CHAPTER SIX
“What are you doing here, Gelai?” kunot-noong tanong ni Anthony.
Nakaramdam siya ng kilig. Tinawag siya nito sa pangalan niya. Ibig sabihin, natatandaan pa siya nito!
“Nagdala ako ng pagkain for you,” sagot niya.
“How did you know about my place?” tanong uli nito.
“I called sa bahay niyo but they said dito ka na raw nakatira.”
“Ba’t 'di ako ang tinawagan mo?”
“P-para surprise?”
“How did you get in?” tanong na naman nito. Medyo kinabahan siya. Parang ayaw yata nito na naroon siya.
“Pinapasok ako ni Nena.”
Tumingin ito sa kasambahay nito. “You let her in though you barely know her? And what have we agreed with when I hired you? You shouldn’t let anyone else enter my house without my permission,” anito sa mababang boses.
“P-pinapatalsik niyo na po ba ako sa trabaho ko?” ani Nena sa nanginginig na boses.
Bigla siyang nag-alala para kaya Nena. At the same time, nakokonsensiya rin siya. Siya pa yata ang dahilan kung bakit mawawalan ito ng trabaho. Oh no! Kakasimula pa lang nito pero fire na agad.
“In a way.”
“Eh?” Siya ang nag-react sa sinabi ni Anthony. What did he mean?
“I’m firing you, Nena. But you’ll work for another boss. Let’s just talk about this some other time. You may now go,” pandi-dismiss nito. Lumipas pa ang ilang segundo bago tumalikod si Nena na halatang naguguluhan pa rin. Maging siya ay medyo hindi na-gets ang sinabi ni Anthony.
“Bakit mo siya tinanggal?” mayamaya ay naitanong din niya rito.
“I really don’t need her,” balewalang sagot nito.
“Weh? Ang gulo nga ng bahay mo, eh. Kailangan talaga ng tagalinis,” hindi niya napigilang sabihin.
“If you want, be the one to clean my house,” diretsang sabi nito.
Natigilan naman siya sa sinabi nito. Siya, maglilinis ng napakagulong bahay nito? Nag-isip siya. Why not? May utang-na-loob siya sa lalaking ito. Buhay niya ang iniligtas nito. Napakalaking bagay niyon. Kung tutuusin, kulang na kulang ang maging tagalinis ng bahay nito. May trabaho siya, pero pwede namang pagkatapos niyon ay dadaan siya sa condo nito para linisin iyon. Kahit araw-araw pa, okay lang sa kanya. Saka isa pa…
Makikita ko siya. Eek!
Ay? Kalandian lang pala. Tsk! anang atribidang isip niya.
“Okay,” wika niya.
Napakurap si Anthony. “No. I was just kidding, Gelai.”
“Kahit din. Okay lang talaga sa akin. I owe you my life, Anthony. I’m willing to do it. 'Sabi mo, hindi kita kailangang bayaran sa ginawa mo. Let us just take it as my thank-you gift for you. Okay ba?” nakangiting saad niya rito. Hindi sa para makapanantsing siya, pero gusto-gustong talaga niyang gawin iyon. “Kung ayaw mo, hindi ako magsasawang pasalamatan ka araw-araw, gabi-gabi. Padadalhan kita ng masarap na pagkain. Kung may gusto kang ipabili, sabihin mo na lang sa akin at ako ang bibili niyon para sa 'yo. Ipagdadasal ko ang kaluluwa mo—”
“Err, para naman akong patay sa lagay na 'yon,” pahayag nito na nagpatigil sa pagsasalita niya.
“Gagawin ko talaga iyon,” aniya. Kumunot ang noo nito. "I mean, ang ipagdasal ang kaluluwa mo."
“You really don’t have to do all of that, Gelai. A simple ‘thank you’ is enough.”
“But for me, it’s not.”
“Ang kulit mo rin, 'no?” Wala naman siyang napansin na iritasyon sa boses nito nang sambitin nito iyon.
“Payagan mo na lang kasi akong maging kasambahay mo.”
Bumuga ito ng hangin. “Sige. But just for a month.”
“That’s a deal.” Inilahad niya ang kanang kamay dito habang nakangiti nang matamis.
“That’s a deal.” Tinanggap nito ang kamay niya. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan niya nang magdaop ang mga palad nila. Dagling binawi niya ang kanyang kamay mula rito. Nagtataka ang tingin nitong ipinukol sa kanya.
“Parang may nakita kasi akong nag-spark. Iyong parang sa wire,” sabi niya.
“Saan?” kunot-noong tanong nito.
Nagkamot siya sa batok. Ano ba’ng ipapalusot niya?
“Sa ulo ko lang.”
Nadagdagan lang ang kunot sa noo nito. “May pumasok na ideya sa isip ko, eh. 'Sabi, kainin na daw natin iyong pagkain,” dagdag niya.
Parang na-wi-weirdo-han na tinitigan siya nito. Iyong tingin nito, parang nagsasabing “'Siguro umilaw na bombilya iyon; iba lang ang term niya.”
Humila siya ng upuan sa harap ng hapag-kainan.
“I’ve prepared lunch for you… Sir!”
BINABASA MO ANG
You Healed My Broken Heart
Romance[Nag-iisip pa po ako ng ipo-post na teaser para dito. Please understand na minsan, nagkakabutas ang brain ko.V(^____^)V ] Written by PinoyAkari. 2014.