Chapter 11

174 0 1
                                    

Kahit kanina pa nakaalis si Candice ay lutang pa rin si Victor. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.  Alam niyang may ugali itong padalos-dalos pero di niya akalaing hahalikan siya nito. Hindi niya tuloy alam ang dapat gawin.

"Huy okay ka lang ba pare parang wala ka sa sarili.” Tanong ni Luke na hindi niya napansing nasa tabi na pala niya. Nagulat pa siya nang tinapik siya nito sa balikat.

"O-okay lang ako.  Nakaalis na ba si Lanie?" tanong na lamang niya dito.

"Nung umalis ka nagpaalam na rin siya. Ikaw lang naman yung pinunta nung tao hindi mo pa nabigyan ng mahaba-habang oras.”

“Babawi na lang ako sa susunod. May napangakuan na kasi ako at hindi ko pwedeng balewalain yon.”

“Hulaan ko, si Candice ang napangakuan mo di ba? At malamang siya rin ang dahilan kung bakit parang wala ka sa wisyo ngayon."

Huminga siya ng malalim bago ito sinagot. "Hindi siya mawala sa isip ko. Mahal ko na yata siya." sa wakas ay amin niya dito.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Ano ngayon ang plano mo?" tanong nito.

"Sa totoo lang hindi ko rin alam. Huli na para iwasan siya." Sagot niya dito.

"Kung kaya mong umiwas eh di sana noon pa. Hindi naman natin kayang diktahan ang puwede nating maramdaman. So I guess goodluck na lang dyan sa puso mo." sabay tapik uli nito sa balikat niya na tila nakikiramay sa pagdadaanan niyang problema.

Napabuntunghininga na lamang siya.  Yun nga siguro ang kailangan niya isang matinding goodluck at lakas ng loob dahil bukas ay kailangan niyang kausapin ang dalaga. At kagaya nga ng isang lumang kasabihan. Bahala na naman si Batman.

Hindi na mabilang ni Candice kung ilang beses na siyang umupo, tumayo at naglakad nang pabalik-balik. Nung una ay kinonsidera niyang huwag nang siputin si Victor. Natatakot siya na komprontahin ito. Paano kung mali pala siya ng basa dito? What if kindness lang talaga ang pinapakita nito sa kanya at siya lang ang naglagay ng malisya? What if she’s the only one who fell? Kaya bang tanggapin ng puso niya kung sakaling kaibigan lang pala ang tingin nito sa kanya?

Dahil sa pagkabalisa ay hindi niya napansin na nasa may pintuan na pala si Victor. At nang sa wakas ay maramdaman na niya ang presensya nito ay huminga muna siya ng malalim at nagbilang ng ilang segundo bago niya ito hinarap.
He was looking intently at her not uttering a single word. It seems like he was trying to read what’s on her mind. Kinakabahan siya sa katahimikan nito.

“Kanina ka pa ba dyan?” tanong niya dito just to break the silence. “Akala ko ba mag-uusap tayo? Bakit ang tahimik mo?” tanong uli niya dito.

“Iniisip ko lang kung ano na naman ang bigla mong gagawin nang mapaghandaan ko naman. Lagi na lang kasi akong nasosorpresa pagdating sayo.” he smiled a little pero imbis na gumaan ang pakiramdam niya ay lalo yata siyang kinabahan.

“Sorry pero wala akong iniisip gawin ngayon.” sagot niya dito.
“Sayang naman tatlong beses pa naman akong nagtoothbrush kanina para siguradong fresh breath ako.” He’s obviously teasing her.

“Okay fine I kissed you so what. Kung wala ka nang ibang sasabihin aalis na lang ako.” Dinaan na lamang niya sa pagtataray ang kaba at kahihiyang nararamdaman niya ng mga oras na yon.

Akmang lalabas na siya pero humarang ito sa pinto.  “Hindi ka aalis hangga't di tayo nakakapag-usap Candice. At tsaka nakakasanayan mo nang mag walk out sa akin ah.”

“Ikaw naman kasi nakukuha mo pa akong biruin eh kita mo na ngang kinakabahan ako. And do we really need to talk like this? Can we just forget the whole thing and remain as friends?”

“Yun ba talaga ang gusto mo?” seryosong tanong nito.
Pumikit siya sandali. “Well it’s less complicated.” sa wakas sagot niya dito.

“Alam mo kagabi iniisip ko kung kailan ba kita unang nagustuhan. Pero hindi talaga ako sigurado. Maaring sa simula pa lang gusto na kita. Hindi ko lang tanggap noon kasi magkaiba tayo. Wala sa hinagap ko na makakatagpo ako ng isang tulad mo. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan kita at nakakausap.”

“Ano bang pinagsasabi mo? I’m just a brat na may mayamang lolo.” 

“Siguro nga brat ka, padalos-dalos at matigas ang ulo mo. Pero malambot din naman ang puso mo. Kaya nga siguro kahit anong pagpipigil ko hindi ko naiwasang mahalin ka.”

Tama ba ang dinig niya? He’s professing his love for her? Hindi niya talaga yon inaasahan. Isang mahabang katahimikan na naman ang namagitan sa kanilang dalawa.

“Okay lang kung ayaw mo sa akin o pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay. Basta ang mahalaga nasabi ko yung nararamdaman ko. I’m sorry kung nabigla kita. Kung gusto mo aalis na lang muna ako.”

“Sandali lang.” pigil niya dito. “Hindi mo ba hihintayin ang sasabihin ko?”

“Kung hindi ka pa handa okay lang naman.” halata na ang pagkabalisa nito.

“Victor, I want to give us a try.” nakingiti niyang sagot dito.
“Ibig mong sabihin?”

“Mahal din kita at para malinaw sinasagot na kita kaya girlfriend mo na ako.”  Pagkumpira niya dito.

Sandali itong natigilan na tila hindi makapaniwala and then suddenly His eyes lit up and he couldn’t contain his smile. At sa isang iglap ay nakalapit ito sa kanya sabay yakap nang mahigpit.
“Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon.”

“Sandali lang baka may pumasok na mga estudyante isipin nila kung ano ang ginagawa natin.” saway niya dito. But she didnt try to break away from his embrace.

“Ano namang masama sa ginagawa ko? Eh niyayakap ko lang naman ang girlfriend ko.” mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

“Di ba bawal PDA sa loob ng school.” paalala niya dito. “Nagiging pasaway ka na ha.”

“Mana lang ako sa girlfriend ko. Pero tama ka kailangan sumunod sa school policy.” Kaya inalis nito pagkakayakap sa kanya. Pero hinawakan naman nito ang mga kamay niya at hinarap siya. “Hindi ka magsisisi Candice. Pangako mamahalin kita ng buong puso.”

She smiled at him. She's Confident that he will do everything to keep his promise. And in that moment everything was perfect and she was completely happy.

Nang malaman sa eskuwelahan na sila na ni Victor maraming nagtaas ng kilay pero wala siyang pakialam. She’s too happy to care. And she couldn’t be more at ease sa pagmamahal ng kasintahan.

FOR KEEPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon