Senyorita kailangan nyo na pong bumaba baka maticketan na ako." Pakiusap kay Candice ng kanyang driver. Ilang minuto na kasi silang nakaparada sa isang no parking zone.
"One minute." Sagot niya dito.Huminga muna siya ng malalim para ihanda ang sarili. Pagkatapos ay tumingin uli siya sa direksyon ng bagong eskuwelahang papasukan niya, ang Jose Gregorio Community College. Pangalan pa lang gusto na niyang maiyak.
She was kicked out from her previous school dahil nahulihan siya ng kodigo. Walang binigay na tulong ang kanyang lolo. At ngayon nga ay pinarusahan pa siya by enrolling her to this God forsaken college. Isa lang naman ang kondisyon nito para maalis ang parusa sa kanya. At iyon ay kailangan niyang ipasa ang lahat ng kinuhang subject.
Madali lang naman ang kondisyon kung tutuusin. Ang mahirap ay siya na apo ng isang business tycoon ay mag-aaral sa isang pipitsuging community college. Pinagmasdan niya uli ang malaking karatula kung saan nakasulat ang pangalan ng eskuwelahan. Sobrang luma na nun at kailangan na ng bagong pintura. Kung yung simpleng karatula hindi mapinturahan ano pa kaya ang itsura nito sa loob. Well she has no choice but to find out.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay tuluyan na siyang bumaba mula sa kotse. Malakas na ingay agad ang sumalubong sa kanya. Mukhang may protestang nangyayari sa harapank ng eskuwelahan. Pero wala naman siyang nakikitang pagkabahala sa mga mukha ng ilang kasabayan niyang estudyante. It's a normal everyday thing to them. At kailangang masanay na siya so she walked on.
Nasa harap na siya ng gate nang may lumapit sa kanyang isang estudyante at binigyan siya ng flyers. Ni hindi niya tiningnan yung nagbigay. Hindi rin niya binasa ang nasa papel at balewalang nilukot yon. She couldn't care less sa kung ano man ang pinaglalaban nito dahil may sarili siyang problema na dapat isipin.
Nang itatapon na sana niya ang papel sa basurahan ay may pumigil sa kanya. "Miss kung ayaw mo kaming suportahan huwag ka namang mambastos ng harapan." lalaki ang nagsalita. Hinawakan pa nito ang kamay niya at kinuha mula sa kanya ang papel.
"Dont touch me." Pagsusungit niya dito. Naglabas siya ng hand sanitizer at nilagyan ang kanyang kamay.
"Miss hindi ako madumi. Naligo ako. Akala mo naman kung sinung prinsesa. Baka makarma ka sa ginagawa mo." Sagot nito sa kanya.
"Kung sino ka man. Wala akong pakialam sa opinyon mo." Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ito. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay may tumama sa kanya. "Oh my God!!" Hindi siya nasaktan pero nabasa siya. May nambato sa kanya ng tubig! Pinagtawanan pa siya ng ilang estudyante.
Tumingin siya sa paligid para hanapin ang walanghiyang salarin. Nahagip ng mga mata niya ang isang lalaking may hawak ng supot ng yelo na may lamang tubig. Nakatalikod ito sa kanya pero sigurado siyang ito yung lalaking nakasagutan niya kanina. Nilapitan niya ito at kinalabit. Hinarap naman siya nito.
"Bakit??" Takang tanong nito. Pero imbis na sagutin ay isang malakas na sampal ang binigay niya dito. Dahil sa pagkabigla ay sandali itong hindi nakakilos. Pati yung ibang estudyante ay nagulat sa ginawa niya. Tinaasan pa niya ito ng kilay at inirapan pagkatapos ay naglakad siya palayo. Nang mahimasmasan ang lalaki ay tsaka ito humabol sa kanya.
"Sandali nga anong problema mo?" galit na tanong nito. Nang hindi niya ito pinansin ay humarang ito sa daraanan niya. Para tuloy silang nagpapatintero.
"Umalis ka sa harapan ko baka gusto mong tamaan ka uli sa akin." Banta niya dito.
"Sandali naguguluhan ako may atraso ba ako sayo? Sigurado naman akong hindi kita naging ex-girlfriend." Tanong pa rin nito.
"As if naman papatol ako sa isang hampaslupang katulad mo. Sinampal kita dahil binasa mo ako. Bastos."
"Hey wala akong ginagawa sayo. Hindi kita binasa. Ikaw itong nananakit ng walang dahilan at di lang yon sobrang matapobre mo pa."
"Hindi ako matapobre sinasabi ko lang ang totoo na mahirap ka. At tsaka nakita kita may dala kang tubig na nasa plastic. At binantaan mo ako kanina na makakarma ako."
"Hindi ka lang pala matapobre at bayolente, mapagbintang ka pa. Bakit nakita mo bang tinapunan kita ng tubig? May tubig akong dala dahil nauuhaw ako. At kaya ka siguro binato ng tubig eh dahil umaalingasaw ang sama ng ugali mo."
"How dare you insult me?"
"Nagsasabi lang ako ng totoo." pangaggaya pa nito sa kanya.
Gusto sana niya uli itong sampalin pero kita na niya ang galit sa mukha nito. Baka gantihan na siya nito pag nagkataon."You dont know who I am. Kaya kang ipatanggal ng lolo ko sa school na ito." pagbabanta niya uli dito.
"Di gawin mo kung kaya mo miss prinsesa ng kayabangan."
"Kaya ko talaga kaya huwag mo akong kakalabanin."
"Natatakot na nga ako mahal na Prinsesa." Sakastikong sagot nito sa kanya. Na lalo naman niyang kinainis.
"Huwag mo nga akong tinatawag na prinsesa. Wala kang karapatan."
Tumawa ito ng malakas. "Oo nga naman baka akalain ng mga tao eh pinupuri kita. Kampon ng kadiliman na lang ang itatawag ko sayo mas bagay." Pang-aasar pa rin nito.
"Ganito ba talaga ang mga estudyante dito mga bastos at barbaro?"
"Depende sa kilos mo. Pasalamat ka at ako ang nasampal mo dahil sorry lang ang hihingin ko sayo."
"Paano kung ayokong magsorry?" pinamaywangan pa niya ito.
Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala pero ilang sandali pa ay ngumiti ito na parang nakakaloko."Sa tingin ko may malalim na dahilan kung bakit ang isang mukhang konyong katulad mo eh magtyatyagang mag-aral dito. Huhulaan ko, isa kang malaking sakit ng ulo. Ibig sabihin hindi maganda ang records mo. Paano kaya kung magreklamo ako sa dean na sinampal ako ng bagong estudyante ng walang dahilan.
Ano kaya ang mangyayari?" nanunukat na tanong nito.
Kinabahan siya sa sinabi nito. Binantaan na kasi siya ng kanyang lolo na bibigyan siya ng mas malalang parusa kapag nalaman nito na gumawa na naman siya ng kalokohan.
"It's my word against yours. Walang maniniwala sayo." Kunyari ay lakas loob niyang sabi dito.
"Bakit hindi natin subukan?" paghahamon nito. Akmang pupunta na ito sa opisina ng dean nang pigilan niya ito.
"Okay fine para wala na lang gulo." huminga pa siya ng malalim bago nagsalita uli. "I-im sorry." Pilit na pilit ang paghingi niya ng tawad dito.
"Hindi ko marinig ang hina."
"I'm sorry." mas malakas niyang ulit.
"Mukhang nakainom ka ng suka. Bukal na bukal sa loob mo ang apology ah." Sarkastikong sagot nito. "Pero dahil hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob tatanggapin ko na ang sorry mo."
"Salamat." Pinipigilan lang niya ang sariling pagtaasan ito ng boses. "Talagang kapag minamalas nga naman." Bulong niya sa sarili.
Nabasa na siya ng tubig na hindi niya alam kung saang estero nanggaling. Napilitan pa siyang magsorry sa isang hindi niya kalevel. Kaya bago pa niya bawiin ang paghingi ng tawad ay tinalikuran na lamang niya ito at mabilis na naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...