Author's Note

3.6K 61 5
                                    


Anung inspiration ko sa pagsulat ng kwedto ni Francis? Siguro yung sarili ko at mga pinagdadaanan ko. May masasabi siguro sa inyo na huhugot nanaman ako, pero ang totoo ay lahat ng mga primary characters ko sa ay nilalagyan ko ng kapiraso ng pagiging ako. Sa ganun makarelate ako sa mga pangyayari. Yung iba naman imagination.

Minsan sa pinagtatrabahohan kong fastfood chain ay nakilala ko ang isang trainee. Mabait, may itsura, hindi ngalang katangkadan. I never thought na magiging close kami hanggang sa malaman ko na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Darn, confesion ba ito? Naiiyak ako hahaha... Well, ayun hindi ko sinabi mahirap na baka sabihin pinagsamantalahan ko yung friendship namin. Paano naman kasi, ang sweet nya. May mga bagay siyang nagagawa na beyond friends na. Until may mga nakaalam ng feelings ko sa kanya. At sinabi sa kanya. Natuwa ako kasi parang wala lang sa kanya. Hindi siya nagtanong, hindi siya humingi ng paliwanag.

Akala ko OK na, pero hindi pala. Kasi, isang gabi umamin siyang may GF na siya. At alam mo yung masakit, Yung sinabi niyang "Ikaw na sana eh, Kaso dumating siya. Kung hindi lang sana siya dumating ikaw ang mauuna sa puso ko. Sorry." Well, siyempre smile lang ako. Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako. After that, sinimulan kong umiwas sa kanya. di naman ako bitter that time, mahal ko lang ang sarili ko.

Hahaha. So anung connect? Wala lang.

Joke!!! Meron naman kahit papanu.

Ang Istoryang ito ay isang sagot sa katanungan ko noon." Paano kung dumating siya pero ako pala ang mahal mo? Yung tipong, nabulag ka lang dahil hindi mo o mas magandang sabihin na ayaw mo lang tanggapin na iibig ka sa tulad ko."

Sa makatuwid, isa itong katha ng "kung papaano" ko na bibigyan buhay ni Francis. Na gaya ko ay tinali sa isang obligayon na hindi matatakasan. Makakakilala ng taong akala niya ay para sa kanya ngunit parang pinahiram lang sa kanya. At sa huli ay ang tanging titimbangin ng kapalaran ay ang katanungang "Anu ang kaya mo, sa ngalan ng pag-ibig?"


HI!!!!

Bagong collaboration po ito na hatid sa inyo ng LGBT PH. 

Makakasama ko rito ang apat sa mga magagaling na authors... Sana po ay suportahan nyo po ito. 

Book 1 - YDOnodera

Earl: Road to Forever

Book 2 - manrvinm

Jade : My One Desire

Book4 - saicophilia

James : Catch Me

Book 5 - CharlieQuinn13

Luigi : The Scandalous Lover


Prologue up next...

XOXO 

eRockinLove

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon