Kyla's POV
"Ms. Kyla?? Ms. Kyla??"
Aray ko ang sakit ng mata ko..
Bakit ang puti??bakit ang labo ng paningin ko?? Am I in the Heavens aboved??"Ms. Kyla!" Sigaw ni ate nurse..
Wow!pakaimbyerna! Sigawan ba naman ako..baka maalimpungatan ako at masapak ko sya noh?? TSS.."Okay na po
Ba kayo ms.??" Tanong nya.."Okay na sana ako ate..sumigaw ka lang parang feeling ko tuloy nagdidilim ang paningin ko at gusto Kong humawak ng kutsilyo.." Sabi ko tsaka tinarayan si ate..
"Sungit...wait lang, boyfriend mo ba yung naghatid sayo dito?yung miyembro ng P7? Ano nga bang pangalan non.." Sabi nya with matchering pitik pa sa kamay..
"Ayun!! si Gabrielle Mendoza??"
Sigaw ni ate..napatakip na naman ako ng tenga ko dahil sa tingin ko may nilunok na speaker at mic si ate at bumara sa lalalumunan nya at sobrang nakakabingi ang sigaw nya..Teka nga...si Gabrielle???
"No way!!di ko yun boyfriend noh!"
"Buti na lang..ngayon akin na sya..wahhh!!mwah!" Sabi ni ate habang may papikit pikit pa..hay nako..makaalis na nga lang kaysa mabadtrip dito Kay ate..
"Aalis na po ako..salamat po." Sabi ko tsaka kinuha ang bag ko tsaka umuwi sa bahay dahil nagagalit na ang mga anak ko sa sikmura..
Third person's POV
"Tupe! Andito na ko!"
Tawag ni Kyla sa kapatid nyang si Krystoffer na 12 years old lang."Kain na tayo ate.."
"Sige..ano ulam?"
"Adobong manok..Tara na.."
Nagsimula ng kumain ang magkapatid at nagumpisa naring magkwento si tupe sa kanyang ate tungkol sa eskwela..
"Tapos yun nga ate..." Pagkwekwento ni tupe Kay Kyla..
Napansin ni tupe na nakatulala ang ate nya kaya kinuha nya ang buto ng manok at..Tok!! Binato ni tupe ang ate nya ng buto ng manok sa noo nito.
"Aray ko naman! How is you bato bato me the bone of the chickens??" Sabi ni kyla habang patuloy pa ding hinihimas ang kanyang noo dahil sa sakit ng pagkakabato ni tupe.
"Hwag ka ngang magenglish Mali mali naman...tsaka bakit ba Hindi ka nakikinig!?" Sabi ng kanyang kapatid habang kinakamot ang kanyang ulo..
"May iniisip lang eh.....
Hoy!!isa pang bato ha papalunok ko sayo itong buong buto na to..aishh.." Sabi ni kyla habang itinutok Kay tupe ang tinidor nya..Bumalik sya sa pagiisip kung bakit sya tinulungan ng isang miyembro ng grupong kinasusuklaman nya sa lahat..
Hmmpp..kahit naiinis ako sayo,gusto ko paring magthank you..isip ni Kyla...
(Laketon University)
Maagang pumasok si kyla para mahanap ang lalaking tumulong sa kanya kahapon. Sa laki ba naman kasi ng university na yun sang lupalop kaya nya yun hahanapin.. Gusto nyang pumunta sa garden para makapagpahinga ng slight eh kasi naman kung san san na sya napadpad.Pero laking gulat nya ng mahanap nya ito sa ilalim ng puno na natutulog.
Tamad..TSS..isip ni kyla tsaka pumunta sa direksyon nito.
"Hi." Sabi ni Kyla sa lalaki..
"Hi..what?" Sabi ng lalaki habang nakapikit pa din at di man lang dumilat para tignan ang kumausap sa kanya.."Gusto ko pala sanang magthank you sa-"
"Thank you your face..ginawa ko yun hindi para sayo,para sa P7 sasama ang tingin ng ibang school samin even if we don't even planned the thing that happened to you yesterday.."mahabang speech ni Gabrielle ngunit halatang inaantok pa ito." TSS..dami mong sinabi nagthank you lang naman ako,nag epport lang naman akong hanapin ka Tsk!."sabi ni kyla tsaka tumalikod paalis..
Sandali itong napatigil at humarap Kay Gabrielle.."Stopings to your badding to the attitude.. Its a no no no!!" Sigaw ni Kyla tsaka tumakbo paalis na parang isang bata..
Hindi namang maiwasang matawa ni Gab sa sinabi ni Kyla dahil Hindi nya alam kung San Lupalop nakuha ni Kyla ang malaalien nyang language.."Ano bang edad nya? Four years old??Hays." Pabulong na sabi ni Gabrielle ng nakangiti habang nakatingin sa tumatakbong Kyla..
BINABASA MO ANG
In Love With That Krung Krung?!
Teen FictionIsang babaeng ubod ng baba ang I.Q,ubod ng slow at pinaglihi sa katangahan..boyish Pero maganda yan si Kyla Cheon.. Pitong lalaking ubod ng yaman ubod ng gwapo at saksakan ng pagkaantipatiko.. yan ang Phenomenal 7.. KAYA nga bang baguhin ng isan...