Destined to be Yours: Chapter 2.2

1.3K 58 4
                                    


Francis POV: 

"What!!!" Halos mabaliw ako sa sigaw ni John. Grabe sarap pasakan ng turon ang bunganga niya. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari noong isang linggo. 

"Last Friday pa nangyari pero ngayon mo lang sinabi sa akin?" Magdadrama pa ata ang gaga. "Akala ko ba kaibigan kita. Akala ..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil pinasakan ko na ng turon ang bunganga niya. Damn. Nakakahiya sa mga tao sa paligid.

"Umayos ka nga, John." Asik ko sa kanya. Habang siya naman ay busy sa kangunguya ng turon.

"grabe ka naman, friend muntikan na akong mabilaukan doon ha." Reklamo niya. Hindi ko tuloy maiwasang ma guilty.

"Paano naman kasi, wagas ka makareact dyan." 

"Naexcite lang, ito naman."

Ang totoo ay wala akong balak sabihin kanino man ang nangyari last Friday. Kaso hindi ko din napigilan ang bibig ko at naikwento ko kay John. Wala nagguguluhan lang ako.

Magiisang linggo na ngunit hindi man lang nagpaparamdam si Xander. Not that I'm expecting something pero akala ko kasi ok na kami. nagtaka lang ako dahil hindi na ito muling dumalaw sa bahay.

"Ituloy mo na ang kwento." Si John. 

"Ayun na nga, nag-agree kami na with in two months ay mahanap namin ang "the one" na tinadhana sa amin." Wala sa loob kong kwento.

"Eh bakit pareang ayaw mo?" Takang tanong niya.

"Eh hindi naman totoo yung the one na yan eh. Yung lalaki ngang akala ko magiging the one nalaman lang na wala ako phone hindi na nagparamdam!" Agad kong natakpan ang bibig ka dahil sa mga nasabi. Hindi ko kasi ikinuwento sakanya ang tungkol kay Xander. Napatingin ako sa kanya. Matatalim na tingin ang ipinupukol niya sa akin.

"Ikukwento mo ba o ikukwento mo?" May pagbabanta sa tinig niya. Dahil kilala ko ang gagang hinayupak na ito ay wala akong nagawa kundi ikwento ang tungkol kay Xander.

"...pagkatapos noon wala na. Hindi na siya nagparamdam." Pagtatapos ko ng kwento. 

"Kaya ka parang naluging bombay ngayon dahil sa lalaking iyon?" Napatango ako bilang sagot. Nakita kong nagseryoso na si John. "Gaano mo ba gustong makahanap ng "the one"?

"Sa tanang buhay ko wala akong ginawa kundi pagbigyan ang mga kapritsohan ng Mama at kapatid ko. Hindi naman siguro karamutan kung mangarap na may darating at ililigtas ako sa kinasasadlakan ko ngayon diba? Maranasan ko man lang na may taong nagmamahal sa akin." Hindi ko maiwasang maluha. 

Gusto kong mahanap ang "the one" dahil nakakapagod nang mag isa. Nakakapagod nang lumaban ng walang kakampi. 

"E-ready mo ang sarili mo mamaya." saad ni John.

"B-bakit naman?" Taka kong tanong. 

"Hahanapin natin mamayang gabi ang the "the one" na naka tadhana sa iyo. Your Quest is on."


Napalunok ako nang makita kung saan ako dinala ni John. Sinong hindi kung ang lugar na pinagdalhan sa iyo ng kaibigan mo ay ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. 

"Welcome to CINCO Bar and Bistro." Bati nong guard.

Pakiramdam ko ay muli akong naibalik sa gabing yaon. Lihim akong napangiti at inalala ang mga kaganapan. 

"Dito nagsimula ang quest kaya dito ka din magsimulang maghanap. Dito ka tinubuan ng confident maglasing kaya dito ka komportable." Mukhang may sayawan atang nagaganap dahil nasa party mode ang mga tao. 

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon