Francis POV
"Hindi mo na kailangang ihatid ako. Kaya ko namang umuwi ng mag-isa." Hindi ko mapigilang sabihin. Paano ba naman ay hindi na ako mapakali sa loob ng sasakyan niya. Napakabilis pa ng pagmamaneho nito. Tinignan lamang ako nito at muling ibinaling ang paningin sa daanan. "Diyan mo na lamang ako ibaba sa tabi. D'yan sa may convinient store." Tinuro ko pa ang lugar na tinukoy ko. Feelimg ko kasi ay kakapusin na ako ng hininga. Grabe ang intense ng athmosphere dito sa loob ng sasakyan niya.
"Alam kong kaya mong umuwi mag-isa. Pero mas gugustuhin kong ihatid ka hindi dahil napag-utusan ako, kundi dahil yun ang gusto ko. Kaya manahimik ka nalang. Dahil kung hindi, hindi ka talaga makakauwi sa inyo." Ang ungas pinagbabantaan ako. Tinignan ko siya ng matalim.
Ayoko ko nang makipagtalo dahil wala na din naman akong magagawa kaya nanahimik na lamang ako. Kahit papanu, ayaw ko mang aminin, ay na miss ko din naman siya. Inabala ko na lamang ang sarili sa panunuod ng mga dinadaanan namin.
Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakya sa tapat ng aming bahay. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng pinilan ng ungas ang kamay ko. Agad naman akong napatingin sa kanya. Damn. Kumabog muli ang puso ko. Pakiramdam ko may pabanda si mayor. Umayos ako ng upo at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"I'm sorry." Pagsasatinig niya. Nakatingin ito sa akin. May kunting pagkailang akong naramdaman. "Hindi ko alam kung para saan ako magsosorry. Pero ang pakiramdam ko kasi ang laki ng kasalanan ko sayo. Namin ng Papa ko." Dama ko sa tinig niya ang lungkot. Maging sa mga mata niya. Pakiramdam ko ay ibang iba siya sa Xander na nakilala ko.
" Wala ka namang kasalanan ah. Maging ang papa mo, wala ding kasalanan." Gusto ko siyang pakalmahin. Para kasing nasasaktan ako habang nakikita siyang tila nahihirapan ang kalooban.
"Anu man ang nangyari dati ay hindi mo iyon kasalaman. Sinunod lamang nang mga ama natin ang nararamdaman nila dahil iyon ang magpapasaya sa kanila. Yun ang mahalaga diba? Yung alam nila na ikasasaya nila yon." Nagsisimula nang gumaralgal ang boses ko.
"Aamininin ko, nakaramdam ako ng galit, nakaramdam ako ng inggit. Kasi ang nasa isip ko, mas pinili niya kayo kesa sa amin. Inalagaan ka niya samantalang ako naghihirap. Ang rangya ng buhay meron kayo pero ako at ang kapatid ko, kailangan magtiis na kakapirangot kong kita." Nadsimula nang magbagsakan ang mga luha ko. " Pero nang ipaliwanag ni mama ang totoo, napag-isipisip ko, na walang katuturan ang naramdaman ko. Dahil hindi naman kami iniwan. Sinubukan niya kaming balikan ng kapatid ko pero nagmatigas lang simama."
"Kaya wag mong isipin na galit ako sayo dahil lang sa naging daddy mo ang papa ko. Dahil lahat tayo, biktima lang ng maling guhit ng palad. Ang papa mo at papa ko. Ang mama ko. Ikaw... Ako. Natuwa marahil ang kapalaran sa atin kaya napag-iteresan tayong paglaruan. " Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at dali-daling bumaba sa sasakyan.
Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko pero nagbingibingihan ako dahil kahit tanggap ko na ang sitwasyon. Kahit naintindihan ko na ang lahat. Hindi ko pa ding maiwasang makadama ng sakit ng kalooban.
Laking pasasalamat ko na wala pang tao sa bahay. Nang malock ko ang pintuan ay napasandal na lamang ako. At pinakawalan na ng tuluyan ang sakit na nararamdaman. Hinayaan ko nang umagos ang mga luha sabay sa mga hikbi.
"Alam kong naririnig mo ako." Rinig kong wika niya. marahil ay nasa tapat siya ng pintuan. "Hindi ako humingi ng sorry dahil lang sa papa mo na naging daddy ko. Humingi ako ng sorry dahil hindi ako nakapagpaliwanag agad nang gabing iyon. Ayaw kong isipin mo na nakipaglaro lang ako sayo dahil lahat ng ikinilos ko mula nang magkakilala tayo ay totoo iyon. Paniwalaan mo sana iyon. Marahil sa ngayon ay lito pa ako sa anu nga ba ang nararamdaman ko pero isa lang ang masisiguro ko. Espesyal ka sa akin at nasasaktan ako ngayon dahil alam kong nasasaktan ka.
BINABASA MO ANG
Francis : Destined to be Yours
Fiction généraleCINCO MARIO BOOK 3 Francis: Destined to be Yours Francis Mario Guevarra, 23 years old na empliyado ng isang companya. Regular na lalaking ginawang atm machine ng pamilya niya. Isang araw ay napuno na ito. Sinong hindi? Sa kabila ng hirap niya ay...