Kahit wala na syang gana magreview ay tumuloy pa rin siya sa library. She can’t go on slack mode dahil lang sa mag-isa siya. She also can’t afford to wonder what Victor is doing right now. At kung enjoy ba itong kasama yung Lanie. She needs to concentrate on her studies.
Nang makahanap siya ng puwesto ay nilabas na niya ang libro para sa gagawin nyang book report. Napagpasyahan niyang magbasa muna bago magreview. Medyo nag-enjoy naman siya sa pagbabasa kaya hindi na niya napansin ang oras. Nagulat na lang siya nang umupo si Victor sa silya sa harapan niya.
“Masyado ka yatang abala dyan sa binabasa mo?” nakangiting tanong nito.
Tumingin siya sa wall clock. Mahigit isang oras pa lang ang dumaan. “Why are you here? Ang bilis naman yata ng lakad ninyong magkakaibigan.”
“Kumain lang naman kami at tsaka nangako ako sayo di ba na sasamahan kita ngayon. Nagpaalam naman ako sa kanila ng maayos.”
“Hindi mo dapat ginawa yon. Kaya kung mag-isa dito. I don’t want to disrupt your life.”
“Alam kung kaya mong mag-isa. Pero gusto kung nandito ako."
“Marami ka nang nagawa para sa akin. And honestly ayokong maging dahilan para mapalayo ka sa mga kaibigan mo. Yung Lanie matagal mo siyang hindi nakita. You should have spend time with her. ”“Wala kang nilalayo. Si Lanie kaklase namin siya ni Luke nung nasa highschool pa kami. At oo malapit kami sa isa’t-isa. Ang totoo nagkagusto ako sa kanya.” Pag-amin nito. Medyo kumirot ang dibdib niya sa sinabi nito. Kaya binalik niya ang tingin sa librong binabasa.
Sandali rin itong nanahihimik. Alam niyang he’s intently looking at her. “At kung meron man akong narealized sa pagkikita namin uli ni Lanie yun ay wala na talaga akong gusto sa kanya. Na missed ko siya oo, pero kaibigan na lang talaga ang tingin ko sa kanya.”
Tuluyan na niyang binitawan ang librong binabasa at tinanong ito. “Bakit mo ito sinasabi sa akin?”
“Hindi ko alam. Gusto ko lang na malaman mo ang nararamdaman ko ngayon.” Sagot nito.
Pakiramdam niya ay silang dalawa lang ang tao sa library. Halos pabulong lang ang pag-uusap nila pero dahil sa lakas ng tibok ng puso niya ay tila nabibingi na siya.
“Kailangan ko nang umuwi. Sa bahay na lang ako magrereview” Yun na lamang ang nasabi niya dito pagkatapos ay nagmamadali siyang tumayo. Dahil napalakas ang tulak niya sa silya ay nakagawa siya ng ingay. Napatingin tuloy sa kanya ang ibang mga estudyante.
“Sorry” malakas niyang hingi ng tawad sa mga ito. “Shhh” saway naman sa kanya ng librarian.
Natatawang naiiling sa kanya si Victor. “Anong tinatawa mo dyan?” Bulong niya dito.
“Wala naman, medyo mali-mali ka pala talaga.” Ito na ang kumuha ng mga gamit niya sa ibabaw ng mesa. “Ako nang magdadala ng gamit mo baka gumawa ka na naman ng ingay ma-ban ka na dito.” biro pa nito.
“Kasalanan mo.” sagot niya dito nang makalabas na sila ng library.
“Napapadalas yata ang paninisi mo sa akin. At bakit kasalanan ko na naman?”
“Kanina kasi sa library kung makatingin sa akin parang...” hindi niya matuloy dahil ang gusto niyang sabihan ay tila ba nais siya nitong halikan.
“Parang ano?” naghahamong tanong naman nito.
“Nothing. Akin na nga mga gamit ko.” binalik naman nito ang libro at bag niya. Nagmamadali na siyang lumayo dito at baka marinig pa nito ang malakas na tibok ng puso niya. Nang makarating na siya sa kanyang kotse ay binuksan niya agad yon at balewalang hinagis ang mga gamit sa loob.
Ano bang nangyayari sa kanya? Iniyakan niya ang isang aso. Nagselos sa isang babae and now she’s acting clumsily infront of a guy. She didn’t even act like this when she was in highschool.
Papasok na sana siya sa kotse nang marinig niyang tinawag siya ni Victor. “Buti na lang nandito ka pa. Nahulog mo tong notebook mo.” Habol nito sa kanya . Kinuha niya iyon at inihagis din sa loob ng kotse.“Okay ka lang?” tanong nito.
Tiningnan niya ito nang matagal. I'm not sure.” Pag-amin niya dito.
“May dinaramdam ka ba? Gusto mo nang kausap?” nag-aalalang tanong nito.
Huminga siya ng malalim to steady herself at pagkatapos ay nilapitan ito. “I think masyado nang matagal yung pag-uusap natin kanina.”
At bago pa ito may masabi uli hinila niya ito palapit sa kanya at walang anu-ano ay bigla niya itong hinalikan. Mabilis lang yon. Kahit siya ay hindi niya inaakalang magagawa niyang halikan ito sa parking lot kung saan puwedeng may makakitang mga estudyante.
Nang bitawan na niya ito ay ilang segundo din bago ito nakapagsalita. “A-anong?” kita sa ekspresyon nito ang pagkagulat sa ginawa niya. Tatalikuran na sana niya ito pero hinawakan nito ang braso niya. “At para saan naman yang ginawa mo na yon?”
“Wala lang, thank you kiss I guess.” Pinilit niyang magpakacasual.
Naisip niya kasi that maybe a kiss will break whatever spell she’s under right now. Pero tila baligtad ang nangyari mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kung kanina kabayo ngayon bullet train na yata. Kaya nga niya tinapos agad ang halik. She needs to get away from him. Pero hindi pa rin siya nito binibitawan.
“Thank you kiss?” napapantastikuhang tanong nito.
“Bakit ngayon ka lang ba nahalikan?”
“Kakaiba ka talaga.” At sa wakas ay binitiwan na nito ang braso niya. Pero bago pa man siya tuluyang makalayo dito ay hinapit naman nito ang bewang niya. Halos wala na tuloy espasyo sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya tinangkang kumawala dito. “Hindi tamang nagnanakaw ng halik.” Sa lapit nito sa kanya ay dama na niya ang init ng hininga nito sa mukha niya.
“So what are you going to do about it?” Naghahamong tanong niya dito.
Pero bago pa man ito makagawa ng ano mang hakbang ay nakarinig sila ng mga padating na estudyante. Binitiwan siya nito. Muntikan pa siyang matumba dahil nanghihinana talaga ang mga tuhod niya. Buti na lang at nasa likod lang niya ang kanyang sasakyan kaya doon na lang siya sandaling sumandal. Si Victor naman ay tila wala sa sariling hinagod ang buhok.
Nagtuloy-tuloy na ang labas ng mga estudyante.“Sige mauna na ako.” Paalam niya dito at nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng kanyang kotse. Muntikan pa niyang mabitawan ang kanyang susi.
Pagkasakay niya ay kinatok nito ang salamin ng bintana ng kotse. Binaba naman niya yon. “Candice. Mag-usap tayo bukas sa Room 103 after ng klase mo. Please pumunta ka.” Pakiusap nito. tinanguan na lamang niya ito at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.
Pagdating niya sa bahay ay tsaka tuluyang nawala lahat ng poise niya. Inihagis niya ang sarili sa kama at parang highschooler na nag-iikot habang iniisip ang crush. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit bigla na lang niyang hinalikan si Victor? But she can’t be in love with him. Puwede bang mahalin agad ang isang tao sa loob lamang ng dalawang buwan? At paano niya ito haharapin bukas?
“You messed up again Candice.” sermon niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...