Destined to be Yours: Chapter 4.1

1.2K 55 7
                                    


Francis POV

Kanina pa ako gising ngunit parang kaybigat ng katawan ko. Ni wala nga akong ganang bumangon pa. Tinanaw ko ang relo ko sa ibabaw ng side table. Mag-alas onse na pala. Muli akong napatitig sa kisame at muling binalikan ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako ng mata ng marandaman kong muling namumuo ang mga luha sa aking mata.

Kahit tinatamad ay minabuti kong bumangon at mag-ayos. Tahimik ang buong bahay ng lumabas ako sa kwarto. Kumuha ako ng walis at dusk pan at muling pumasok sa kwarto. Inayos ko ang damitan ko. Kinuha ko ang pamalit na kobre kama at ipinalit sa higaan. Pagkatapos ay sinimulan ko nang magwalis. Pati mga kasuloksulukan ng kwarto ko ay hindi ko pinalampas.

Natapos ang paglilinis ko sa buong kwarto na para bang hindi pa ako nakokontento. Lumabas ako at nilibot ang paningin. Gaya ng inaasahan, marumi din ang buong bahay. Kung kaya kumilos ang katawan ko upang linisin. Pakiramdam ko ay hindi ako nakakadama ng pagod. Binalitan ko na ang kurtina at nilinis ang bintana. Maging ang mga agiw at kalat sa buong kabahayan ay naisilid ko na sa black bag. Nilampaso ko ang sahig at maging ang mga display cabinet ay pinakralaman ko na din.

"Wow, anung meron?" Si Aries. Ksama nito si Mama. Mukhang namili sila.

"Saan ba kayo galing?" Tanong ko.

"Namili kami, Nak. Nakapagbenta ako kahapon ng marami kaya bumili nalang kami ng kapatid mo ng pagkain natin dito sa bahay." Paliwanag ni Mama. "Ayos ka lang ba, Nak?"

"Oo naman. Dapat ba may rason, Ma?"

"Aaalala ko lang, huli mong ginawa ito nanguma..." Pinutol ko na kaagad ang sasabihin ni mama dahil alam ko ang tinutumbok nitio.

"Gusto ko lang maglinis ng bahay, ma. Masyado nang madumi." Pabalang kong sagot sa kanya.

Hindi na umimik pa ang dalawa at inayos na lamang sa kusina ang pinamili nila. Pinagpatuloy ko na lang din ang paglilinis. Walang ni isa sa kanila ang kumausap sa akin. Ayaw atang matarayan ko. Lalo pa't emotionally unstable ako, mabilis akong mapikon.

Nangtawagin nila akong kumain ay hindi ko sila ininda. Wala naman akong kinain simula kanina pero pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain. Minabuti ko na lamang na pumasok sa kwarto at maligo.

Dumating ang Lunes ngunit walang pinagbago sa nararamdaman ko. Pumasok ako sa trabaho na parang kay bigat ng loob. Pinipilit kong kumilos ng normal para walang makapuna sa akin.

"How's the party?" Biglang tanong ni John. Hindi ko siya napansing lumapit. Masyado nanaman akong nag-iisip. Ayaw ko na nitong nararamdaman ko.

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Ayaw kong magsalita sa oras na ito.

"Hindi nalang ako magtatanong ngayon, tandaan mo ano man yan, handa akong makinig gaano man yan kahaba. May kaibigan ka na nag-aalala sayo." Tinapik-tapik ni John ang likod ko saka siya bumalik sa lamesa nito.

Patapos na ang araw nang hindi ko namamalayan. Isinubsub ko ang buong atensyon sa trabaho. Hindi ako namansin sa mga kasamahan ko maging si John. Alam ko naman na maiintindihan niya ako. Alam niyang sasabihin ko rin naman sa kanya lahat kung handa na ako. At hindi ito ang araw na iyon.

"Francis." Tawag ng supervisor ko. Agad akong napaangat ng tingin sa kanya na may pagtataka. "Pinatatawag ka sa taas."

Agad akong nagtaka. Sa tagal ng pagtatrabaho ko rito sa kompanyang ito ay hindi pa ako napapatawag sa taas. Agad akong kinabahan. Wala naman kasi akong alam na mali kong nagawa para ipatawag.

Ang sinasabing "itaas" ay ang palapag kungsaan nag-uupisina ang chairman ng company. Madalas mga managers at supervisors lang ang pinatatawag at ngayon lamang nangyari na may pinatawag na rank and file na empliyado.

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon