Chapter 9

203 9 0
                                    

“Hindi ka na naman ba sasama sa lakad namin?” Tanong ni Jessie kay Victor.

“May exam ako sa isang araw kaya kailangan kung magreview. Kayo na lang muna ang lumabas.” pagdadahilan niya dito.

“May exam ka ba talaga o makikipagkita ka na naman sa Candice na yun. Akala mo ba hindi namin napapansin na sobra ka ng nagiging malapit sa babaeng yon.”

“Itinuturing kitang kaibigan Jessie at alam kung hindi kayo magkasundo ni Candice. Pero labas na ako sa away ninyo.” May himig pagkairitang sagot niya dito.

“Ang sinasabi ko lang naman eh you’re setting yourself for a heartache. Hindi naman ako bulag. Nakikita kung may gusto ka sa kanya. Manipulative ang babae na yon. Hindi kayo bagay. At hindi ko ito sinasabi dahil lang sa nagseselos ako. Concern ako sayo."  pamimilit pa rin nito.

Bumuntunghininga siya sa sinabi nito. Ayaw na niyang makipagtalo dito o ipaliwanag pa kung ano mang damdamin meron siya para kay Candice. Hindi lang naman kasi ito ang nakakapansin.

“Hayaan mo na lang muna ako Jessie.” Pakiusap na lamang niya dito.

“Hindi mo man lang ba i-dedeny na may gusto ka sa kanya?” masama na ang loob na tanong nito.

“Hindi ka rin naman maniniwala sa kung ano mang sasabihin ko dahil may nabuo ng konklusyon diyan sa utak mo.”

“Sige gawin mo, sabihin mong hindi totoo na may gusto ka sa kanya at maniniwala ako.” Isa yung hamon.

Tiningnan niya ito at ilang sandali ring nag-isip. Pero sa bandang huli ay hindi niya ito sinagot. Tinalikuran na lamang ito at naglakad palayo.

“Victor sasaktan ka lang niya.” Habol na paalala uli nito.

Maaaring tama ito pero balewala na sa kanya ang mga puwedeng mangyari. Basta ang alam niya gusto niyang kasama si Candice.

“Good morning what’s for breakfast?” Masiglang tanong ni Candice sa kanilang katulong.

“Magandang umaga po senyorita. Tapa at sinangag po. Ipaghahain ko na po ba kayo?” Tanong nito.

“You know what parang gusto kung sa school na lang magbreakfast. Puwede ipaghanda mo na lang ako ng baon. Damihan mo yung tapa ha.”

“Sige po.”

“Mukhang napapadalas na yata ang pagkain mo sa eskuwelahan Candice.” Komento ng kanyang Lolo Teodoro na kapapasok pa lang sa komedor. 

“Lolo akala ko kasi wala ka na naman.” Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi.

“Well I’m here.”

“Since nandito kayo eh di dito na rin ako magbibreakfast.”

“Nangangalahati na ang semestre maayos ba naman ang grado mo?” tanong nito.

“So far so good at wala namang problema. Hundred percent na ang pagpasa ko.”

“Mabuti naman at sineseryoso mo na ang pag-aaral mo. Kapag mataas ang grado mo puwede mo nang ituloy yung bakasyon mo sa Thailand at ibabalik na rin kita sa dati mong eskuwelahan.”

“Hindi naman ako nagmamadali. Gregorio community college is slowly growing on me. Infact I might decide na doon ka na tapusin ang college education ko. Or atleast stay there a semester more.

“Iha nilagay lang kita dun as punishment. You don’t belong there. Gusto ko pa rin na sa magandang eskuwelahan ka magtapos. And then ipadadala kita sa US or Australia para sa masters mo.”

“Pero lolo.” Tututol sana siya but he snapped at her.

“This discussion is over kumain ka na.” utos nito.

FOR KEEPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon