito ang doorknob at itinulak ang pinto para luwagan ang pagkakabukas niyon. Bumitaw na lang din siya saka tumabi para makapasok ito. Sumampa siya sa kama. Umupo lang siya roon habang nakasandal sa headboard. Lumapit si Anthony. He looked at her as if asking permission if he could sit beside her. Tumango siya at iyon na nga ang ginawa nito.

“You are tired. You need to sleep now,” anito. Napapikit siya nang haplusin nito ang noo at buhok niya. It was such a gentle touch. At gaya ng sinabi nito kanina, he started singing.

“You and I cannot hide the love we feel inside, the words we need to say. I feel that I have always walked alone. But now that you’re here with me, there’ll always be a place that I can go. Suddenly our destiny has started to unfold. When you’re next to me, I can see the greatest story love has ever told…”

Anthony had a good singing voice. Hindi niya napigilang isandal ang ulo niya sa balikat nito. Unti-unti na rin siyang hinihila ng antok at ilang sandali pa ay nakatulog na nga siya.

***

Naalimpungatan si Gelai sa naririnig niyang marahang pagtibok ng kung ano. She slowly opened her eyes. At nalaman niyang nakapatong pala ang ulo niya sa dibdib ni Anthony. Tiningala niya ang mukha nito. Payapa itong natutulog. Napangiti siya. He looked so calm and innocent like an angel.

Inalis niya ang kanyang ulo sa dibdib nito at itinukod niya ang kanyang kanang siko sa kama para mas mapagmasdan niya nang maayos ang mukha nito.

A very handsome creature, indeed. Nakaka-in love… She sighed helplessly. Ito ang mukhang gusto niyang masilayan pagkagising niya sa umaga araw-araw.

Hinaplos niya ng kanyang kaliwang hintuturo ang mukha nito. Hindi naman niya ito nagising.

Muli siyang napangiti nang maalala kung ano ang ginawa nito kanina para makatulog siya. He sang her a beautiful love song. And because of that, she had slept well.

Habang tumatagal na pinagmamasdan niya ang mukha nito at hinahaplos iyon ng isang kamay niya ay lumalakas naman ang pagkabog ng dibdib niya. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga labi nito. Nakaawang nang bahagya ang mga iyon. They looked inviting.

She felt the urge to get nearer his face. Nearer and nearer until their lips would meet. Napalunok siya.

Wala naman sigurong magagalit. Alam niyang single si Anthony at hindi naman malalaman ng lalaki na ninakawan niya ito ng halik dahil tulog na tulog ito.

Sandali lang naman, eh. One second. Promise. One second.

So she did it with eyes closed. And when their lips finally met, a line passed her mind.

Let me take your heart, baby. I’m giving you mine.

Dagling lumayo siya rito nang gumalaw ito. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi ito nagising.

Tumikhim siya. Ano naman iyong sinabi ng isip niya?

Naguguluhang bumangon na lang siya. Aalis na lang siya, tutal maggagabi naman na. Inayos niya ang kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang bag. With one last look at the unconscious Anthony, she went out of the room. Nag-iwan na lang siya ng note na umalis na siya. Ayaw niyang gisingin ito. Kinakabahan siya. Baka itanong nito kung ano ang problema niya dahil siguradong mag-ii-stutter siya kapag kakausapin niya ito.

Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang dibdib nang makasakay na ng elevator pababa ng condominium building. Ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso niya.

O, mang-molestiya ka uli.

Sumimangot siya. Itinuloy ko lang naman iyong naudlot kaninang umaga, pagrarason niya sa isip. Saka, hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit hindi mapanatag ang kalooban niya. There was something arising inside her. An emotion she never thought she would feel again after a very long time.

Love…

Muntik na siyang matipalok habang naglalakad na siya sa may lobby kahit doll shoes ang suot niya.

Had she really fallen in love with Anthony already?

You Healed My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon