Two weeks later...
Francis POV
"Hi." Agad akong napatingin sa pinangalingan ng boses.
"O, akala ko ba may gagawin ka?" Taka kong tanong sa kanya.
"Maaga kasing natapos, naisip ko puntahan ka." Aniya.
Kalalabas ko lang ng trabaho. At hindi ko inaasahang naririto si Xander. Ilang araw din kasi itong hindi nagparamdam dahil kailangan niyang lakarin sa negosyo niya. Buti na lang at unang umuwi si John dahil kung nagkataon ay katakot-takot nanamang interogasyon ang sasapitin ko. Hindi ko pa kasi naikukwento sa kanya ang mga pangyayari sa nakalipas na linggo.
Hindi ko alam kung ano na ang namamagitan sa amin ngunit pagkatapos kasi ng gabing hinatak niya ako upang dalhil sa condo niya ay naging sweet ito sa akin. Kahit sino siguro ang makakakita sa amin ngayon ay sasabihang may relasyon kami. Sa loob ng @mdalawang buwan ay hindi ito pumapalyang surpresahin ako.
Hindi na rin ako nagtanong at nagpatianod na lamang sa mga nangyayari. Inaamin kong masaya ako sa kahit pa malabo ang tunay na estado ng aming relasyon. Kung meron man akong bagay na sigurado ako ay yun ay ang unti-unti kong pagkahulog sa kanya. Tama, nahuhulog na nga ako sa kanya.
"Gutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?" Tanong niya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang sasakyan.
"Kahit diyan nalang sa malapit. Para hindi ka na mapalayo at alam kong pagod ka na." Nag-aalala kong wika.
Napag-alaman kong siya ang pala ang nagmamay-ari ng Cinco Bar & Bistro. Bukod pa doon ay tumutulong din siya sa kompanya ng kanyang magulang. Napahanga ako ng husto sa kanyang dedikasyon sa buhay. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa kanya. Kung sana lang...
"You don't need to worry that much. Kaya ko ang sarili ko." Bumaling ito sa akin inabot ang isa kong kamay habang nasa manebela ang isa. Tinahak namin ang kalsada na hawak-hawak niya ang kamay ko. Lihim akong napangiti. Sana lang...
"Here." Aniya habang inaabot ang isang paper bag na kinuha niya sa likod ng upuan niya. Nasa tapat kami ng isang restaurant.
"Ano naman to?" Nagtataka man ay kinuha ko ang paper bag at tinignan ang laman noon. Nanlaki pa ang mata ko nang makita ang laman. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa kanya. Isang nakangiting Xander ang tumampad sa akin. "Hindi ko matatanggap ito, Xander."
"Bakit naman hindi. Regalo ko yan sayo." Sagot niya.
"Pero ang mahal nito, Sabi ko naman sayo diba bibili ako kung sapat na ang ipon ko."
"Alam ko yun, pero kelan pa yon? Francis, you don't know how much I hate na sa tuwing naiisip kita ay hindi wala akong magawa. Kailangan ko pang puntahan ka. Paano kung may emergency? Kaya tanggapin mo na iyan, please.
Nakakahiya man ay wala akong nagawa kundi tanggapin ang binigay niya. Sa kabilang banda ay may kung anong damdaming pumipiglas sa loo ko. Nakakatuwang isipin na sa mga sandaling malayo kami sa isa't isa ay naiisip niya ako. Nag-aalala. Siya na kaya?
Nasa naan na kami at napansin kong panay na ang pagkusot ni Xander sa kanyang mata. Mukhang inaantok na ito. May kalayuan pa ang bahay namin kaya sinabihan ko itong sa condo niya na lang dumeretso. Halata na rin naman kasing pagod na ito at pinipilit na lamang niya ang kanyang sarili.
Nang makarating sa condo niya ay agad ko siyang pinagbihis upang makatulog na. Hindi na rin naman ito nagsalita pa at agad nang dumeretso sa banyo.
Dahil sa may ilang mga hinubaran at kalat sa kanyang kwarto at minabuti ko na ding ayusin iyon. Nang masiguradong maayos na ay lumabas muna ako sandali sa kwarto niya upang magtungo sa kusina. Pagbalik sa kwarto ay nakalabas nan g banyo si Xander. Nakaupo na ito sa gilid ng kanyang kama at pinupunasan ang buhok. Hindi ko maiwasang mamangha sa ayos ng lalaking ito. Naka-sando lamang ito at boxer shorts kung kaya litaw ang karamihan sa bahagi ng kanyang katawan. Katawan na masasabing pinagpala dahil sa kakisigan nitong taglay. Katawang ilang beses ko na ding nayakap at nadama ay hindi parin ako nagsasawang titigan.
BINABASA MO ANG
Francis : Destined to be Yours
General FictionCINCO MARIO BOOK 3 Francis: Destined to be Yours Francis Mario Guevarra, 23 years old na empliyado ng isang companya. Regular na lalaking ginawang atm machine ng pamilya niya. Isang araw ay napuno na ito. Sinong hindi? Sa kabila ng hirap niya ay...