EPILOUGE

176 9 0
                                    

Third Person's POV
"Guys.. Sa tingin nyo? Kakayanin kaya ni Kyla ang nangyari kay Luhan?" Tanong ni Kevin habang kumakain ng sandwich.
"Ano pang magagawa natin? Sabihin na lang natin sa kanya. Baka masuntok tayo nyan." Sabi naman ni Kiefer.
Nasa hospital ang P7 at binabantayan si Kyla. Lahat sila ay halos walang tulog sa pagasang magising na si Kyla sa halos isang buwang pagkacomatose nito. Siguro ay dahil sa sobrang pagod at gutom na dinanas nito ay hindi na ito kinaya ng kanyang katawan.

"Sana okay lang si Krystoffer." Malungkot na sabi ni Alexander at tsaka humigop ng kape nya.
"Kasama na ni Hyung su God. Okay lang sya. At least doon wala syang ginagawa diba?" Natatawang sabi ni Gabrielle pero hindi mo maitatago ang lungkot na bakas sa kanikanilang mukha. Sabi nga nila Kahit ilang beses kang ngumiti at umakto na masaya ka. Hindi mawawala sa iyong mga mata. Ang sakit na nadarama.

Nanatili silang tahimik. Hindi nila napansin na gumalaw ang isang daliri ni Kyla. Gumalaw pa ito ng gumalaw at napansin na ito ni  Kevin kaya naman agad itong sumigaw at nagsasayaw.
"Whooo! Gising na si kyla! Gising na si Kyla!!!" Sigaw niya na nagpabasag sa katahimikan ng lahat. Kaya naimulat na ni Kyla ang kanyang mata ng tuluyan. Nilapitan sya ng P7.
"Kyla! Kyla okay ka lang ba??" Nagaalalang tanong ni Alexander at parang tinitignan pa kung May masakit sa kanya.
"O-okay lang ako." Sabi ni Kyla na nanghihina parin. Pinipilit pa nitong umupo.
"Wag ka munang umupo kyla." Sabi naman ni Kiefer at inalalayan nya pa si kyla na humiga ulit.
"Anong n-nangyari??"

"Ahm. Ano kasi eh." Sabi ni Maxx habang nangangamot ng ulo.
"Alam mo bang tulog ka ng halos isang buwan kyla?" Nagaalalang tanong ni Gab.
"A-aba ewan ko. B-bakit ako tinatanong mo? T-tulog nga ako diba??" Napatawa ang iba sa sinabi ni Kyla at napahampas na lamang sa kanilang noo.
Sandaling napatahimik ang lahat. Lalo na si Kyla na parang may inaalala.
"Teka! S-si Krystoffer! Anong nangyari sa kanya?!?!" Nagaalalang tanong ni Kyla.
Yumuko naman si Alexander at pumikit ng mariin.
"Teka. Kuya alex. Wag mong sabihing.."
"Oo kyla. Wala na si Krystoffer. Dead on Arrival na sya pagdating sa ospital. Wala ng nagawa masyado na daw maraming nawalang dugo sa katawan nya. Nailibing na sya last week lang." Nanginginig ang boses ni Alexander at halatang naiiyak sya. Pero pinigilan nya ito. Dahil ayaw na nyang maalala pa ito.

"Sorry guys. Kasalanan ko to. Lahat ng nangyayari sa inyo kasalanan ko. Kung di sana ako dumating sa buhay nyo. Walang ganito." Pagsisi ni Kyla at patuloy na tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Nginitian naman siya ni Gabrielle.
"Kung hindi ka dumating. Walang Phenomenal 7 na nagbago at natuto. Kung wala ka. Paano mahahanap ng isang Luhan Kyle Montemayor ang mga sagot sa tanong nya? Kaya wag mong pagsisihan na dumating ka sa buhay nya."
"T-teka! Diba hindi namatay si Luhan?? Bakit wala sya dito? Bakit hindi nyo sya kasama?" Sabi ni Kyla habang sinisilip silip pa kung nandoon lang si Luhan.

"Asaan sya???!" Sigaw ni Kyla sa P7.
"Tama ka. Hindi sya namatay. Pero kasi..." Hindi alam ni Maxx kung paano sasabihin ang lahat kay kyla ng hindi ito nasasaktan.
"Sasabihin mo? O mababaog ka sa gagawin ko dyan sa ano mo?!"
Natakot naman si Kevin sa sinabi ni Kyla kaya imbis na si Maxx ang magsabi sya na lang ag nagsalita.
"Ganito kasi yun. Easy ka lang. Nabulag si Luhan. Nung nabangga ang kotse nya. Ang ibang parte ng mga nabasag na bubog ng sasakyan nya ay aksidenteng pumasok sa mata nya. Tumagal ang mga ito sa mata nya kaya naimpeksyon ito at tuluyan na syang nabulag." Nakayuko pa si Kevin habang sinasabi yun.

"N-nabulag sya???" Tanong ni Kyla sa sarili. Pinilit nitong tumayo at tinanggal ang dextrose sa mga kamaya nya. Agad syang pinigilan ni Keifer.
"Kyla? Anong ginagawa mo? Hindi pepwede mahina ka pa?" Sabi pa nito. Nanlilisik na ang mata ni Kyla at kumukulo na ang dugo nito sa galit. Kaya agad nyang sinuntok si Kiefer sa mukha nito.
"Ngayon? Mahina pa ba ko ngayong pumutok na ang labi mo sa suntok ko?! Sagot?" Pinunasan ni Kiefer ang dugong nasa labi nya at tinignan si Kevin na kasalukuyang nagpipigil ng tawa. Binulungan nya pa ito ng "Pakyu ka" at tinasaan nya pa ito ng dalawang middle finger.

In Love With That Krung Krung?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon