chapter 22: Jealousy strikes me..

208 3 0
                                    

"Hoy! Jasper tayo na.."

"Ano? TAYO na??" binato ko naman siya ng unan na nakita ko sa sofa

"Loko ka! Sabi ko, tumayo ka na diyan at umalis na tayo.." OO may lakad kami nagayon ni Jasper mamamasyal lang diyan sa tabi-tabi at ililibre niya pa ako ng ice cream.

Nakahiga pa kasi ang loko sa kama ko. Take note: KAMA KO. Ganon siya kawalang hiya. Kidding aside, sanay naman ako sa ugali niya at sakanya. May mga instances nga na bigla-bigla nalang yan papasok ng unit ko na di man kumakatok, oh diba ganon siya ka bastos pagdating lang saken. OO, pagdating saken ganyan siya, pero kapag sa iba akala mo kung sinong anghel na bumaba sa lupa.

But, aside those negative critic I had mention about him syempre may positive side din yang bestfriend ko. O diba diko ikinaila na di ko siya bestfriend. After all he's been good to me and whenever he's around, I forget my heartaches kasi kapag andyan siya lagi niya lang ako pinapatawa. Minsan nga naiisip ko, bakit kaya di nalang siya yung minahal ko? Sa katunayan, madali lang naman siya mahalin pero hindi eh, iba pa rin laman nitong puso ko. Oy! Don't get me wrong, wala akong gusto sa lokong to ha' I'm just stating my opinion.

Bigla naman ako bumalik sa realidad knowing that we had our plans for today.

"Yahh!!! Tatayo ka dyan o tatadyakan kita mula sa pagkakahiga mo?" mukhang nabigla naman siya sa pagsigaw ko kaya naman bumalikwas ito mabilis pa sa alas kwatro.

Mula sa pagkakatalikod ko, bigla niya naman ako dinaganan. Yung bang bigla niyang kinulong yung leeg ko sa bisig na anumang oras ay handa niya akong i-wrestling. Pambihira tong lalakeng to'! Nakakabanas kung di lang ako nasanay sa ginagawa niyang to, malamang kanina pa to nakalipad a malayong lugar.

"A-aray, di ako makahinga Jasper!!" di pa rin pa-awat ang gago.

"A-aray!" napatalon naman siya sa sigaw dahil kinurot ko siya sa tiyan. Yan makuha niya.

"Grabe! Amasona ka talaga! Di ka man lang naawa sa precious abs ko.." sabi niya habang hinahaplos yung tiyan niya na may "Abs" daw kuno, itataas niya na sana yung shirt niya pero bigla kong pinungit yung tenga niya sa kinaladkad palabas ng pinto ng makaalis na kami..

"A-a-a-arayyyy.." daing niya ng makarating kami sa harap ng elevator, binitawan ko naman dahil naawa na ko, namumula na yung tenga ng loko.

"Grabe, irereport talaga kita kay kuya!" bigla niyang sinabi na agad naman niyang tinakpan ang labi nito

"Kuya?" napatigil naman ako ang asked him with an innocent look

"Ahh eh OO, isusumbong talaga kita kay kuya child abuse ka!"

"May kuya ka pala..haha sa laki mong yan magsusumbong ka? Bakla ka kasi!" pangaasar ko sakanya. Akalin mo yun? Sa laki niyang tao at sa gwapo niyang mukha magsusumbong siya sa kuya niya? Hahaha Imagining him, it reminds me of the word "Baby Damulag" haha.

"Ako? Bakla?"

"OO! Bakla ka!" sigaw ko sakanya sa loob ng elevator

"Gusto mong patunayan ko sayo na di talaga ako bakla ha?" Ngunit bago niya pa subukang ilapit ang mukha niya biglang bumukas ang pinto.

*ting!

"Bekz! tara na ililibre mo pa ako.." sabi ko sakanya habang nauunang lumabas ng elevator at naiwan naman siya natulala sa likod dahil malamang sa tinawag ko sakanya.

===

Jasper's POV: 

"Grabe, irereport talaga kita kay kuya!" Oooopss! Nadulas ako.

"Kuya?" pagtatanong niya. Kung di kasi ako kinaladkad nitong babaeng to na hawak-hawak ang tenga ko di ko sana yun masasabi. aish!

"Ahh eh OO, isusumbong talaga kita kay kuya child abuse ka!" pagdadahilan ko naman sakanya. Isusumbong ko talaga siya kay kuya sa mga pinag-gagawa niya saken. Huhuhu Mommy help!!!

"May kuya ka pala..haha sa laki mong yan magsusumbong ka? Bakla ka kasi!" at aba! inasar pa akong bakla, mas bakla pa ata yung mahal niya kesa saken. Takte! sa gwapo kong to? sabihan ng bakla? SERIOUSLY?!!

"Ako? Bakla?"

"OO! Bakla ka!" sigaw naman niya

"Gusto mong patunayan ko sayo na di talaga ako bakla ha?" ilalapit ko na sana sakanya yung mukha ko kaso bigla bumukas yung pinto.

"Bekz! tara na ililibre mo pa ako.." napaawang naman ang bibig ko at napatigil sa paglalakad sa sinabi niya.

Did she just call me "Bekz?" seriously? di ba tawag yung ng mga bakla?

"Yaahhh!!" napailing naman siya sa likod ko na nakangiti and for the moment parang nagslow mo yung paligid at parang may ibang pakiramdam akong naramdaman. Is this really happening or am i just dreaming?

===

Marami-rami na kaming nabili ni Jasper, and I could say na I really enjoy this day together with my bestfriend, nagkakasundo kaming dalawa dahil almost we have same preferences especially when it comes to food. Kaya naman maya't-maya ay kumakain kaming dalawa.

"Jas, coffee tayo dun malapit sa unit natin."

"Okay, leggo!" eto ang masaya kapag kasama si Jasper, go lang siya ng go.

malapit na kami sa coffee shop, ng may nakita siya sa isang botique na magandang cellphone keychain.

"Bes, saglit lang bibilhin ko lang to"

"Ok, hintayin nalang kita dito sa labas"

Nang di na ko nakapaghintay, eh dahan-dahan na akong naglakad palapit sa coffeeshop. But then, I saw Miggy and sofia. They look happy, nalungkot naman ako sa nakita ko. Buti pa siya nakamove on na, samantalang ako mukhang hindi pa. At mas sumikip ata yung dibdib ko sa nakita ko, si Miggy hinawakan yung ulo ni sofia at bahagyang ginulo ang buhok at tumawa silang dalawa and by looking at them, honestly, I guess Jealousy really strikes me. 

Muntik na sana nila akong makita ng biglang hinigit naman ako ni Jasper patalikod at iniharap sakanya dahilan para magkalapit kaming dalawa sa isa't-isa.

"Aist! Pinakaba mo ako, andito ka lang pala." sabay gulo niya ng buhok ko.

"Next time, di ko na hahayaang iwan ka kahit magpumilit ka pa dahil ang mga katulad mo ay di basta-bastang iniiwan.." tumingala naman ako sakanya at tiningnan niya naman ako na para bang naguusap ang aming mga mata

"Thank you.." the only word na lumabas sa bibig ko.

"Tara na nga, sa iba nalang tayo magcoffee nakakasawa na diyan. Let's try some other coffee shops." sabay akbay saken. Hinayaan ko nalang siya ng ganon habang naglalakd kami. Di ko alam ang gagawin ko kung wala sa tabi ko si Jasper, he's really are my savior.

===

Miss NBSB is now signing off. (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon