CHAPTER FIVE
“Hindi na po dito nakatira si Sir, Ma’am,” anang kausap ni Gelai sa kabilang linya na nagngangalang “Mina.” Kasambahay ito ng pamilya Tizon at siyang sumagot sa tawag niya.
Sabado ng umaga at nakahanda na ang thank-you gift niya para kay Anthony. Ngayon lang siya nagkaroon ng panahon para gumawa ng paraan para makita ulit ito dahil naging busy siya sa eskwelahan. Malapit na kasi ang intramurals ng mga bata.
Landline ng bahay nito ang una niyang tinawagan para malaman kung naroon ba ito. Grabey! CEO pala ng isang kompanya si Anthony na nagma-manufacture ng fabrics. Iyon kasi ang nakalagay sa calling card nito.
Napakunot-noo siya. “Huh?” nagtaka siya sa sinabi ng kasambahay.
“Kasi po—”
“Who’s that, Mina?” narinig niyang sabi ng isang lalaki mula sa kabilang linya na nagpatigil sa sasabihin pa sana ni Mina. May pagkakahawig iyon sa boses ni Anthony pero sigurado siyang hindi si Anthony iyon. Tanda pa kaya niya ang boses ni Anthony sa phone.
Grabey talaga. Ganito ba kapag crush mo ang isang tao? Matatandaan mo kahit maliit na detalye sa kanya?
“S-sir Allan, m-may naghahanap po kay Sir Anthony, eh,” nagkandautal na sabi ni Mina.
“Hello?” Napapitlag siya nang bahagya dahil bigla na lang nagbago ang boses ng kausap niya. Ito yata iyong Allan.
“Yes?”
“You’re searching for my brother?”
“Hmm, yes.”
“Wala siya rito.”
“Ah, pwede bang malaman kung nasaan siya ngayon? Nasa opisina ba siya?” tanong niya.
“He’s neither in the office.” Lalong kumunot ang noo niya. Sinabi nito ang tinutuluyan ngayon ng kapatid nito. Nagkibit-balikat na lang siya. Weekend naman kaya siguro wala ito sa opisina.
“Ah, sige. Thanks. 'Bye,” then she hung up.
Dala ang paper bag na pinagsidlan niya ng specialty niyang afritada, lumabas siya ng bahay at tinungo ang condo ni Anthony. Pagkarating doon ay hindi agad siya pinapasok ng guard. Sinabi niyang bisita siya ni Anthony Tizon. Pero wala daw ang lalaki. Pinaghintay na lang siya nito sa lobby.
Pagkalipas ng halos kalahating oras ay bagsak ang mga balikat na palabas na siya ng gusali nang may nabunggo siya. 'Ayan, yuyuko-yuko kasing maglakad.
“'Sorry,” aniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad pero may pumigil sa kanya.
“Teka, Miss. Ikaw ba 'yong sinabi ng guard na bisita ni Sir Anthony?”
Agad naman siyang nag-angat ng mukha. “Oo, ako nga.”
“M-miss?” anang babaeng nakabangga niya at bumadha ang pag-aalala sa mukha nito.
“Bakit?”
“Umiiyak ka po ba?”
“Huh?” Dinama niya ang kanyang pisngi pero hindi naman iyon basa. Ngunit iyong mga mata niya, nagtutubig. Naiiyak siya. Bakit? Kasi hindi pa dumadating ang hinihintay niya.
Wow, ha. Ang OA ko masyado.
“H-hindi. Napuwing lang ako,” pagkakaila niya.
“Tara po sa elevator,” yaya ng babae sa kanya.
“Huh?”
“Sinabihan ko na iyong guard na isasama ko na po kayo sa taas. Ako nga po pala si Nena, tagalinis po ng unit ni Sir Anthony,” pakilala nito.
BINABASA MO ANG
You Healed My Broken Heart
Romance[Nag-iisip pa po ako ng ipo-post na teaser para dito. Please understand na minsan, nagkakabutas ang brain ko.V(^____^)V ] Written by PinoyAkari. 2014.