CINCO MARIO BOOK 3: Destined to be Yours

2.5K 65 17
                                    

Cinco Mario Series 3
Francis: Destined for You
By: eRockinLove

Prologue

"Nay, ano 'tong sinasabi ng Landlady natin na hindi n'yo pa binabayaran ang upa? Binigay ko na sa'yo ang pambayad diba?" Nanggagalaiti na tanong ko sa nanay ko.

Paano ba naman, noong last week ko pa binigay ang pambayad sa upa ng bahay. Nagulat na lang ako nang sabihin ng Landlady na hindi pa daw nagbibigay si Nanay.
"Eh di bayaran mo. Anong magagawa ko eh kailangan kong bayaran yung utang ko kay Lerma?" Naku naman. Sinong hindi iinit ang ulo kung ganyan ang nanay mo?
"Nay, alam mo naman na nakabudget ang pera ko, di ba? Saan ko naman kukunin ang ipapambayad ko ulit?" 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagawang gastusin ng magaling kong nanay ang perang pambayad sa mga bayarin. Maging ang pang-tuition nga ng kapatid ko ay nagawa pa nitong gastusin. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang magtampo. Ni hindi man lang nya iniisip ang hirap ko sa trabaho. Sa halip na makatulong ay dumaragdag pa sya sa problema ko.
Bata pa lang ako ay namulat na ako sa hirap ng buhay. Iniwan kasi kami ni tatay noong nasa high school palang ako. Marahil ay sa kagagawan din ni Nanay. Kaya kahit papaano ay naunawaan ko si Tatay. 

Nang umalis si Tatay ay sa akin naiwan ang responsibilidad niya sa amin. Sa edad na labin-anim ay kung anu-anong mga raket ang pinasukan ko kahit pa nag-aaral pa ako. Wala kasi akong mapagpipilian dahil wala namang mapagkunan ng gastusin ang Nanay ko. Sa halip nga na magtrabaho ay kung anu-ano ang pinaggagagawa sa buhay. Mahirap ang kalagayan ko pero kailangang magtiis dahil bukod kay Nanay ay may isa pa akong kapatid na nasa elementarya pa lang.

Maluho sa buhay ang Nanay ko. Kung may gusto itong bagay kahit may pinaglalalaanan ang perang bigay ko ay nagagamit niya ito. Kaya madalas ay nauuwi sa pagtatalo ang simpleng usapan. Kung min san ay para tuloy gusto ko nang umalis sa bahay pero iniisip ko ang kapatid ko. Magiging kawawa lang ito kung saka-sakali. 

Tiniis ko na lamang ang lahat ng hirap. Hanggang sa makatapos ako ng college at nakapagtrabaho bilang isang regular na empleyado sa isang sikat na kompanya. Hindi nga ako makapaniwalang matatanggap ako dahil kadalasan ay ang mga aplikanteng galing sa kilalang paaralan ang kinukuha nila.

*****
"Oh, bakit Biyernes Santo na naman yang mukha mo?" Tanong ni Niel nang makita ako. Papasok na ako sa opisina kung saan ako nagtatrabaho. Naghihintay ako na bumaba ang elevator nang makita niya ako.

"Mahabang salaysayin. Mas mahaba pa ata sa buhok ni Rapunzel." Wala sa wisyo kong sagot. Kilala na niya ako pagkaganoon. Kaya hindi na ito nagtanong pang muli.

Nang makarating ako sa table ko ay sinimulan ko na kaagad ang mga gawain. Mas magandang lunurin na lang ang sarili sa trabaho upang hindi mo na maalala ang mga problema. Nakakasama lang lalo ng loob. 

"Hoy, lunch na!" Napabaling ako sa nagsalita. Si Niel.

"Lunch break na ba?" Takang tanong ko. Hindi ko na namalayan ang oras.

"Tara na sa baba, sagot ko na ang lunch mo." Isa ito sa ipinagpapasalamat ko kay Niel. Galante sya.

*****

"Yung totoo, Niel napapagod na ako. Ilang taon na ko na bang ginagawa ito?" Hindi ko maiwasang maglabas ng sama ng loob. "Ilang beses na itong nangyayari. Oo, nanay ko siya pero di ba dapat maramdaman niyang nahihirapan na ako?" Nagiging emosyonal na ako. Pero dahil madaming tao sa paligid ay kinontrol ko na lang ang sarili. 

"You know what, you need a break. Bakit di mo e-try mag-unwind? Super stress ka na. Twenty-two ka pa lang pero parang nasa thirties ka na." Bigla akong napatingin sa kanya. "Hindi ako nagsisinungaling. Try mo tignan ang sarili mo sa salamin. Ang gwapo mo pero parang walang kinang. Yung parang dry na dry." 

Letse, umiral na naman ang gay side ni Niel. 

"Dami mong alam." Usal ko.

"Hoy, Francis totoo naman kasi. Para kang bulaklak na kulang sa dilig. Kung hindi mo titigilan yang pagiging martir mo sa Nanay mong feeling teenager kung umasta ay malamang ay tatanda kang binata. Sige nga sabihin mo sa akin, simula nang naging huthutan ka ng nanay mo, anu-anong magagandang bagay ang naabot mo? Ni magkaroon nga ng love life hindi mo nagawa eh."

Napaisip ako sa mga pinagsasabi ni Niel. Kung titignan ay may point din naman siya. Kelan ba ako huling lumabas upang mag-night out? Parang hindi nga nangyari iyon dahil kulang pa ang sweldo ko sa pambayad sa mga walang katapusang bayarin. Mula sa renta ng bahay, kuryente, tubig, telepono, cable hanggang sa tuition, panggastos sa bahay at kung anu-ano pang kailangang bayaran. Idagdag pa ang mga walang kamatayang kaartehan ng nanay kong walang pakiramdam. 

Wala din nga akong bagong damit. Mas bago pa nga ang mga damit ng kapatid ko kesa sa akin. Samantalang ako ang nagtatrabaho. Kung hindi pa ako reregaluhan ng mga kaopisina ko ay hindi ako magkakabagong damit. 

Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa sarili ko. Ang ibang kaedad ko sa panahon ngayon ay unti-unti nang natutupad ang mga pangarap nila. Samantalang ako ay nakakulong sa responsibilidad na kung tutuusin ay pwede kong takasan dahil simula't sapol ay hindi ko naman problema. 

Nang matapos ang lunch break ay lutang pa din akong bumalik sa pwesto ko. Pakiramdam ko ay ang bigat ng dinadala ko.

Natapos ang araw na hindi ko namamalayan. Natapos ang araw na wala man lang nangyayaring maganda. Natapos ang araw na ganun pa din, ako pa din si Francis. Ang kawawang Francis na ginagawang ATM ng Nanay nya.

Nagtaka ako nang makarating ako sa bahay. Patay ang mga ilaw. Hindi naman brownout dahil may ilaw naman ang mga kapit bahay. Mabilis akong pumasok sa bahay. Naabutan ko ang kapatid kong nagtitiis sa liwanag ng kandila.

"Anung nangyari, Aries?" Nagtatakang tanong ko. 

"Ay naku, Kuya. Naputulan na tayo ng kuryente. Si Nanay, hindi binayaran ang Meralco." Inis na sagot ng kapatid ko.

Saka naman lumabas si Nanay. May dala itong kandila sa isang kamay at isang bowl sa isa.
"Oh, nandyan ka na pala." Parang walang nangyari kung makapagsalita sya.

"Nay! May iba ka pa bang hindi nababayaran? Sabihin mo na nang hindi naman kami mabibigla pa." Ayaw ko mang maging bastos pero hindi ko na matiis.

"Yung tubig, anak baka maputulan tayo. Bigay mo sakin yung pera para maihabol ko bukas." Napahawak ako sa noo ko. Ang tindi talaga ng Nanay ko. 

"Nay naman, ano bang akala mo sa akin? Tumatae ng pera? Nakakaubos ka nang pasensya, Nay!" Napuno na talaga ako kaya ganito na akong magsalita sa aking ina.

"Pera lang yan, Francis. Humiram ka muna sa kakilala mo." Naletse na.

"Hindi naman yun ang issue dito, Nay. Kung binabayad mo sana ang binibigay ko, hindi tayo mapupunta sa ganito. Hindi ako nagpapakahirap magtrabaho para sa mga kapritsuhan mo sa buhay, Nay. Ako ba nakita mong bumili ng para sa akin? Makaramdam ka naman Nay. 

Napapagod na ako. Ginagawa mo na akong alila. Nawawalan na ako ng buhay pero ikaw sarili mo lang nakikita mo."

Hindi umimik si Nanay. Unang pagkakataon iyon na sumabog ako sa harap niya ng ganun kagalit. 

Agad akong pumasok sa kwarto ko. Buti na lang at may malapit na poste ng ilaw sa kwarto ko kaya kahit papano ay nagkailaw sa aking kwarto. Habang nakaupo ay malayo ang paglalakbay ng utak ko. Naalala ko ang mga sinabi ni Niel kanina. Kailangan ko nga sigurong mag-unwind. Sasabog ako pag hindi pa ako umalis ngayon.
Agad akong tumayo, nag-ayos at nagbihis. Umalis ako nang hindi nagpapaalam.

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon