"O pare kumusta na yang pagmumukha mo?" Natatawang kantyaw kay Victor ng kaibigang si Luke.
"Ikaw talaga ilang araw na ang nakakaraan hanggang ngayon pinagtatawanan mo pa rin ako." iiling-iling na sagot niya dito.
"Ang sarap mo kasing asarin eh. Di ba sinabi ko na sayo mukhang masungit kaya huwag mong lapitan. Malakas ang loob mo. Ayan nasampal ka tuloy."
"Nadala lang yun ng init ng ulo dahil nga sa nangyari sa kanya." Pagtatanggol pa niya dito.
"Ay pinagtatanggol, malala na yan. Hindi lang yata ang pisngi mo ang tinamaan pati puso mo. Ano yon Love at first slap?" pang-aasar na naman nito.
"Puro ka talaga kalokohan. Tantanan mo ako." Sagot niya dito.
"Uy Victor hindi kita tatantanan. First Year highschool palang magkasama na tayo. Alam ko kung interesado ka sa babae."
"Bakit ako lang ba? Eh lahat naman tayo napanganga nung makita siya. Mukha siyang naligaw na...""Ano?" nakangising tanong nito nang hindi niya maituloy ang sasabihin.
Gusto niyang sabihin na mukha itong naligaw na anghel. Isang aparisyon na nagkatawang tao. At tama si Luke interesado siya dito. He did his research at nalaman niyang Maria Candice Benitez ang pangalan nito. At kung tama ang hula niya ang pamilya nito ang nag mamay-ari ng Monarch Industry. Tama naman pala nung sinabi nitong kaya siya nitong ipatanggal sa Jose Gregorio. Monarch kasi ang sponsor ng kanyang scholarship grant.
"Uy hindi ka na nagsalita dyan."
"Ano pa bang gusto mong sabihin ko. Hindi kami magkalevel nun. Kaya puwede huwag mo na akong asarin. Prinsesa yon isa lamang akong karaniwang tao."
And speaking of karaniwang tao at kalevel mo parating na si Jessie. Iiwan muna kita para masolo ka ng babaeng obsessed sayo."
At bago pa man siya makahirit ay nagmamadali na nga itong umalis. Na siya namang lapit sa kanya ni Jessie. Kasama niya ito sa Student Council. Kaya lang lately ay nagpapakita ito ng interes sa kanya at medyo nagiging agresibo. Ayaw niyang umasa ito sa wala kaya medyo umiiwas siya pero dahil kaibigan pa rin naman ang turing niya dito kinakausap pa rin naman niya ito.
"Kumusta ka na Victor. Okay ka na ba?" tanong agad nito.
"Okay lang ako Jessie. Walang masamang nangyari sa akin buo pa ang mukha ko." Sagot niya dito. Kung si Luke walang habas ang pang aasar sa kanya ito naman kung makapangamusta akala mo eh na-admit siya sa ospital.
"Buti naman at maayos ka kung hindi lagot sa akin ang babaeng yon. Ang lakas ng loob niyang saktan ka. "
"Jessie tapos na yon. At kung tutuusin dapat ka ngang humingi ng tawad sa kanya. Ikaw yung responsible sa pambabasa sa kanya. Pinahiya mo yung tao."
"Deserve niya yon. Ang yabang akala mo kung sino. Eh mas maputi lang naman siya sa akin. Sinaktan ka pa niya." Pagtataray nito.
"Nagkapatawaran na kami. Wala na sa akin yon. Kaya sana lang huwag mo nang uulitin yung ginawa mo. Hindi magandang maging bully."
"Basta huwag lang siyang haharang sa daan ko." Pagmamatigas pa rin nito.
Umiling na lamang siya sa asta nito. "Sige kailangan ko nang umalis. Kita na lang tayo mamaya sa student council meeting." Paalam niya dito.
"Sabay na ako sayo parehas naman tayo ng building na pupuntahan." Habol nito. May duda siya dun pero hinayaan na lamang niya itong sumama sa kanya.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...