Chapter 13: Masquerade Ball

487 23 1
                                    

* I'm hard-headed not hard-hearted. I may be stubborn & rude at times but I have a big heart and care about others more than I should.


Songs for today.

Angel with the shotgun- The Cab


Chapter 13: Masquerade Ball


Summer POV.

maaga rin kaming pinauwi kasi nga mamaya na daw yung ball whatever na yon, nag paiwan naman yung mga boys may gagawin pa daw kasi sila. balita ko nga tutugtog daw sila mamaya. napaisip tuloy ako, sino kayang kakanta sa kanila ? Si Cloud kaya ? Jiren ? Clark ? Brian ? o yung kumag ? teka! marunong kayang kumanta yung isang yon ? pfft! isipin ko palang parang sasakit na ang tiyan ko kakatawa ! baka kasi tunog palaka yung loko haha ! ihahanda ko nga yung cellphone ko mamaya para may pang blackmail mwahaha!

" Sammy ! sa inyo na lang tayo mag prepare mamaya ha ? "

" yeah ! good idea lee! para tayo ang unang makakakita sa kanya kapag naayusan na siya! kyaah! i'm so egzoited awiiee! " pinag dikit nung dalawa yung mga palad nila tsaka nagtatalon. ang lakas talaga ng tama ng mga to! napailing na lang ako.

" taralets na ! " humawak sila sa mag kabila kong braso sabay hila papasok sa kotse. naku naman lord sana buo parin po yung eardrums ko mamaya. panigurado kasing basag yon e, pinag sama ba naman yung dalawang maingay huu ang malas ko lang ngayon!

pagdating namin sa bahay nandoon na si Daddy kaso mukhang paalis ulit siya kasi naka coat parin siya e.

" Goodevening po tito ! " sabay na bati nung dalawa. napaka energetic nakakabingi aish!

" Goodevening !  Goodevening Sam. " dad said and smiled at us. tumango lang ako sakanya tsaka nauna ng umakyat sa kwarto ko. hindi naman ako bastos pero simula kasi nung namatay si mom nag iba na ang lahat. wala na yung dating ako, yung dating si Daddy, yung dating saya ng paligid. idagdag mo pang wala akong kapatid. ang saya ng buhay ko diba ?

napatigil ako sa pag mumuni-muni ng may kumatok.

" pasok! "

" nag paalam na ako kay tito Matt na dito na tayo mag papayos, hindi niya pa pala alam na may ball tayo mamaya Sammy e! Loka ka talaga ! pero pumayag na din naman siya tapos pagandahin daw namin ng bongga yung prinsesa niya mwehe ! "

nailing na lang ako. bwisit! mag mumukha ka na ngang suman na may ga stick na takong lalagyan pa ako ng painting sa mukha! don't get me wrong ha ? nag memake-up din naman ako pag nasa race pero hanggang eye liner lang ako tapos wig ! ni hindi nga ako marunong mag make-up sa sarili e! di ko naman kasi kailangan yon isa pa nangangati ako !

" hey guys in 15 minutes darating na sila lets prepare na para aayusan na agad tayo pagdating nila. " kyle said tsaka naligo na sunod si Megan at nag pahuli ako, tinatamad kasi ako e! tinulak pa nga ako nung dalawa papuntang banyo para maligo. tss! FYI ! naligo naman na ako kanina e ! mabango pa din naman ako! Daming arte pero sumunod parin naman ako.

pagkatapos kong maligo at mag suot ng undergarments dumating na yung mga mag aayos as in MGA! kasi ang dami nila takte! saan ba ang punta at kailangan madaming taga ayos ? tss. yung dalawang maingay naman lumipat sa tig isang guess room namin. gusto kasi nilang surprise daw pag nag harap-harap kami ! tss ! surprise my FOOT!

makalipas ang ilang pahid, dut-dot, kuskos at punas sa mukha ko natapos din silang ayusan ako. kuu nakakangalay ! panay pa ang sita sa'kin nung babae na wag daw malikot! takte e sa na ngangalay na ako e! pati yung ateng nag meni pedi sakin ang sungit! kesyo ang likot ko raw! buti pa yung nag ayos ng buhok ko pa ngiti-ngiti lang kaso medyo ang creepy niya! matapos nila akong tulungan isuot yung pang suman na gown napatunga-nga na sila sa'kin. As in yung WOW moment with nganga face.

The Gorgeous Racer ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon