Destined to be Yours: Chapter4.2

1.2K 60 6
                                    

Francis POV

"Ma, yung totoo po bakit kayo naghiwalay ni papa?" Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan. Wala si Aries, may date ata, kaya ok lang na itanong ko iyon.

"Ba't digla mo naman naitanong yan?" Nagtatakang tanong ni mama.

Mula kasi noong umalis sa papa ay hindi ko na itinanong kay mama ang dahilan. Basta ko nalang tinanggap ang sitwasyon. Ngayong may nalalaman na ako, hindi naman siguro masama kung alamin kung anu ba talaga ang buong kwento.

Sa loob ng isang linggong pag-iisip at pag mumuni-muni ay na pagtanto kong naging unfair ako. At para maiayos ko ang mga bagay bagay kailangan kong malaman ang side ni mama.

"Wala lang, naisip ko lang po. Nasa tamang edad na ako kaya pwede ko na malaman kung anu ba ang tunay na dahilan." Hindi ako makaingin sa kanya ng maayos dahil alam kong mahuhuli niya akong may alam ako. Yung pagreresign ko nga eh, nalaman nya kaagad.

Naramdaman ko ang malalim na paghinga ni mama. "Naghiwalay kami ng papa mo kasi may mga bagay na kahit anong gawin mo ay hindi na mababago. Noong una palang naman alam ko na may ibang mundo ang gustong tahakin ng papa mo. Maging ako ay ibang daanan din ang gusto kong tahakin. Pero dahil sa pag-uudyok ng mga magulang ko ay ayun natali ko siya sa isang relasyon na hindi niya gusto."

"Pero nakita ko naman sa papa mo na ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya. Sa side ko naman ay ginawa ko din ang sa tingin kong part ko. Nabuo kayo ni Aries. Akala ko ok, mali pala ako."

"Naging mahirap pala sa papa mo ang buhay na ito. Kung bakit? Malalaman mo din sa tamang panahon kung bakit. Basta isa lang ang masasabi ko. Mali man ang relasyon namin ng papa mo pero Kaylan man ay hindi nya kayo itinuring na pagkakamali. Nakita ko kung paano niya kayo mahalin. Kahit sa kabila ng kasiyahan nakukuha niya sa inyong dalawa ng kapatid mo ay tila kulang padin ang pagkatao niya."

"Kaya nagdisisyon akong pakawalan na siya upang nang sa ganon ay mahanap niya ang tunay na magpapasaya sa kanya ng ganap." Alam kong gusto nang umiyak ni mama pero pinipigilan niya ito.

"Masyado kasi akong nabulag sa mga material na bagay na ibinibigay niya kaya huli ko na nakita na hindi na pala siya masaya simula palang. Aaminin ko, na kahit pinakawalan ko siya masakit padin sa akin iyon. Kaya hindi ako pumayag na makuha niya isa man sa inyo ni Aries. O madalaw man lang. Iyon ang kapalit ng kalayaan niya."

Dahil sa mga sinabi ni mama, napagtanto ko na mali ako ng iniisip. Hindi kami iniwan ni papa.

"Minsan ba, ma ginusto din ni papa makita kami?" tanong ko.

"Madaming beses. Pero hindi ako pumayag. Bitter pa ang mama eh. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa. Kung totousin ay ako ang may kasalanan. Marahil ay sadyang selfish lang ako." Hindi na napigilan ni mama ang mga luha. Kusa na itong lumabas kasabay ang hagogol niya. Mabilig naman akong lumapit sa kanya upang yakapin.

"Tama na, ma."

"Sorry, anak. Sorry. Kung naging bukas lang ako sa lahat hindi kayo sana nahihirapan ng kapatid mo. Sorry, kasalanan ko itong lahat." Tinapik-tapik ko ang likod ni mama. Ako man ay hindi na din napigilang umiyak.

Maaga akong nagising kinabukasan ngunit nanatili akong nakahiga sa higaan. Napalingon ako sa side table at nakita ko ang phone kong ilang araw ko na ring hindi tinignan. Sinadya ko iyon dahil ayaw ko nang unwanted texter at caller. Alam n'yo na kung sino-sino ang mga yun. Naisip ko tuloy si John na malamang ay nag-aalala na rin.

Wala pang isang minute n ang bukdan ko ang phone ay nagsipasukan na ang mga text. Isa na doon ang mga text ni John na nagtatanong ng kalagayan ko. Ilangsandali pa ay itinitipa ko na ang mensahe para sa kanya. Nang magsend ang mensahe ay agad akong bumangon at dumeretso nan g banyo.

"Grabe naman yan, daig mo pa ang nasa teleserye, besh." Komento ni Jonh matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. Narito kami ngayon sa isang coffee shop. "Try kaya nating ibahagi yan sa MMK."

Hindi ko napigilang hampasin si John. Napaaray naman ito at sinabing nagbibiro lang daw siya.

"O anong plano mo?" Tanong niya. Sumeryoso na ito ng anyo.

"Hindi ko nga alam eh."

"Kung ako sa iyo, kakausapin ko nalang ang papa mo. Tutal naman nasabi nang mama mo yung totoo. He try to reach out, pero ayaw ni mama mo. Hindi ba sabi mo noon naiintindihan mo ang papa mo sa disisyon nya? Bakit ngayon biglang nagbago? Dahil ba sa nag-asawa siya ng lalaki?"

Natahimik ako sa tinuran ni John. Minabuti kong wag na lamang siyang sagutin. Inabot ko ang kape sa lamesa at humigop.

Anu nga ba ang gagawin ko? Kung sakaling makipag-usap ako kay papa, anong magbabago? Meron ba? At anong mangyayari sa amin ni Xander? Si Xander na kahit anong pilit kong tanggalin sa isipan ko ay pilit pading kumakawala at sinasakop ang sisteme ko. Maari ko bang makalimutan lahat ng ito? Sa totoo lang ay naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari. 

Ang isang parte ng puso ko sinasabing kailangan kong trapusin ang lahat at magmove on. Samantalang ang isang parte ay sinasabing ayusin ang ano mang nasira. 

Sinisikap kong mawala na si Xander sa sistema ko pero bakit ang hirap. Bakit ko pa ba siya nakilala kung ganito lang din naman ang kahihinatnan naming dalawa. Ito ba ang quest ko? Ang makita ang taong magpapatibok ng puso mo at magiging dahilan ng kasiyahan mo pero siya ring dahilan ng paglubmok mo? 

Daddy nya na ang papa ko. Oo, naiingit ako dahil pakiramdam ko pinili siya ng papa ko against us ng kapatid ko. Gusto kong magalit sa kanya pero bakit kay hirap gawin. Bakit sinasabi ng puso ko na kailangan ko siya habang ang isip ko naman ay itinataboy siya at sinasabing hindi na dapat dugtungan ang nasimulan namin. 

Sino ang pakikinggan ko? Ano bang nagawa ko para maranasan ko ito?

"Walang mawawala kung kakausapin mo ang papa mo. Hayaan mo siyang magpaliwanag. Hayaan mo siyang pumasok muli sa buhay mo. Nangyayari ito dahil may dahilan. Hindi ito basta lamang nangyari dahil wala lang magawa ang tadhana." Si John.


Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon