"Ma! Baka kina-Papa ako magdidiner mamaya. Magluluto daw po kasi siya." Paalam ko kay mama habang abala sa pag-aayos ng laman ng bag kong dadalhin sa opisina. May nga inuwi kasi akong paper works kagabi na kailangang matapos kaagad dahil titignan pa ito ni Tito Al, ang papa ni Xander.
"Naku, dalhin mo kapatid mo at may lakad din ako mamaya." Sagot naman ni mama. Kunot noo naman akong napatingin sa kanya. "Oh, ba't ganyan ka makatingin? Hindi lang kayo ang may social life noh!" Napailing na lamang ako.
Ilang buwan na rin kaming nasa ganitong sitwasyon. Simula nang nagkausap kami ng masinsinan ay pakiramdam ko ay naging open kami sa isa't isa. Naging normal na sa amin ang mga bagay bagay na dati ay kay hirap intindihin.
Pakiramdam ko ngayon ay napakaswerte ko. Nagkaayos na kami ng papa ko. Naging open na si mama. At maging ang asawa ni papa na tito na ang tawag ko ay nagkakamabutihan na. Idagdag pa ang lalaking labis na nagpapasaya sa akin. Si Xander, ang aking "the one".
Nagulat nga ang mga kaibigan kong Mario nang muli kaming nagkita-kita. Ang lahat ay masaya sa kanya kanyang "The One". Who would thought daw na ganun kasalamuot ang trials namin para lang mahanap ang mga taong nakatadhana sa amin. Well sino nga ba ang makakapag isip ng ganoon. Napapabunton hininga na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.
Paglabas ko ng bahay ay naghihintay na ang sasakyan ni Xander. Bumaba ito ng sasakyan nang makita akong palabas ng gate.
"Oh, kanina ka pa? Hindi ka man lang pumasok." Nagtataka kong tanong.
"Kakadating ko lang din, Babe. Natanaw na kitang palabas kaya di na ako nag-abalang pumasok." Sagot niya sabay kuha ng dala kong bag at kabig sa akin ng libreng kamay at sinalubong ako ng mabilisang halik. "Ang dami mo atang dala? Nag-uwi ka nanaman ng trabaho noh?" Hindi na ako talaga nakakatakas sa isang ito.
"Hindi naman ganun kadami. Kailangan na kasi iyan mamaya." Sagot ko. Inilagay nito ang bag ko sa trunk ng sasakyan. Akon a ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan sa front seat. Samantalang siya ay tinungo n gang driver's seat. Ilang sandali pa ay umusad na ang sasakyan. Pagdating sa opisina ay nagkanya-kanya na kami dahil magkaiba kami ng department.
Having a relationship with Xander is wonderful. Siya na ang maalalahaning tao na nakilala ko. Pero siya rin ang seryosong tao. Kapag nasa office ay trabaho kung trabaho. Kapag nasa labas kami ay nap aka sweet niya. Bagay na subrang ina-admire ko talaga sa kanya.
***
"Ang lalim ata ng iniisim mo ah?" Tanong ni Xander. Katatapos ng ng dinner na inihanda ni papa. Nagpahangin ako sa Gazebo sandali ngunit sinundan pala niya ako.
"Wala, nagpahangin lang." wika ko. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako. Ipinaton ko ang aking baba sa kanyang balikat. Hindi ko maiwasang makaramdan ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na tanging siya lang ang nakakapagpadama sa akin.
"Alam mo ba hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nobyo na kita ngayon." Ako.
"Hala, bakit naman? Ni hindi mo lang ba sumagi sa isip mo na mamahalin kita?" Sagot nito na nananatili sa aming pagkakayakap. Umiling lang ako bilang tugon.
Dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at masuyo akong tinignan, mata sa mata.
"Francis Mario, I love you. At lagi mong tatandaan na hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Wala akong peke sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ikaw. Ikaw at ang mga bagay na magpapasaya sa iyo." Dahil sa hindi ko maisip ang sasabihin ko ay ngumiti na lamang ako at muli siyang niyakap.
"Marry me." Dinig kong bulong niya. Ako naman ay natigilan at napakalas sa yakap.
"What?"
"I said, marry me."
"S-seryoso?"
"I have never been serious in my life before, ngayon lang. So please marry me. Marry me and I will give you the world."
Samut-saring damdamin ang bumalot sa aking. Hindi ko mabatid kung anu ang matimbang. Hindi ko inaasahan ito.
"Please, Rio. I wan't to wake up in my bed na ikaw ang unang tao na makikita ko. I want you to be the person with me hanggang sa tumanda tao. Ang taong magiging katuwang ko sa buhay. Hindi ko na kayang mapahiwalay pa sa iyo." Dama ko ang sinsiridad sa boses nito.
"Y-yes" mahina kong sambit. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot na iyon ngunit isa lang ang sigurado ako. Mahal ko siya at ayaw kong mawalay sa kanya.
"What is it again?"
"Yes, I will marry you!"
Sa subrang saya nito sa narinig ay nagsisigaw na ito at tumakbo paikot ikot sa akin na parang batang binigyan ng paboritong laruan.
Sino ba naman ang hihindi sa taong sa pangarap mo lang inakalang mamahalin ako. Ang akala kong imposible ay possible din pa. Sadyang may mga bagay na hindi mo basta basta makukuha dahil sa iyon ang hiniling mo o ito ang gusto mo. Kailangan mo lang maghintan at hintayin ang tadhana ang magtulak sa iyo sa pagkakataon. At kapag ipinakita ang pagkakataon, grab it and do everything you can. Malay mo iyon pala ay destined to be yours...
Yes sa wakas ay natapos ko na din ito. Sa mga sumubaybay madami pong salamat. Pahintay nalang po yung ibang Mario. Matatapos din nila yun. Sa taong nagpupush na matapoas ko ito madaming salamat.
Sa mga nag-aabang ng mga updates ko sa ibang kwento heto na uunti-untiin ko na pong mag update ng makadami.
Back sa story na ito, sana po ay nasiyahan kayo sa kwentong ito. Hanggang sa muli po salamat.
Sa mga nakasama ko sa series na ito mabuhay po tayong lahat. hehehe
Hanggang sa muli.
eRockinLove
BINABASA MO ANG
Francis : Destined to be Yours
General FictionCINCO MARIO BOOK 3 Francis: Destined to be Yours Francis Mario Guevarra, 23 years old na empliyado ng isang companya. Regular na lalaking ginawang atm machine ng pamilya niya. Isang araw ay napuno na ito. Sinong hindi? Sa kabila ng hirap niya ay...