Chapter 13:Axel's Mysterious identity.

25 4 0
                                    


[Axel's pov]

Bakit hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Sync kanina?

Alam kong iniwan ko si Gred 4 years ago.At pinagsisihan ko yun.

Pero bakit kalmado lang siya kanina.Bakit hindi nalang niya ako sinuntok?

****Analepsis(flashback)*****

Paglabas na paglabas namin sa classroom ay agad kaming pumunta sa may hagdanan para mag usap.Busy sa klase nila yung mga estudyante kay walang makakarinig sa amin dito.

"Anong ginagawa mo dito sa school ni Princess?" Tanong niya na may bahid ng galit. Hindi ko rin naman siya masisisi. Napakagago ko rin naman talaga para magpakita pa kay Gred ng hindi sinasadya.

"Kasali ako sa exchange student program." Flat Na sabi ko.Walang emosyon kahit kaunti.

"Ba't ka pa magpapakita ulit sa kanya?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko naman alam na magiging kaklase ko pala siya." Flat na sagot ko pa rin.

"Nasaktan mo na siya noon.Wag na wag mo siyang sasaktan ngayon kung ayaw mong mawala iyang pinaka iniingatan mong mukha." Sabi niya.Ngunit kalmado na siya ngayon. Bugbugin mo man ako ngayon din, matatanggap ko dahil sa pananakit ko kay Gred.

"Wala akong balak saktan siyang muli.At gusto kong malaman niyang nandito pa rin ako kahit iniwan ko siya noon.Hindi kona pababayaan na nasaktan pa siyang muli.Kung kailangan eh,pag sinabi niyang ayaw na niya akong makita, babalik ako agad kung saan talaga ako galing. " Flat pa rin ang tono ko. Kaya kong gawin ang lahat kung para kay Mei or GM yung gagawin ko. Gagawin ko ang lahat sumaya lang siya.

"Naniniwala akong hindi ka paaalisin nun o ipabalik sa kung saan ka man galing. Mahal na magal ka nung kapatid kong iyon eh. You were the only person na meron siya four years ago.Sobrang capable ni Princess na magpatawad, kahit hindi ka pa nagsosorry, napatawad ka na niya. "Sabi niya.Tumango lang ako, walang emosyon.

"Wala ka bang emosyon?" Pagtatanong niya.

"Meron,pero ayaw ipinapakita." Sabi ko.

"Bantayan mo si Princess kapag nasa classroom siya at under no circumstances na uuwi siyang umiiyak." Banta niya sa akin.

"Hindi mangyayari iyan." Sabi ko at nagpaalam na siya para umuwi.

***analepsis end*****

Iniwan ko Na si Mei noon tapos iniiwan niya sa akin ang responsibilidad Na alagaan yung babaeng iyon?

Unbelievable..

[Relle's POV]

Tuesday and yes wala pa rin si Gred. Nakakamiss Na rin yung babaeng iyon eh.

Second period namin ngayon at group yourselves into five daw.

Dahil wala si Gred.Sina Jenny at Raniem ang kasama namin. 40 students ang laman ng classroom and so 8 groups ang nabuo.

Habang nagbibigay ng instructions si maam. Bigla nalang kaming napanganga tatlo.Ako, si Berry at Nette.

"This group will be your group for the whole semester." Sabi ni Maam.

Nagtaas ng kamay si Berry.

"Maam, paano Na po si Gred?" Nagdadalawang isip niyang tanong.

"Well, kailangan niyang sumama sa grupo Na kulang.Sino ba sa inyo ang kulang ng isang member?" Pagtatanong ni Maam.

Walang nagpataas ng kamay.

Shemay! Paano Na itey? Hindi pwedeng walang kasama si Gred.

"Ma'am sa amin nalang po siya." Suhestiyon ko.

So CLOSE But Still So FARWhere stories live. Discover now