Nakailang check na sa kanyang cellphone si Candice ay wala pa ring nagtetext sa mga so-called friend niya sa dating pinapasukang university. Sa umpisa lang concern ang mga ito pero nung malaman na she lost all her privileges nawala rin ang mga ito na parang mga bula. Ang mas nakakainis pa kahit isang Linggo na siya sa Jose Gregorio Community college ay wala pa rin siyang kaibigan o kahit kausap man lang. Madalas ay pinagtititinginan siya ng mga estudyante pero wala namang lumalapit sa kanya. Na para bang may nag-utos sa mga ito na iwasan siya. Ngayon lng talaga niya naramdaman maging total outsider.
Kesa maghintay sa wala ay napagpasyahan na lang niyang pumunta ng canteen. Tumingin siya ng makakain pero dahil wala siyang nagustuhan ay bumili na lamang siya ng maiinom. Walang gana niyang inuubos ang softdrink nang makita niyang pumasok ang isang lalaki. Nakilala niya agad ito. Ang antipatikong nakasagutan niya sa unang araw pa lang niya sa eskuwelahan. Dahil maliit lang naman ang Gregorio ay nalaman niyang Victor ang pangalan nito. He's the current student council president. Madalas niya itong marinig na napag-uusapan.
Habang bumibili ito ng makakain ay lihim niya itong pinag-aralan. Simple lang itong pumorma. Isang lumang maong pants at white t-shirt ang suot nito. Pati ang sapatos nito ay halatang ripped off lang ng isang sikat na brand. Mas maganda pa ngang manamit dito ang mga katulong nila sa bahay tuwing day-off. Pero may itsura naman ito. Kahit maitim ito sa karaniwan ay matangos ang ilong nito at mapungay ang mga mata. Napansin nya yon nung nagkasukatan sila ng tingin. Matangkad din ito at maganda ang posture. He has this air of confidence about him. Pero hindi niya ito type dahil ang gusto niyang lalaki eh mapuputi at makikinis ang balat. Ang lalaking ito yung matatawag na rugged. Yung tipong sanay sa manual labor at bilad lagi sa araw, a peasant.
Pero bakit ba niya lihim na pinag-aaralan ito? He's nothing to her. Para maialis ang atensyon dito ay kinuha niya ang kanyang libro sa bag. Pero ilang sandali pa ay lihim na naman niya itong tiningnan. Naghahanap na ito ng mapupuwestuhan. Napansin niyang ang tanging puwesto na bakante ay ang table opposite her. Tila nag alangan pa itong kunin ang puwesto. Pero dahil mukhang wala na itong choice ay umupo na rin ito.
Kahit magkatapat na sila ay hindi ito tumitingin sa kanya. Iniiwasan ba siya nito? Hindi niya alam kung dahil bored lang siya pero imbis na magpanggap na hindi rin niya ito nakikita ay tinitigan pa niya ito. "Tingnan natin kung hindi ka maconscious." isip niya. Pero ilang minuto na niya itong tinititigan ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Nakafocus lang ito sa pagkain. Mukhang gutom na gutom ito at tila galit sa kanin. Sabaw at pritong isda lang naman ang ulam nito.
At mukhang paninindigan na talaga nito ang di pagpansin sa kanya. But when she's about to give up he raised his head and stared back at her. And he mouthed "Anong trip mo?" Tuluyan na nitong tinigil ang pagkain. Sandali itong nagbaba ng tingin, hinagod ang buhok at pagkatapos ay bumuntunghininga ng malalim.
There was a confused look on his face. Na parang may gusto itong gawin pero pinipigilan ang sarili. Naiinis na ba ito sa kanya? But he appears more frustrated with himself than annoyed at her. And the way he unconsciously stroke his hair all the way down to his nape looks kinda sexy.
"Ano ba ang iniisip mo Candice? This man ain't sexy. He's not even your type. Antipatiko siya and you just want to annoy him." Sermon niya sa sarili.
But she can't stop staring at him. At ganun na din ito sa kanya. And so their staring contest begins. Bumalik ito sa pagkain pero hindi na talaga nito inalis ang tingin sa kanya. At siyempre hindi naman siya papatalo. Nangalumbaba pa siya para iparating dito na wala siyang balak itong atrasan kahit wala naman talaga siyang ipinaglalaban.
Nang matapos itong kumain ay kinuha nito ang isang basong tubig at uminom. His gaze still not wandering. Mabagal ang ginagawa nitong pag-inom. Na tila ninanamnam nito ang bawat patak ng tubig. That's when she kind of lost her concentration. Dahil di mapigilang dumako ang mga mata niya sa adam's apple nito habang nilalagok nito ang tubig. That's when she realized she lost.
Damn it! She cursed silently. Ito naman ay itinaas pa ang isang kamay while uttering "Yes" and smiled in triumph.
Huminto yata sandali ang tibok ng puso niya sa ginawa nitong pagngiti. One minute he looks sexy now he looks adorable. Ano bang nangyayari sa kanya? Why does she find this man attractive all of a sudden? Todo na nga yata ang boredom niya.
Ilang saglit pa silang nagtinginan na tila nagtitimbangan kung anong susunod nilang gagawin. Lalapitan ba siya nito at kakausapin? Pero bago pa man ito makaalis sa puwesto ay may tumapik sa balikat nito and a group of students started talking to him. Seems like they are inviting him sa ibang table. May humila pa sa braso nito kaya napilitan na itong sumama. Unlike her maraming gustong kumausap dito. Sikat ito sa mga estudyante.
Kung siya ay isang pariah ito naman ay parang rockstar kung ituring. Kulang na lang ay magkaroon ito ng groupie. Well maybe he does, as a group of women approached him and openly flirted with him. Dun na siya nagdecide na umalis. Bago siya lumabas ay sandali pa siyang tumingin sa direksyon nito. There's this hope na sana lumingon din ito sa kanya pero hindi nito ginawa. She left feeling a bit disappointed. Kulang na nga yata siya sa ganda.
"Hindi na yun babalik pare. Kita mong lumabas na eh." Bulong ni Luke kay Victor.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan." Maang-maangan na tanong ni Victor sa kaibigan.
"Halatado ka na pare, nakita kita kanina. Kunyari ayaw pang lumingon pero yang mga mata mo parang gusto nang humiwalay dyan sa mukha mo. Akala ko ba wala kang balak na pormahan yung tao?" Bulong nito.
"Wala nga."
"Eh bakit sinusundan mo ng tingin?""Eh bakit para kang pulis makapagtanong? Magshift ka na lang kaya sa criminology."
"Nag-aalala lang ako sayo. Alam ko nung una binibiro pa kita sa kanya pero iba ang babaeng yon. Ang tawag nila sa mga ganyang babae high maintenance. Kumbaga kailangan reyna ang turing mo sa kanila."
"Di ba ganun naman talaga dapat ituring ang mga babaeng may gusto ka."
"Oo pero yun ay kung hari din ang turing niya sayo. Paano kung alipin ang tingin niya sayo?"
"Hindi mo na ako kailangang pagsabihan tungkol dyan dahil alam ko naman kung saan ako dapat lumugar. At ang lakas ng loob mong paalalahanan ako eh ikaw tong padalos-dalos pagdating sa babae." Balik niya dito.
"Sa ating dalawa ikaw itong malalim magmahal. Di bat ang tagal mong makaget over sa ex mong mahilig sa wig, yung si Alice. Two months lang naging kayo pero two years na hindi mo pa siya pinapalitan dyan sa puso mo."
"Kay Alice ko nalaman na hindi pa ako handa makipagrelasyon. Yun lang yon."
"Eh si Lily yung crush mo. Di ba 4 years mo siyang crush? Wala akong natatandaang ibang babae na nagustuhan mo bukod sa kanya nung highschool."
"Kakaiba ka rin. Kung di ko alam yang hilig mo sa babae iisipin ko may gusto ka sa akin."
"Ngayon mo lang narealized na type kita?" Nakangising sagot nito sabay amba ng halik.
"Sira ulo ka talaga." Nasabi na lamang niya dito sabay tulak.
Gusto niyang balewalain ang mga sinabi ni Luke pero tama naman ito. Iba si Candice sa kanila. Kaya nga siguro ilag dito ang karamihan. Ang totoo ilang araw na rin niya itong iniiwasang makasalubong o makita man lang. Pero hindi na niya ito nagawang iwasan kanina. Katulad ng hindi nya ito kayang iwasang hindi isipin. Katulad ng pagsuko niya sa mga titig nito. Katulad ng pagdadalawang isip niya kung lalapit ba siya o lalayo. May punto nga siguro si Luke dapat nga yata talaga siyang mag-ingat. Mahirap nang mahulog sa isang Candice Benitez.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...