Destined to be Yours: Final Chapter

1.2K 64 8
                                    

Francis POV

Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip kagabi. Tinimbang ko ang nararamdaman ko at mga rason ko. Hanggang sa humantong ako sa isang desisyon. Ang makipagkita at hayaang magpaliwanan ang papa ko. Kaya heto ako ngayon sa tapat ng malaking gate na pag-aari ng papa ni Xander kung saan naganap ang party. 

Samu't saring damdamin ang namamayani ngayon sa sa aking kalooban. Hindi nga mawari kung itutuloy ko pa ba ang desisyon ko o tumalikod na lamang at umuwi. Pero nanaig ang kagustuhan kong makausap ang papa ko. Kaya bago pa man magbago ang isip ko ay agad kong pinindotang doorbell. 

Habang hinihintay ang pag bukas ng gate ay pinunu ko ng hangin ang aking dibdib. Pakiramdam ko kasi ay nakukulangan ako ng hangin sa katawan. Pakiramdam ko ay parang may nag-aati-athan sa loob ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. 

Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate. iniluwa nito ang lalaking hindi ko napaghandaang makita. Si Xander.

"Francis?" Kitang kita ko ang pagkalaki ng mata nito. Tila hindi nito inaasahan ang presensya ko. Agad itong lumapit sa akin at sa gulat ko ay naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako nito ng mahigpit. "Akala ko hindi na kita makikita pa. Natakot ako na baka magalit ka sa akin dahil sa iniwan kayo ng papa mo para sa amin ng papa ko. Sorry." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung anu nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. 

"Nandiyan ba siya?" Sa wakas ay nahanap ko din ang dila ko. Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Xander sabay bigay sa aking ng isang makahulugang tingin. "Si papa, naririyan ba siya?"

"Y-yes, his inside." aniya.

"Gusto ko sana siyang makausap. Kung pupwede." Sinikap kong maging normal ang boses ko dahil kung hindi ay pipiyok na talaga ako lalo pa't kitang kita ko ang pagbabago physical nito. 

Gulo ang buhok niya at tila ilang linggo naring hindi nag-aahit. bakas din sa mga mata nito ang lungkot at ang mga eye bag nito sa magkabilang mata ay nagpapahiwatig ng kakulangan nito sa tulog. 

"Pasok ka." Agad naman akong pumasok. 

Iginiya ako ni xander sa likod ng kanilang masyon. Kung saan makikita ang magandang hardin at swimming pool. Sa kabilang dako noon ay may isang magarang gazebo kung saan napansin ko ang taong nakaupo sa isang wheel chair. Nakatanaw ito sa malayo at kapansin pansin ang lungkot sa mukha nito. Tila may humaplos sa puso ko at nakaramdam ako ng magkahalong awa, sabik, at pagsisi mula sa taong iyon. Habang papalapit sa naturang tao ay patindi ng patindi ang nararamdaman ko. Lalo kong naramdaman ang tila pagpiga sa puso ko nang malapitan ko na siya.

"Dad, may bisita po kayo." Tawag ni Xander. 

Dahan dahan naman kaming binalingan nito. "F-francis? A-anak?" Tawag nito sa akin. 

"Hi papa. Kamusta po kayo?" Ayaw ko mang ipakita sa kanya ang pagtangis ko ay hindi ko na napigilan. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit na ginantihan din naman niya. 


"Anak ko. Sorry. Sorry kung umalis si papa. Sorry anak kung iniwan ko kayo." humagulgol na si papa habang niyayakap ako. 

"Wala kang kasalanan pa. Wala. Alam ko na pinilit mong maging ama sa amin. Pa, sorry kung hindi nagmatigas pa ako."

Lahat ng mga tanong ko. Lahat ng mga rason ng sadya ko ay natunaw lahat. Dahil anu't anu pa man ay hindi talaga maiaalis sa akin na matagal ko nang hinintay na muli kong mayakap ang papa ko. 

***

"Talaga ngang ang laki muna. Dati karga-karga pa kita ngayon ibang iba ka na." Bakas sa mukha ni Papa ang subrang tuwa. Naririto pa rin kami sa gazebo. Si Xander ay hindi ko namalayang umalis. Marahil ay nais niyang magkasarilihinan kami ng papa ko. "Ang kapatid mo? si Aries, kamusta na siya?"

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon