CHAPTER 8: THAT ONE SUMMER DAY.

32 6 1
                                    


[Gred's POV]

Nasa bahay ako ngayon and it's summer, yes! Summer!Ang tagal na nung Valentine's day no? I've moved on from that I guess? Pero hopefully, totoo.

Today is the last day of summer and unfortunately, tomorrow is the first day of my grade 12 school year.Hopefully,  it will be great kahit I am dreading entering school.

Sobrang bilis ba? For me, it wasn't, its like time is so slow,as slow as a turtle. Because after Valentine's day I tried my best na umiwas sa kanya.Kay Timmy.Kahit mahirap, kinaya ko naman. Nagpapasalamat nga ako na hindi kami gaanong nagkakaroon ng interactions, because I feel like I would breakdown in front of him at any moment.

Nothing important happened after that day though.Except nung umuwi ako sa bahay.Now that's a really scary scene. I just saw my brothers other side..... Again!

**Analepsis***

February 14

Kakauwi ko lang sa bahay after ng masakit na scene sa school.

Nasa kwarto ko ako ngayon at walang ginagawa kundi ang humiga at titigan ang bobong ng bahay. Malay niyo hindi ba? May makita akong gwapo na mag-emerge diyan sa bubong, edi wala na lang si Timmy para sa akin hindi ba? Or so I hope na meron talaga.

'Timmy? Ang lalaking sinayang ang effort ko.

Yung lalaking napapa smile nalang ako pag lumalapit siya kahit wala pa siyang ginagawa.

Yung lalaking kahit sobrang obvious na ng nararamdaman ko ay hindi pa rin niya makita. Gusto ko yung gago pero leche lang! Sa obvious kong ito? Hindi niya man lang makita?

Pero higit sa lahat, yung lalaking nagustuhan ko ng wala akong tamang dahilan.Love na ba ito? Masakit pala pero hindi ko nalaman na ganito pala until I like liked that guy! Ugh!!

(T^T)

Ang sasakit ng mga salitang naririnig ko na naman hinahabi ng wild kong imagination,and I hate it! Palagi nalang kasing ganito everytime na naiistress ako.Hinihila na nga ako aking imagination sa fantasy world na full of heartaches and heartbreaks!

I was taken out of my fantasy world by a shout. And suddenly,  I felt really grateful yet scared at the same time.

"Princess!Princess! Hoy!Pumunta ka nga muna dito." tawag sa akin ng isa sa mga kuya ko.

Agad naman akong bumangon at pinuntahan agad siya.Nasa living room siya ng bahay at kadarating lang pala niya from School.

Siya si Kuya Sync. Sync Anders.Gwapo,matalino at masyadong over protective.

"Ubos na ba yung chocolates na ginawa mo kagabi?" Pagtatanong niya, after he hugged me as a greeting.

Natahimik ako. Yung chocolate na pinaghirapan ko. Yung chocolate na kasama ng letter na ginawa ko. Yung chocolate na itinapon lang sa basurahan? Binigay nalang sana nila sa iba! Baka may gusto din palang kumain ng chocolates tapos hindi lang nabiyayaan kasi walang nagbibigay diba? Kawawa naman sila. Para na rin sana, diba? Hindi na ako nasaktan. Punyemas naman kasi eh!

Ba't gusto ko na naman umiyak? Hindi pa ba sapat yung kanina? Kailangan pa ba talagang hanggang ngayon iiyak na naman ako?

"Hoy! Princess naman. May problema ba? Natulala ka bigla eh!" Nag-aalala niyang tanong.

So CLOSE But Still So FARWhere stories live. Discover now