Chapter Twelve

14 0 0
                                    

Pagkatapos kumain nina Gelai at Anthony ay niyaya na siya nitong umuwi. Ihahatid daw siya ng binata.

“Kailangang maaga kang matulog ngayon para mabawi mo iyong mga gabing konti lang ang oras ng tulog mo,” wika ni Anthony. Iginigiya siya nito palabas ng fast-food restaurant. Hawak-hawak pa nito ang palapulsuhan niya habang ang isang kamay nito ang may bitbit ng plastic bag ng groceries na pinamili niya.

She glanced at him sideways. “Ayaw mo pa ba akong makasama?” pabirong tanong niya. She sounded just joking. But jokes are always half-meant as they say.

She heard him chuckle. “May bukas pa, Gelai,” ngingiti-ngiting sabi nito.

Huminto siya at nilingon niya ito. Nasa bungad na sila ng entrance ng restaurant na kinainan nila. “You mean to say something, don’t you?” nakataas ang kilay na tanong niya. She was hoping there really was. Kakapalan na ng mukha kung tawagin, pero baka meron nga. Wala namang masama kung itanong.

“Well… yeah. But you’re busy tomorrow,” anito.

I can always find time for you, you know. “Holiday sa Wednesday,” pasimpleng sabi niya.

Tutugon sana ito pero nakuha ng isang pares ng babae’t lalaking nakatayo sa harap nila ngayon ang atensiyon nito. Titig na titig ito sa babae at maging ang huli ay ganoon din dito. Bahagyang kumunot ang noo niya. Magkakilala ba ang mga ito? At bakit ganoon ang mga ito kung makatingin sa isa’t isa?

She looked at the woman. Walang dudang maganda ito. Medyo revealing ang suot nitong damit kaya ang sexy-sexy nitong tingnan. Mukha itong galing ng party. Matangkad ito at slim. Perfect to be a model. Pwede ring artista. Noon ito bumaling sa kanya. Matipid siyang ngumiti rito maging sa kasama nito. Pero hindi siya nito ginawang gantihan ng kahit tipid lang din na ngiti. Ang lalaking kasama lang nito ang ngiting-ngiti sa kanya. Iba nga lang ito kung makatingin sa kanya, nakakailang.

Naramdaman na lang niya ang kamay ni Anthony na bumababa mula sa palapulsuhan niya hanggang sa magdaop na ang mga palad nila. Tumingin doon ang babae. Pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Anthony. Kumunot ang noo nito.

Why was she like that? Ginawa pa nitong obserbahan sila ni Anthony. And what was with the knot in her forehead?

“Excuse us,” narinig niyang sabi ni Anthony. Marahang pinisil nito ang kamay niya. “Tara na, Gelai,” sabi nito sa kanya at nilagpasan na nila ang magkapareha. Medyo nauuna ito sa paglakad pero hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya. Naramdaman niya ang pagbabago ng mood nito. 

“Kakilala mo ba ang mga iyon?” hindi niya napigilang itanong.

“Just the woman,” maikling sagot nito.

“Kaanu-ano mo? Bakit hindi kayo nagkumustahan o nagngitian man lang? May away ba kayo?”

“Just shut your mouth, Gelai.”

Nabigla siya sa sinabi nitong iyon. Patuloy pa rin ito sa paglalakad ng mabilis. She was a bit offended on what he said. Hinila niya ang kamay niya mula rito. Huminto ito sa paglalakad at kunot-noong nilingon siya.

“K-kung nagmamadali ka, huwag mo na lang akong ihatid,” hindi nakatingin ditong sabi niya.

“Hindi ako nagmamadali, Gelai.” She sensed the coldness in his voice. Ano ang dahilan kaya nagkaganoon ito samantalang kanina, ngingiti-ngiti pa ito sa kanya at lively silang nag-uusap?

“Ba’t ang bilis mong maglakad?”

Natigilan ito. He took a step closer to her then he held up her chin. Masuyo ang tinging ipinupukol nito sa kanya. “I’m sorry, Gelai,” hinging-paumanhin nito. Tumango na lang siya. Inakbayan siya nito at hinapit pa palapit sa katawan nito. Gusto niya ang pakiramdam na iyon na halos yakap na siya nito. Pero para hindi nito masyadong mahalata na gustong-gusto niya iyon, umarte siyang naiilang.

“Baka mapagkamalan tayong magnobyo,” sabi niya.

“Hayaan mo na. But if you mind…”

She shook her head. Nginitian siya nito at nagpatuloy na silang maglakad papunta sa sasakyan nito.

Hindi niya alam kung bakit ganoon umasta si Anthony sa kanya. Lagi na lang siyang kinikilig. Ayaw man niyang mag-assume pero may pakiramdam siyang kakaiba na rin ang nararamdaman nito para sa kanya.

Haay… Sana nga.

***

Nakarating din sina Gelai at Anthony sa bahay ng una makalipas lang ang ilang minuto. Motor kasi nito ang sinakyan nila. Ang bilis nga nitong magpatakbo niyon kaya mahigpit ang yakap niya rito mula sa likuran. And take note, walang halong pananantsing iyon.

Takot lang talaga akong mahulog, aniya sa isip.

Inihatid pa siya nito hanggang sa pintuan ng bahay niya.

“Anthony, salamat, ha?” wika niya.

“Your welcome.” Masuyong ginulo nito ang buhok niya. “Pasok ka na. Malamig dito sa labas,” sabi nito.

“Gusto mong pumasok muna?” anyaya niya nang mabuksan na niya ang pinto. “Let’s have a cup of tea or something before you go home.”

“Nah. Maybe next time. You rest early tonight.”

“Ah, sige,” tumatangu-tangong sabi niya. She smiled sweetly at him before entering the house. Kung hindi lang nakakahiya, hinalikan sana niya ito sa pisngi.

'Sus! Ninakawan mo na nga ng halik sa labi, eh. Ngayon ka pa nahiya, anang isip niya.

Nag-init ang mga pisngi niya sa alaala. Tulog siya no’n, eh!

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may kumatok mula sa labas. Agad niyang pinagbuksan iyon.

“Iyong groceries mo, nakalimutan kong ibigay sa iyo,” si Anthony, iniumang nito sa kanya ang bitbit na plastic bag. Kinuha niya niyon.

“Thanks.” Grabey! Nakalimutan niya iyong kunin kay Anthony dahil sa medyo lango pa siya sa bango nito nang umibis na sila mula sa motor nito.

Nanigas na lang siya nang maramdaman ang paglapat ng isang malambot na bagay sa pisngi niya.

“Good night, Gelai.” Hindi niya nagawang tumugon dito dahil tulala siya. Hinalikan siya nito sa pisngi, goodness! Nakalabas na ito ng gate at nakasakay na sa motor nito, hindi pa rin siya natinag sa pagkakatayo sa may pintuan ng bahay niya. Ginawa ba talaga nito iyon? O baka nagha-hallucinate lang siya?

Dinama niya ang kanyang pisngi. Ramdam pa rin niya ang lambot at init ng mga labing dumapo roon. Kaya malakas ang kutob niyang nangyari nga iyon at hindi lang isang hallucination. Napapabuntong-hiningang napasandal siya sa door frame. Ang bilis-bilis na naman ng tibok ng puso niya at kinikilig siya ng sobra. It was too much to bear. Nagpakawala siya ng isang impit na tili. She didn’t care what other people might think seeing her in that state—acting like some teenage girl. She was just so happy at gusto lang niyang ilabas iyon. Dahil kung hindi, ewan niya kung ano ang mangyayari sa kanya. Baka mapupunit lang ang mga labi niya sa kakangiti at baka umusok lang ang kanyang mga pisngi sa kapulahan niyon matapos ang nangyari

You Healed My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon