Chapter 16

162 4 0
                                    

"Senyorita pinapatanong po ng Senyor kung handa na kayo.  Kanina pa po kasi nagsimula ang kasiyahan at hinihintay na kayo ng mga bisita." paalala kay Candice ng kanilang mayordoma.

"Tell Lolo i'll be right down." Sagot niya dito habang sinusuot ang 18 karat teardrop earring na isang family heirloom. Tiningnan niya uli ang sarili sa salamin. She looks polished. From her ponytailed hair to her cobalt colored ruched crepe gown down to her vera wang shoes. She is now ready.

Pitong taon na ang nakakaraan nang walang ingay siyang umalis patungong Australia para takasan ang kalungkutan. She's only been back a few weeks and honestly she doesnt like the idea of a party. But her Lolo insisted. He wants to formally introduced her to everyone na may kinalaman sa Monarch Industry. Afterall in a few months she will need to take over dahil balak na nitong magretiro. Sa huli ay pinagbigyan na rin niya ito.

Pagkababa pa lang niya ay nakaabang na ang kanyang lolo who was wearing a Sherlock Holmes inspired suit. Costume themed ang party na hinanda nito.

“Akala ko hindi ka na lalabas. Kanina ka pa hinahanap ng mga bisita." Salubong nito sa kanya.

“Lolo you’re a great host. So I don’t think I’ll be missed.” sagot niya dito.

“Hija you’re the star of the night. Nandito sila to welcome you back.” paalala nito.

"Okay then, let's do this." sabay abot sa kamay nitong nakalahad na sa kanya.

Una siya nitong pinakilala sa mga board members pagkatapos ay sa mga bago nitong business associates. Sa tagal niyang nawala ay hindi na niya kilala karamihan ng mga bisita. She tried to remember their names. Dahil siguradong makakasalamuha niya uli ang mga ito in the near future.

Matapos ang kanyang obligatory rounds ay lumayo muna siya sa nakararami para sandaling mapag-isa. Boredom is kicking in. Which is kinda ironic because she used to be the life of the party. She used to enjoy the attention. But now pakiramdam niya she doesn't belong.

Sandali syang nagmasid sa paligid hanggang sa  mahagip ng mga mata niya ang isang lalaki. He’s wearing a white mask na parang sa Phantom of the Opera covering more than half of his face. Mag-isa lamang ito and was not even trying to talk to anyone.  But he doesn’t looked lost just uninterested. And even with his mask hindi nito maitago ang pagkabagot. She smiled at the thought. At least someone is as bored as she was. 

Inoobserbahan pa rin niya ito nang dumako ang mga mata nito sa kanyang direksyon. Nung una ay inisip niyang lalapit ito sa kanya pero nanatili ito sa puwesto. He’s just looking at her direction while sipping his drink. Nawala lang ang atensyon niya dito nang tawagin siya ng isang kaibigan, si Matthew. She's glad to finally see a familiar friendly face. 

“Candice akala ko hindi na kita makikita. Bakit  nag-iisa ka dito?” tanong nito.

“Nagpapahinga lang. By the way are you enjoying the party?”
“Mahigit isang oras na akong nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ng Lolo mo tungkol sa business.

Pakiramdam ko tuloy nasa business meeting ako.”

“I’m sure bago matapos ang gabing ito may makikilala kang magandang babae. Lalo na't  prince charming ka pa naman ngayon.”

“Pero nasa harapan ko na ang magandang prinsesa.  Ang tanong anong klaseng prinsesa ka ba?

"Bored and lost." sagot niya dito.

"Want to get lost with me?Alam mo naman ako naghihintay lang.  Very open and willing. Yours for the taking. ” totoong biro nito.

Nginitian lamang niya ito. Three years ago sa Australia ay pinakilala ito ng isang kaibigan. Nagpakita agad ito ng interes sa kanya at nanligaw. Maraming nagsasabing they are a match made in heaven. But she feels that she doesn’t deserve him. Kaya sinabi niya ito na hindi pa siya handa sa isang seryosong relasyon. Tinanggap nito ang desisyon niya and they end up being good friends. But its an open secret na naghihintay lang ito ng panahon kung kailan handa na siyang buksan ang puso niya para sa isang bagong pag-ibig.  Marami nga ang nag-iisip na they really are a couple.

FOR KEEPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon