*The worst feeling isn't being lonely. It's being forgotten by someone you will never forget..
Song for this chapter:
How would you feel - Ed Sheeran
CHAPTER 22: Midnight (C21 Part 2)
halos abutin ng kalahating oras sa pag takbo sila jiren sa labas habang sila clark megan kyle at cloud ay tatawa-tawang pinanood lang ang dalawa habang vini-videohan ito. si yabang naman ay nawala na naman ewan ko kung san napadpad habang ako ? eto naka indian sit sa gilid at pinanonood silang pag tripan yung dalawa sa labas.
minsan naisip ko. kung hindi ko naging close si megan magiging friends ko rin kaya tong mga 'to? siguro malabo.. ako pa? Cold personality with the eyes like a cat that once starred at you you'll start trembling in fear even if im not doing anything?
I think not.
napuno ng asaran, tawanan , pikunan at harutan ang buong bahay . nakakatuwang isipin na sa loob ng maraming taon ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganito sa loob ng bahay.. yung kahit simpleng sama sama lang masaya na.. simpleng asaran lang masaya na.. may pikunan pero nandyan parin yung pagpapahalaga sa isat-isa.
maghapon lang kaming naglaro o kaya nama'y nagtugtugan hanggang sa hindi na namin namalayang mag gagabi na pala kung hindi pa kumalam sikmura namin di pa kami titigil sa paglalaro ng uno tinigilan na namin yung king game na pauso ni megan ewan ko ba natakot ata sila kay yabang kanina. ang oras talaga hindi mo namamalayan kapag nagsasaya ka mapapansin mo na lang tapos na pala ang isang araw..
nahati ulit kami sa dalawang grupo. yung isa nakatoka sa pagluluto habang kaming mga walang talent sa kusina ang nag ayos ng tent sa backyard. inumpisahan na naming ayusin ang tent sa backyard at nag hukay ng pa square sa damuhan para sa mini bonfire daw kuno, pauso ni megan.
Kapag nasunog lang talaga yung bahay ililibing ko ng buhay yung megaphone na yun tss..
inayos na din namin yung lamesa doon para dun na rin kami kakain. ilang sandali lang matapos namin maayos yung tent at lamesa ay tapos narin silang magluto kaya kumain narin kami syempre pray muna bago kain.
Matapos kumain nagpahinga lang kami saglit at naupo ng pabilog sa mini bonfire na ginawa namin.
Kwentuhan ng kung ano ano hanggang sa mauwi sa asaran.
Bandang alas dose na ng gabi nag pasya kaming matulog syempre tabi tabi ang mga boys at tabi kaming mga girls.
Nagpabaling baling ako sa higaan. Hindi kasi ako makatulog ewan ko ba siguro dahil sa ngayon lang ako matutulog ng may katabi.
Tumihaya ako ng higa at ipinatong sa noo ang braso.
Hindi talaga ko makatulog tsk..
naparami siguro yung kain ko nung milo kanina kaya gising pa din ako.
Lumabas ako ng tent at umupo malapit sa mini bonfire.
Nilagyan ko ng natitirang kahoy pa yung baga at pinaypayan para umapoy ulit.
Niyakap ko ang paa ko at pinatong sa tuhod ang baba ko saka pinagmasdan ang nagsasayaw na apoy.
I sigh. Hindi ko na maalala kung kailan ba yung huling beses na natulog ako ng maraming kasama. Yung masaya at walang iniisip na problema.
Ang gaan lang sa pakiramdam..
Naramdaman kong bumukas yung zipper ng tent ng mga boys at lumabas si bonehead.
Umupo siya malapit sakin. Di ko siya pinansin at nagbalot ng kumot sa buong katawan maliban sa mukha.
" Can't Sleep? "
BINABASA MO ANG
The Gorgeous Racer ( ON GOING )
Randomcar racing, drag racing, car drifting. dito umiikot ang mundo ko ever since my Mom died, i studied different kinds of martial arts to protect myself. Hanggang dumating sila including that perv! I hate his guts since the first day we've met. Una pala...