Katulad nang napag-usapan ay maagang dumating si Candice sa pagdarausan ng rally. Nasa gate pa lang siya ay nakita na niya agad si Victor. Nakatali ang medyo mahaba nitong buhok at may hawak itong placard na “no to tuition fee hike.” Nilapitan niya ito.
“Bakit ang konti natin? Akala ko pa naman malakihang rally eh wala pa yata tayong bente dito. Tapos dinadaan-daanan lang tayo ng ibang mga estudyante. Mukhang walang gustong sumali.” Reklamo niya agad.
“Parang katulad mo nung una walang pakialam.” balik nito sa kanya.
“Nandito na nga ako di ba.”
“Alam naman nating pareho ang rason mo. Wala ka talagang concern sa kapwa mo estudyante. Ego mo lang ang mahalaga sayo."
"Ang sakit mong magsalita ah. Hindi mo ako kilala at wala kang alam sa pinagdaraanan ko. Kaya puwede itigil mo yang panghuhusga sa akin Mr. Feeling Faultless. Akin na nga yang placard na yan. Ako na ang magtataas baka kasi isipin mo i’m not holding up to my end of the bargain.” Galit niyang sagot dito.
Nainis siya dito dahil ang dali nitong akusahan siya ng pagiging self-centered. Hindi nito alam na mula nang ipinanganak siya ay madalas na siyang nababalewala. Ulila na siya sa magulang kaya nanny lang ang kasama niya. Wala pang tumagal sa mga Yaya niya dahil may katigasan ang ulo niya.
Nakukuha lamang niya ang attention at affection sa mga taong humahanga at nakikipagkaibigan sa kanya. Kaya kahit wala sa personality niyang magrally ay gagawin niya dahil ayaw niyang mag-isa na naman sa loob ng ilang buwan. She just wants what everybody wants, somewhere to belong. Egotistical na ba yon?
Mukhang naramdaman naman nito ang lungkot niya. “Sorry sa nasabi ko.” paghingi ng tawad nito.
“Sanay na ako. Hindi naman talaga maganda ang tingin nyo sa akin. Alam ko namang hindi mo ako gusto. Ramdam ko yon. Para nga akong may ketong kung iwasan mo.”
“Totoong iniiwasan kita.” Pag-amin nito.
“At inamin mo pa talaga."
“Pero mali ka ng iniisip na hindi kita gusto.”
“You know what you’re confusing me. Ano pa ba ang ibang dahilan ng pag-iwas mo sa akin?” tanong niya dito.
Pero bago pa man ito makasagot ay may tumawag na dito.
Kailangan ko ng umalis. Oo nga pala baka gutom ka. ” Inabutan siya nito ng sandwich. “Egg sandwich lang yan. Kulang kasi sa budget.”
Kinuha niya ang sandwich at pagkatapos ay sinilip ang palaman. “Sigurado ka bang may palaman ito? Parang wala naman. Sobrang nipis” reklamo na naman niya.
“Kulang nga kami sa budget. Huwag ka nang mapaghanap. Bawal dito ang maarte.”
“Eh kung tinanggap mo sana yung inalok ko sayong pera eh di sana hindi ka kukulangin sa palaman.”
“Di ba nga ang sabi ko sayo hindi puwedeng bayaran ang pakikipagkaibigan ko.”
“Eh parang bayad na rin tong ginagawa kung pagpunta dito.”
“Kaya kita pinasama dito para makita mo yung ginagawa namin. Nagsimula kasi tayo ng hindi maganda at nagkasabihan pa tayo ng masasakit na salita. Siguro tama lang na ituwid natin kung ano mang maling pagkakakilala natin sa isa’t-isa.” Paliwanag nito.
Kahit hindi niya aminin ay natuwa siya sa sinabi nito. Kahit kakaiba ang paraan nito ay ramdam naman niya ang sinseridad sa mga sinabi nito.
“Fair enough. Pero i doubt kung makikilala natin ng malaliman ang isa’t-isa sa gitna ng rally.”
Nginitian siya nito. “Marami pa namang oras at pagkakataon. Sige na maiwan na muna kita. Huwag kang mawawala.” bilin pa nito.
“Di ba nangako ako. Sige na umalis ka na kaya kung mag-isa.” Pagtataboy na niya dito.
Nang makaalis na ito ay tsaka niya uli nilabas ang tinapay na bigay nito. Pagtyatyagaan na lamang niya ang sandwich dahil hindi siya nakapag-umagahan kanina. Pero hindi pa siya nakakakagat nang may marinig siyang tila umiingot.
Napatingin siya sa bandang baba at nakita niya ang isang aso na nakatanghod sa kanya. Hindi niya alam kung paanong may asong nakapasok sa loob ng eskuwelahan. Pero mukhang walang may alaga dito dahil sa bukod sa wala itong dog collar ay payat ito at galisin.
Nung una ay nandiri siya at lalayuan sana niya ito pero nangibabaw ang awa niya dito kaya hinimay-himay niya ang sandwich at ipinakain na lang iyon sa aso.
Kinuha din niya ang mineral water na baon at nang makakita siya ng isang lumang lalagyan ay doon binuhos ang tubig at pinainom sa aso.
Umungot pa nga uli ito halatang gusto pa ng pagkain. “Hay naku sorry na lang doggie at ubos na ang pagkain ko.” Tinaboy na niya ang aso dahil nandidiri rin naman siya sa mga galis nito.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang protesta. Kahit nangangalay na sa pagkakatayo ay nagtiis siya. Pagkaraan ng mga ilang oras ay medyo dumami na rin ang mga estudyante. Pawisan na siya pero hindi siya umalis sa puwesto. Nagtiis na lang siya sa gutom at uhaw. Tutal sandali na lang ay matatapos na ang rally at malamang ay balikan na siya ni Victor.
Kailangang makita siya nito. Gusto niyang patunayan dito na kaya niyang tuparin ang nasabi niya.
Hindi nga nagtagal ay nakita na niya ito. Tumingin ito sa direksyon niya, kaya kinawayan niya ito. Gusto niyang magmalaki dito dahil naitumba na niya ang isang araw.
Palapit na ito sa kanya nang makaramdam siya ng konting pagkahilo. Medyo nilaliman niya ang kanyang paghinga at nagtangkang maglakad pero tuluyan nang umikot ang paligid niya.
Ang huli niyang narinig bago tuluyang mawalan ng malay ay ang malakas na boses ni Victor.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...