Francis POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Ngayong gabi ang birthday party ng papa ni Xander at ngayon ay hinihintay ko siya dahil susunduin daw niya ako. Hindi ko macontrol ang kaba na nararamdaman ko.
"Pumirmi ka nga, Francis. Kanina ka pa d'yan na parang sinisilaban." Sita ni mama. Nanunuod kasi siya ng TV sa sala kaya kita niya kung anu ang ginagawa ko.
"Ano ba kasi meron sa lakad nyo ni kuya Xander at hindi ka mapakali dyan?" Si Aries. "Daig mo pa babae ha."
"Tumahimik ka nga d'yan. Kutusan kita gusto mo?" Asik ko sa kapatid ko na kanina pa ako iniinis.
Sarap talagang bigwasan ang lalaking ito. Sa kwarto ko palang ay nangungulit na ito. Buti na lamang nga ay inutusan ni mama kaya natigil siya.
Speaking of mama, kapansinpansin ang pagbabago nito. Nagiging responsible na ito kahit papaano.
Nagpasya na lamang akong lumabas at doon hintayin si Xander. Malapit na rin daw siya ayun sa text niya kanina.
"Oh ba't ka dito naghintay?" Tanong ni Xander nang makarating. Bumaba ito sa kanyang sasakyan at lumapit sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot.
Iniwasan kong tumingin sa kanya dahil namamangha ako nang subra. Sinong hindi kung ang lalaking kinahuhumalingan mo ay animo'y model ng isang magazine. Isang modern suit ang suot nito. Bagong gupit din ito. Hindi ko ipagkakailang lalong gumwapo ito sa ayos nito.
Agad naming tinahak ang daan patungong venue ng party. Wala ni isa sa amin ang umimik. Pinili ko na lang din na ibaling sa labas ang paningin. Pinigil ko din ang sarili na bumaling sa kanya dahil lalo lamang dadaguntong ang tibok ng puso ko. Idagdag pa ang isa pang pakiramdam na hindi ko mawari.
"Hey, are you ok? Ang tahimik mo ngayon. May problem aba?" Doon pa lamang ako napalingon kay Xander.
"Wala naman. I'm fine." Tipid kong sagot. Sa totoo lang ay maging ako ay naninibago sa nararamdaman ko.
"Are you sure?" Paninigurado niya.
"Oo naman."
Ilang sandali pa ay pumasok na ang sasakyan sa isang exclusive subdivision. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga naggagandahang bahay na naroroon.
"We're here." Wika ni Xander. Nasa tapat kami ng isang bukas na gate. Kita mula roon ang mala mansion na bahay. Nagniningning iyon dahil sa mga ilaw na nakasindi. Una kong pagkakataon na mapunta sa ganun lugar.
Sa labis na pagkamangha ay hindi ko na napansin ang pagbabani Xander sa kotse. Nang bumalik na ako sa aking sarili ay nag-aalalang mata niya ang sumalubong sa akin. "Sorry." Bulong ko sa kanya bago bumaba sa sasakyan.
Inayos ko ang sky blue coat na suot ko bago lumakad patungo sa magarbong pagdiriwang na iyo. Nasa unahan ko si Xander na kapansin-pansin ang pagiging seryoso. Hindi ko na lamang ininda iyon at sumunod na lamang sa kanya.
Sa aming pagpasok ay bumalandra na ang mga bisita. May isang taong nagpapiano sa lita stage. Sa baba noon ay may mangilan-ngilan na sumasayaw.
"Finally, you're here." Wika ng taong sumalubong kay Xander. "Kanina ka pa hinahanap ni Sakura, Saan k aba galing?"
Hindi nakatakas ang expression na dumaan sa mukha ni Xander ng banggitin ng taong kausap ang pangalang "Sakura". Maging ako ay may narramdamang kakaiba. Pinili ko nalamang isantabi ang nararamdaman.
"And who's this young man with you?" Sinimulan akong kabahan nang dumapo sa akin ang mga mata ng taong sumalubong sa amin.
"Pa, this is Rio, a friend of mine. Rio this is the birthday celebrant, my papa." Pagpapakilala niya sa ama.
BINABASA MO ANG
Francis : Destined to be Yours
Ficção GeralCINCO MARIO BOOK 3 Francis: Destined to be Yours Francis Mario Guevarra, 23 years old na empliyado ng isang companya. Regular na lalaking ginawang atm machine ng pamilya niya. Isang araw ay napuno na ito. Sinong hindi? Sa kabila ng hirap niya ay...