Destined to be Yours: Chapter 2.1

1.7K 68 15
                                    

Francis POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Francis POV

 Narating ko ang aming bahay nang hindi ko namamalayan. Para pa rin akong lutang sa kaganapan sa bahay ni Xander. Ang gago, hinalikan ako. Pero bakit ganun ang ginawa niya? Hindi ko lubos maisip na mangyayari iyon. Nang pumasok ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi dahilan upang makaramdam ako ng inis. 

"Nak, Hindi ka umuwi kagabi ah, saan ka natulog?" mahinahong tanong niya. Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siguro ako knowing na nag-aalala siya sa akin. Pero kilala ko na siya. 

Alam kong pakitang-tao na lamang iyon. Hindi naman ako bastos pero pinili ko na lamang na manahimik. Ibinigay ko sa kanya ang isang envelope na naglalaman ng pambayad ng kuryente. Ipon ko sana iyon pambili ng cell phone pero mukhang hindi na matutupad ang balak kong iyon.

 "Bayaran n'yo na ang kuryente nang maikabit na kaagad," wala sa loob kong sagot at pumasok sa kwarto ko. 

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama. Tumingala ako at pinagmasdan ang kisame. Nang ipikit ko ang aking mga mata ay bigla akong napamulat. Rumerehistro pa kasi ang imahe ng pangyayari kanina sa utak ko. 'Yung tipong nakikita ko ang sarili kong tila nililipad ng hangin habang hinahalikan ng gagong lalaking iyon.Pero aaminin kong may parte ng puso kong nagustuhan nang nangyari. Ramdam ko pa sa aking bibig ang bakas ng halik ni Xander. Namalayan ko na lamang na haplos na ng aking kamay ang aking bibig habang parang pelikulang paulit-ulit sa aking isipan ang pangyayaring iyon. 

"Damn!" singhal ko.Sinikap kong alisin sa aking isip ang pangyayari at sinubukang matulog na lang muna. Kailangan ko marahil iyon dahil pakiramdam ko ay babalik ang sakit ng ulo ko mula sa kagabing inuman. Nalasing marahil lalo ako sa halik niya. Muli kong ipinikit ang mata ko at sinubukang hanapin ang antok. Ilang saglit pa ay unti-unting nilamon ng kadiliman ang aking kabuuan. 

 Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Nang tingnan ko ang orasan ay nalaman kong hapon na pala. Agad akong bumangon upang buksan ang pintuan.Nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang kapatid ko. 

"Grabe kuya hirap mong gisingin," reklamo ng ungas.

"Sino ba kasing may sabing gisingin mo ako?" inis kong tanong. "May bisita ka. Kanina pa raw iyon sabi ni mama." Nagtaka naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Wala naman kasi ako inaasahang bisita ngayon. Wala sa loob akong nagtungo sa sala upang harapin ang bisita. Dahil marahil sa pagtataka kung sino ang sinasabi ng kapatid ko ay hindi ko na naisip pa na tingnan ang mukha ko sa salamin. 

"Hi!" bungad ng isang lalaking ikinagulat ko. Todo pa ito sa pagngiti na akala mo ay wala nang bukas. Di ko maiwasang kabahan.

"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong na may halong bahagyang inis."Anak, hindi ganyan ang pagtrato sa bisita," pakikialam ng magaling kong mama. Bumaling muli ito sa bisita na akala mo ay siya ang ipinunta ng lalaki. 

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon