[ Nette's POV]
Intramurals na bukas at yes,nakasurvive ako sa dalawang araw ng exam.
Pero may tanong pa rin na bumabagabag sa akin.
Ano ang nangyari? Ba't parang nagbago ata siya?
As far as I know, cold si Stanley. Cold siya na ayaw makipag-usap sa kahit na sinong babae.
Heck! Sa pagkakaalam ko nga si Gred ang babaeng pinakauna niyang kinausap eh. Sumunod ako. Tapos ngayon bigla nalang siyang nagbago. It's like, nagayuma ang gago. Pakistan lang.
"Stanley, ano ba yung lalaruin mo ngayong intramurals ng school natin?" Mocha the flirt said.
"Stanley, ano ba yung lalaruin mo ngayong intramurals sa school natin?" I mimicked her, although mahina lang dahil ayaw kong marinig niya at mag cause pa ng away. Kaunti lang kami sa klase. Dehado kami pag nagkataon dahil mas marami ang lalaban para kay Mocha hindi ba?
"Volleyball.Ikaw?" Plain na sagot ni Stanley.
Plain lang yun pero bakit nakakaselos?
WAIT!
Erase! Erase!Wala akong sinabi okay? Hindi ako nagseselos. Nakakainis lang talaga yung dalawang iyon.
" Hindi ako pwede hindi ba? Gusto ko pa naman sanang maglaro ng volleyball." Maarteng sabi ni Mocha.
Eh kung lumayo kaya kayo sa akin. Akala niyo ba walang tao sa classroom at kayo lang? Bwiset!
"Nette! Punta tayong Gym. Pupuntahan ko lang muna si Timmy." Aya sa akin ni Gred.
Ngumiti ako.
"Sige ba!" Sabi ko at naglakad na kami papuntang gym. Nagpapraktis siguro si Timmy ng basketball. Kasali kasi siya sa maglalaro para sa year namin eh.
Pagdating namin sa pintuan ng gym. Agad kong nakita na hindi lang pala ang basketball team ang nandito. Kasali pala ang volleyball.
Agad hinanap ni Gred si Timmy.Nakapout pa siya habang naghahanap. Nang makita niya ito, agad naman nagliwanag ang mukha ni Gred.
"TIMMY!" she called for him at nakuha naman nito ang atensyon ng lahat ng tao sa gym especially Timmy.
Agad namang ngumiti si Timmy at lumapit kay Gred.Pero bago pa man makarating si Timmy, isang volleyball ang tumama sa ulo si Gred na ikinatumba niya.
"GRED!" Sigaw namin dalawa ni Timmy. Tinakbo na ni Tim ang natitirang distansiya.
Ako naman lumingon sa pinanggalingan ng bola at nakita si Yssa na naka-smirk.
I glared at her.
"Oops?...It slipped my hands." Innocente niyang sabi.
Susugurin ko na dapat siya when I saw Gred ahead of me. Her eyes are full of anger and sorrow.
"What's your problem with me?" Galit na tanong ni Gred.
Tiningnan lang siya ni Yssa at sinagot.
"EVERYTHING!" Sigaw ni Yssa at sinampal siya.
Gred must have snapped and decided na mas magandang i-remodel ang buhok ni Yssa.
Pinipigilan na siya ni Timmy.But she is unstoppable. Tinulungan ko nalang si Timmy.
"Gred! Calm down.Calm down. You need to calm down." Timmy told Gred.
Gred wouldn't budge.Pumagitna si Rhette and what he did next froze Gred.
"GREDALYN, TAMA NA! SINASAKTAN MO NA SIYA!" Gred stopped when Rhette's words reached her.
She stared at him wide eyed. Just then, bigla nalang humawak si Yssa sa chest area niya. Almost as if hindi siya makahinga. My eyes went wide.
YOU ARE READING
So CLOSE But Still So FAR
Ngẫu nhiênThree girls falling in love with the people they know would never love them back... Will they receive happy ever after or nah? ++++----------------------------+++++ A product of the author's weird imagination. Language:English and Filipino -Nat-Cha...