Chapter 26:( STUCK)

164 10 0
                                    

Sabado ngayon at ngayon gustong isagawa ni Luhan ag plano nya para kay Kyla.
Hindi nya alam kung paano pumasok sa isip nya ang ganitong klase ng plano, simple at walang kaarte arteng plano para sa isang simpleng babaeng nagugustuhan nya.

"Hyung, dahil close naman kami ni Kyla. Tutulong ako para mapapayag ko sya."pagsuhestyon n Gabrielle at pinayagan naman ito ni Luhan.
Nakaramdam ng saya si Luhan dahil sa tingin nya ay magiging matagumpay na ang plano nya sa pagkakataong ito.

"Ready ka na ba luhan??" Medyo natatawang sabi ni Alexander.
Tango na lang ang nasabi ni Luhan sa kanya.
"Gab! Alam mo ba amg bahay ni kyla??"tanong ni Maxx.
"Of course! She is my best friend" sabi ni Gab at tsaka umalis parasunduin si Kyla.

Umalis narin ang natirang anim para pumunta sa lokasyon ng plano ni Luhan.





"Kyla???" Kumakatok si Gab sa pinto ng bahay ni kyla. Ng ilang saglit pa ay binuksan nya na rin ito. Inaantok pa si Kyla ng humarap kay Gab dahil punong puno pa to ng natuyong laway sa gilid ng bibig at sobrang gulo pa ng kanyang buhok.

"Ano yun gab??"inaantok na sabi ng dalaga.
"pwede ba kitang makausap??"
"kinakausap mo na ko diba? Tss."sabi ni kyla tsaka humikab. Pumasok si Gab sa loob at kinausap si Kyla.

"Kyla, meron kasi akong project eh.."pagmamakawa ni Gabrielle.
"wow ha! Ako pa talaga ang tutulong sayo sa project mo? Alam mo namang dakilang matalino ako??"iritang sabi ni Kyla habang kinakamot pa ang ulo nya.
Nakisip naman ng kakaiba si Gabrielle. Dahil alam nyang may gusto sa kanya si Kyla ay nakaisip ito ng paraan.

Tumayo ito at inalagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"sayang! Yung project ko pa naman is role playing. Tsk! Wala pa kong napipiling leading lady ko. Marami pa namang kissing scene don with me."bahagyang napangiti si Gab sa pangaasar na ginawa nya dahil alam nyang papayag ito.

Nagulat naman si Kyla at agad na nagayos at nagbitbit ng bag. Ultimo dinaig pa si Flash sa sobrang bilis kumilos ng marinig ang mga salitang yon.
Lumabas ng pintuan si Kyla at nagtatakang tumingin kay Gabrielle.
"Ano?? aalis ba tayo o hindi??"iritadong tanong ni kyla.
"Ah. Oo sandali lang mauna ka na doon sa kotse."sabi ni gabrielle.
Ganoon naman ang ginawa ni Kyla umalis na ito at nauna na.
kinuha ni Gabrielle ang cellphone sa bulsa nya at tinawagan ang kanyang mga hyung.
"Mission accomplished!"natutuwang sabi ni Gabrielle.
"Gab!!!!" Sigaw ni Kyla.
"eto na!!!!" Sigaw pabalik ni Gabrielle at lumabas ng pintuan at sumakay ng kotse at handa narin silang umalis papunta doon.

-----------------------------------------------------
"Ano ng gagawin mo dito pagnandito na sya??"tanong ni alexander.
Nakatingin lang ang anim sa magandang view mula sa taas ng isang lugar sa tagaytay. Dito naisip ni Luhan na dalahin si Kyla dahil maganda at simple lang ang lugar na ito. At siguradong magugustuhan ni Kyla ang malamig na hangin dito.

"I dont know hyung.. i just want to be with her even for a second."romantikong sabi ni Luhan. Napatingin naman sa kanya ang lima at ngumiti. Ginulo ni Maxx ang buhok nito at tumawa.
"ha! Ang lakas ng tama mo sa krung krung na yon ah. "Sabi ni Krystoffer.
"I dont know.. why am i so into her???" Tanong din ni Luhan sa sarili.

"Alam mo kasi, ang pagibig parang ulan. Darating ng di mo inaasahan at habang papalakas ng palakas. Hindi mo rin inaasahang mararamdaman ang mga bagay na minsan mo lamg maramdaman."pagpapaliwanag ni Alexander sa mga kasama nya.
Tumatawa habang pumapalakpak naman si Kevin sa sinabi ni Alexander.
"Pinanindigan na talaga ni hyung yung pagiging Love doctor nya hahaaha!" Sabi pa nito.
Masaya namang magtawanan ang phenomenal 7 habang hinihintay sila kyla.

Napagtanto ni Gab na malapit na pala sila sa tagaytay ng napansin nya na hindi parin nakablindfold si kyla.

Patay, isip ni gabrielle.
"kyla! Kunin mo nga yung blindfold dyan sa likod ng kotse tapos isuot mo na rin hehe."kabadong sabi ni Gabrielle.
"Ha?? Bakit?? Para saan?? What are you jokers??"
"basta. Isuot mo na lang. Pls." Nag aegyo pa si Gabrielle para pumayag ito at gumana naman. Sinuot din ni kyla ang blindfold.

In Love With That Krung Krung?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon