Destined to be Yours: Chapter 1

2.2K 72 11
                                    

Destined to be Yours: Chapter 1

By: eRockinLove

Kanina pa ako naglalakad-lakad. Pinagmamasdan ang paligid na nilalamon ng mga makukulay na ilaw. Ito na pala ang kamaynilaan. Kaytagal na rin nang huli ko itong mapagmasdan. Ibang-iba na ito. Kelan nga ako huling nakapag-night out? Hindi ko na matandaan. Masyado nang natabunan ng responsibilidad ko sa pamilya ang buhay ko. Natabunan na rin ang pangarap ko. Ano nga ulit ang pangarap ko?

Umupo ako sa isang bench at muling pinagmasdan ang mga taong nagdaraan at namamasyal. Napako ang paningin ko sa dalawang nilalang sa hindi kalayuan. Nagbibiruan ang mga ito na tila silang dalawa lang ang tao sa paligid. Bakas sa mga mukha nila ang saya. Kung 'di ako nagkakamali ay may relasyon ang mga ito. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanilang dalawa. Yung tipong naiisip ko na sana ako rin, may taong magpapasaya rin sa akin.

Saan na kaya 'yun? Darating pa ba siya?

Napabuntong-hininga ako. Maya-maya pa ay tumayo ako upang muling maglakad. Nakakainis kasi dahil nang-iinggit. Bwisit.

Sa aking paglalakad ay natanaw ko ang isang bistro/bar. Wala sa isip na naglakad ako palapit roon. May mangilan-ngilang tao roon. Sa kilos at pagsasalita ay masasabing may mga kaya ang mga iyon. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagdesisyong pumasok. Bahala na si Batman ika nga.

"Sir, can I see your ID?" usal ni Manong Guard na ikinasalubong ng kilay ko.

"Anong ID, Kuya Guard?" wala sa loob kong tanong.

"Sir, 'yung membership ID po," pagkaklaro nito.

"Kailangan bang maging member muna bago makapasok?" tanong ko sa kanya.

"Sir, members' night po kasi ngayon. Kaya member lang po ang pwedeng pumasok."

Hindi na ako nakipagdiskusyon pa. Agad akong tumalikod upang umalis ngunit napalingon ako nang may magsalita.

"Sagot ko na siya, Bret," wika ng lalaking dumungaw sa glass door.

"Sure kayo, sir?" tanong ni Kuya Guard.

"Pasok na ka na, cutie," tawag nito sa akin.

Hindi ako sigurado kung ako nga ang tinatawag niya. Napalingon pa ako sa magkabilang gilid dahil baka iba ang tinatawag nito.

"A-ako po ba?" nabulol pa ako, tinuro ko pa ang sarili ko.

"May iba pa bang cute sa tabi mo?" Lumabas na ito at lumapit sa akin.

Wait, bakit parang nag-slow motion? Naranasan n'yo na ba 'yun? 'Yung habang papalapit ang isang tao ay tumigil ang oras at siya na lang ang nakikita mo. Hindi mo tuloy maiwasang tumitig sa kanya. Gaya ngayon, napako 'ata ang tingin ko sa kanya.

"Are you ok?" tanong nito. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Nakakainis sa tapat pa niya talaga ako nag-blank space.

"H-ha? Ano po 'yun?" Huli na nang maisip ko ang sinabi ko.

"Hahaha!" Wow! Tumatawa na lang pero ang sexy ng tunog. Lalo tuloy siyang pumogi. Did I say that? No!

Sige na, gwapo siya. Yung poging 'di nakakasawa. Nakahahalina. Lalo pa't may katangkaran siya na bumagay sa build ng kanyang katawan. May kanin po ba kayo? Nagutom ako.

"Pumasok na nga tayo sa loob," yaya nito sabay hila sa akin. Ako naman ay tinakasan ng lakas dahil sa paglapat ng kamay niya sa bisig ko. May kung anong enerhiyang nanalaytay mula sa kanya papunta sa akin.

"Welcome to CINCO Bar & Bistro!" aniya.

Sa isang iglap ay nawala ang kaninang nararamdaman ko at napalitan ng pagkamangha dulot ng magandang ambience ng lugar. Presko at masasabing relaxing ang aura. May mahabang bar doon na may mga high chair. May mga table ang chairs din doon na halatang pinag-isipan ang pagkakapuwesto. May isang maliit na stage roon kung saan may tumutugtog ng piano. Lalong nakaganda sa paligid ang ilaw.

Francis : Destined to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon