CHAPTER THREE
Nilapitan niya ang babae. Pupulot na sana siya ng nahulog na ponkan pero nakita ng peripheral vision niya na may rumaragasang van ang papalapit sa kanila. Nanlalaki ang mga mata niya.
Mabilis ang kilos na hinila niya ang babae sa kamay. Pareho silang napabalandra sa kabilang lane malapit lang sa motor niya dahil sa lakas ng pagkakahatak niya rito. Pero sinugarado niyang protektahan ang ulo nito.
Pagkalipas lang ng ilang segundo ay nakahinga siya ng maluwag. Pareho na silang ligtas. Iyong nabitawan nitong paper bag ng mga ponkan ang nasagasaan lang ng van. Napatiim-bagang siya. Anong klaseng driver ba ang nag-drive ng van na iyon? Hindi ba nito nakitang may muntik na itong masagasaan? Ni hindi man lang ito huminto at lumapit sa kanila para tanungin kung okay lang ba sila. Sayang, hindi niya natandaan ang plate number niyon.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa babae.
“I-I d-don’t think so,” halos pabulong na na sabi nito. He could feel her body trembling dahil nakayakap siya rito. Nanlalamig din ang kamay nitong hawak niya. Bumangon siya kaya napabangon din ito.
Hinawi niya ang buhok nitong tumabon sa mukha nito. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang mukha nito. Hindi niya alam kung dahil ba kinabahan siya nang makitang namumutla ito o dahil ba kayganda ng mukha nito.
“We’re already safe,” sabi niya rito. Nanatiling nakayakap ang isang bisig niya rito. Hindi naman niya ito kayang bitiwan.
Kasi, gusto mo? tudyo ng isang parte ng isip niya.
Alangan naman kasing mahiga na lang siya sa semento, anang kabila.
Hmm. Defensive.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nagkaroon pa talaga siya ng moment na mag-isip ng ganoon gayong nangangatal na ang mga labi ng babaeng ito.
“Miss,” untag niya sa babae. Maluha-luha na rin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Hindi nga ito okay. Kasi bigla-bigla na lang, nawalan ito ng malay!
NAALIMPUNGATAN si Gelai sa dalawang boses na nag-uusap. Iyong isang boses ay pagmamay-ari ng lalaki. Ang isa ay pagmamay-ari ng babae. Parehong hindi pamilyar sa kanya ang mga boses na iyon.
Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Ang puting kisame ng nahihinuha niyang hospital room niya ang bumungad sa kanya. Nagtaka pa siya noong una kung bakit siya naroon, pero naalala rin agad niyang muntik na pala siyang masagasaan ng van kanina. She was thankful it just almost happened. Salamat sa taong nagligtas sa kanya kanina.
Inilibot niya ang tingin sa silid. Nakita niya ang babaeng doktor na kausap ang isang lalaki na nakatalikod sa direksiyon niya.
“Don’t worry. She’s perfectly fine. Nahimatay lang siya dahil sa kaba. You said she was almost hit by a van, right? Sobra siguro siyang natakot. If you want to check kung may iba pa bang damages sa kanya, we can run more tests para masigurado na okay na okay nga siya.”
“Thanks, Doc.”
Tinapik ng doktora ang balikat ng lalaki bilang pamamaalam rito, 'tapos, sinulyapan siya nito. Nang makitang gising na pala siya, nginitian siya nito.
“She’s already awake,” imporma nito sa lalaki then lumapit muna ito sa kanya. “How are you feeling, dear?” tanong nito.
“Okay naman, doc,” she faintly smiled at her then she looked at the guy that was now right behind the female doctor. Matipid itong ngumiti sa kanya. Parang pamilyar ang mukha nito sa kanya pero hindi na niya matandaan kung kailan at saan niya ito unang nakita.
BINABASA MO ANG
You Healed My Broken Heart
Romance[Nag-iisip pa po ako ng ipo-post na teaser para dito. Please understand na minsan, nagkakabutas ang brain ko.V(^____^)V ] Written by PinoyAkari. 2014.