Chapter 27: ( MOMMY AND DADDY?!)

151 16 6
                                    

Nagising si Kyla sa mabigat na bagay na nakapatong sa bewang nya. Gumising sya at nakitang nakayakap sa kanya si luhan na mahimbing paring natutulog.
"Hoy.. Luhan." Iaantok na sabi ni Kyla habang medyo nakapikit pa ang mga mata dahil sa antok at yinuyugyog ng konti si Luhan Para magising ito.

"Ano ba?? Lets sleep.." sabi ni Luhan na nakapikit parin at humiga sa hita ni Kyla.
Nakaramdam naman ng inis si Kyla at tinulak nya na si Luhan paalis ng kama.
Maya maya pa ay bumangon na si luhan at nakasimangot ang muha nito. Pero hindi simangot na galit kundi isang cute na pagsimangot na nagpatawa kay kyla ng mahina.

"Why are you laughing? Walang nakakatawa." Sabi ni Luhan at tuluyan ng tumayo sa sahig.
"Haha. Wala. Mukha ka kasing pato kanina. Ang haba ng nguso mo. Your looking to such a very pool."
mas lalong napasimangot si Luhan sa kanyang narinig.
"Its early in the morning so pls. Stop with your alien language."

Tok tok!!
"Mga anak. Gumising na kayo at sumabay ng kayong kumain sa amin."sabi ng madre pagkatapos kumatok.
"Ayy. Opo. Sorry po" sabi ni Kyla at inayos ang kanyang tali bago tuluyang tumayo.
Ilang sandali pa ay bumaba na silang dalawa.

Sa kanilang pagbaba ay sumalubong sa kanila ang Maraming bata at madre na nakupo sa isang mahabang lamesa. Nagkatinginan muna silang dalawa bago silang tuluyang bumaba.
"Oh. Andyan na pala kayo. Halina kayo at kumain na."sabi ng madre at hinawakan sa balikat si Kyla at pinaupo silang dalawa ni Luhan. Ng makupo na sila ay tumayo ang isang madre.

"Mga bata, sila ang ating mga bisita. Ituring nyo silang parang ate at kuya at magpakabait kayo sa kanila maliwanag ba??"sabi ng madre at tumungo na lamang ang mga bata.may isang batang nagtanong sa kanila.
"Ate. Kuya. Ano pong pangalan nyo??"nakangiting sabi ng batang babae.

"Ako si Ate kyla. Sya naman si Kuya Luhan." Nakangiting sabi ni Luhan. Malamang sa malamang ay walang pakialam si Luhan at tahimik lang na kumakain.
"Ahm.pwede ko po ba namin kayong tawaging mommy at daddy??"
Sa tanong ng bata ay kapwa na bilaukan sila kyla at luhan at sabay na tumingin ng nagtataka sa mga bata.
"Pumayag na kayo mga anak, simula pa kasi ng mga bata sila ay iniwanan na sila ng magulang nila dito kaya nangungulila sila." Pagpapaliwanag ng madre.

Tumingin si Kyla kay luhan na humingi ng pagsangayon. Kahit naman maldita at matapang si Kyla sa mga bata ay lumalambot ang puso nito pagdating sa mga bata. Huminga naman ng malalim si Luhan at tumungo na lamang. Natuwa naman ang mga bata dahil doon.
"ate. Ayy. Mommy at daddy pala. Pwede po ba tayong maglaro mamaya?"tanong ng isangbata.
"Oo naman ikaw pa!"masayang sabi ni Kyla.
"Can you please it first??"antipatikong sabi ni luhan.

Nanlisik ang mga mata ni Kyla sa inis at siniko si Luhan sa inis.Muntik namang maisuka ni Luhan ang kinakain sa sakit.
"I mean. Sure." Sabi pa nito.
"Yehey!!!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata.
"Oh. Mga bata, kumain muna kayo para makapaglaro  kayo nila mommy at daddy."halos nagpipigil na tawang sabi ng madre at tumingin ng nakangiti kayla kyla. Naglabas naman ng pekeng ngiti ang dalawa.

----------------------------------------------------

Hinila ng isang bata ang kamay nila kyla at Luhan papunta sa labas.
"Laro na po tayo."pacute na sabi ng isang bata.
"Haha. Ano namang lalaruin natin??"sabi ni Kyla.
"Hmm..habol habulan!"masayang sabi ng Bata at tinapik ang braso ni Luhan na walang kamalay malay sa mga nangyayari. Sabay sabay na kumaripas ng takbo ang mga bata at pati narin si Kyla.
"Haha! Si daddy taya!!" Sigaw ng isang bata.

Lumabas ang isang mapangasar na ngiti kay Luhan at tumingin ng masama kay Kyla at nagsimulang tumakbo. Kahit na mabilis tumakbo si kyla ay nahahabol parin ito ni Luhan.
Kaya ng mahabol ni Luhan si Kyla ay niyakap nya ito sa likod para hindi na ito makawala.

Bigla namang huminto ang dalawang batang lalaki at nagusap ng galit.
"Diba sa pagkakaalam ko tayo ang hahabulin??bakit sila na lang ang naglaro??"
"oo nga eh! Ano ba naman yan. Pasok na nga tayo sa loob!" Sabi ng dalawa at nagkamot ng ulo papaalis.

Makailang sandali pa ay tumigil na ang lahat at napagpasyahan ng pumasok sa loob.
Maghahapon na rin at kaylangang matulog ng mga bata ng hapon. Pinatulog na sila ng ibang mga madre at pati narin sila ktla ay tumulong.
Pagkatapos ay nagbihis na sila at kailangan narin nilang umalis.
Habang naglalakad sia palabas ay kinakausap sila kyla at luhan ng isang madre.

"Salamat nga pala sa pagpapasaya sa mga bata kahit konting panahon lamang malakig utang na loob namin sa inyong dalawa."
"nako wala pong anuman yon, wala nga lang po akong maibigay sa orphanage kahit ko.ti dahi kahit po ako walang pera hahaha!" Sabi ni Kyla at kinamot ang kanyang ulo.
"Okay lang yun anak."nakangiting sabi ng Madre.

"Magdodonate po ako 500,000 para po sa mga bata."sabi ni luhan. Lumabas ang isang masayang ngiti sa madre. At lalo na si Kyla dahil kahit pala papano ay may nakatagong bait sa lalaking kinakainisan nya.
"maraming salamat sa inyo. Kahit kailan ay pwede kayong bumisita dito dahil sugurado hahanapin kayo ng mga  bata."masayang sabi ng madre na nagpatawa kay Kyla.

Nakarating na sila sa garmte at nagpaalam na sila sa isat isa.
Bago pa isarado ng madre ang gate ay may sinabi ito.
"Bagay kayo."sabi ng madre at sinarado na talaga ang gate.

Habang naglalakad sila ay naisipan ni Luhan na asarin si kyla.
"You hear that? Bagay daw tayo oh?"nainis si kyla kaya binatukan nya ng malakas si luhan.
"loko ka!!"sigaw ni kyla.
"ano namang naisipan mo at tumulong ka ha??"
"malaki ang pinagbago ko simula ng dumating ka sa buhay ko." Nakangiting sabi ni Luhan.
"Hahaa! Cheesy mo lika na nga umalis na tayo!"sabi ni Kyla at nagdirediretso na lang sa paglalakad.

walang pakialam si Luhan kung cheesy sya ang mahalaga ay napapakita nyang seryoso sya kay kyla  at mapasaya nya ito sa kahit anong paraan.

Votes comments love lots!!!

In Love With That Krung Krung?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon