Chapter 5: Say What Now?

42 7 0
                                    


[Antoinette's POV]

Kasalukuyan akong nasa may pintuan at hinihintay ang pagbabalik ni Gred. May pinuntahan ang babaita dahil napag-utusan ng teacher namin.

"Nakaharang ka na naman diyan?" Biro ni Vin,na ngayon ay nasa harap ko na. Tumaas ang kaliwang kilay ko.

"Sa liit kong ito? Eh kung may gustong dumaan, Eh makakadaan naman sila eh! Himdi naman sila magkakaproblema." Sagot ko sa kanya.May bahid ng inis ang boses ko. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng lalaking ito eh! Pero minsan lang naman.

"Alis diyan at dadaan ako.Nakaharang ka eh!" Demanding na sabi niya.I rolled my eyes.

"Wow! So sobrang taba mo ba talaga para hindi ka makadaan habang nakatayo ako dito?" Naiinis Na tanong ko.

"Alis na nga!" Naiinis na sabi niya.

I stepped in the hallway.Pero nakaharap sa daanan, meaning nakaharang pa rin. Pero kung titingnan mo naman, ang laki ng space sa left side ko, makakadaan siya.

"Oh! Daan na bilis at baka mamatay ka pa pag hindi ka nakalabas diyan.Baka maubusan ka ng oxygen diyan sa loob eh!" Sabi ko with a hint of sarcasm.

"Tss...Palibhasa kasi..look out!!." Hindi  na niya natapos ang sasabihin niya dahil umihip ng malakas hangin at muntik na tuloy akong matamaan ng malakas na pagsasara ng pinto kung hindi niya pa pinigilan iyon.Leche! Paano nalang pag hindi niya pinigilan? Edi kawawa ako pero he saved me.

He saved me! And I was frozen on the spot while he save me. He was like a Knight in shining armor.

"O-okay ka l-lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. I unfroze and looked at him, not blinking. I asked him, dumbfounded.

"You just stopped the door and saved me?Why?" I asked unbelieving. He looked at me like I'm insane. I am totally sane, sina Relle at Gred ang insane.

"Tumigil ka na nga.Okay,frozen on the spot ka at parang walang balak umalis kaya pinigilan ko nalang yung pinto. Plus, naaapektuhan ata ni Berry ang choice of words mo ah.Pag kausap mo ako.Wag kang mag-eenglish." Paliwanag niya at may bahid ng demand ang kanyang sinasabi.

I smiled a sincere smile.

"Thanks, by the way." I said. He smiled at me.A sincere one. Something that is rarely seen sa classroom na ito.

"Ngayon liit, mag-ingat ka na sa susunod at baka mapahamak ka pa dahil wala ako.Sige ka!" Pagpapa-alala niya.Masyado lang talagang mahangin yung pagkakasabi niya.Sweet na sana eh!

"As if naman kailangan ko yung tulong mo.Please I can handle myself. I was just caught of guard  kasi sumigaw ka! Kung hindi ka sumigaw, I would have acted sooner at wala ka ng kailangang iligtas. Tsaka please? Wag kang masyadong mahangin,baka bumagyo at  bahain tayo dito. " Sagot ko at natatawa pa.Nakangiti lang siya.

"Eh, Kahit bumagyo naman hindi naman ata tayo babahain dito.Second floor toh uy.!" Natatawang sabi niya at nakagrin  pa.

"Sa hangin mong iyan?Pag bumagyo, lalampas pa sa second floor ang baha.Not so...." Sabi ko pero hindi ko na natapos dahil may tumawag sa kanya na isang closet leech. Oh! How I want to strangle that leech!

" Vin, Halika nga muna dito! May sasabihin ako.Dali!Bilis!" Sabi ni Yssa-akala-mo-anghel-yun-pala-demonyo.

Ang closet leech.Bigla namang umalis si Vin ng walang sinasabi papunta kay Yssa.As expected! Palagi naman eh hindi ba?

Yssa Ferrer. Pumapangalawa sa hate list ng TAN-G girls. Don't get us wrong.Mabait naman siya, yun nga lang mabait lang pag nagpapaka-plastik na.Sila pa ata ni Mocha ang pinaka-close sa klase eh, oh wait! Idagdag niyo pala si Mandy.

So CLOSE But Still So FARWhere stories live. Discover now