“Senyorita salamat at nagbalik ka na.” salubong kay Candice ng mayordoma.
“Si Lolo nasaan?” Tanong niya dito.
“Nasa private office niya. Pupuntahan ko po siya para ipaalam na nandito na kayo.”
“Hindi na po kailangan. Ako na ang pupunta sa kanya.” At pinuntahan na nga niya ito. Hindi siya kumatok at dahan-dahan na lamang niyang binuksan ang pinto.
“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong nito nang makita siya.
“Hindi ko po alam kung nabalitaan nyo na pero nasa hospital po ngayon si Victor.” Simula niya dito.
“At ano naman ang kinalaman ko dun?”
Ilang beses siyang lumunok. “Wala po akong pambayad sa hospital. P-please Lolo tulungan nyo po ako.” Pagmamakaawa niya dito sa nanginginig na boses. She doesnt want to cry infront of him dahil ayaw nitong nakakakita ng umiiyak but she can’t helped it. Gusto na talagang tumulo ng mga luha niya.
“Ikaw ang pumili ng sarili mong kapalaran Candice. Nasa kama ka na lumipat ka pa sa banig. I will not help you. Umalis ka na.” matigas na sagot nito. Kinuyom niya ang kanyang mga palad at dahan-dahang lumuhod sa harapan nito. Napatayo ito sa ginawa niya. “Candice how dare you stoop this low?”
“G-gagawin ko po lahat ng gusto ninyo. K-kahit kailan hindi ko na kayo sasawayin. Ang pakiusap ko lang iligtas n’yo po siya.” Tuluyan na siyang napaiyak.
“Tumayo ka diyan” utos nito. Pero hindi siya umalis sa kanyang pagkakaluhod.
“Lolo, please. Nagmamakaawa ako sa inyo.”
“Alam mo ang gusto ko Candice. Hiwalayan mo ang lalaking yon at hindi ka na makikipagkita sa kanya. Kaya mo ba yon?” hamon nito.
Kahit masakit sa loob ay tumango siya. “S-susundin ko po kayo. Hindi na po ako m-makikipagkita kay Victor. Basta siguraduhin nyo lang na magiging maayos ang lagay niya. Ibalik nyo rin po sa trabaho ang tiyuhin niya at huwag nyo na pong alisin ang scholarship niya.”
“Masyado kang maraming hinihingi. Pero sige pagbibigyan kita.” Kinuha nito ang telepono at may tinawagan. He gave very specific instruction tungkol kay Victor at sa pamilya nito. “Ililipat na si Victor sa isang maayos na private hospital. Lahat ng mga bills nya ay sagot ko na.”
“Salamat po.”
“I will expect you to honor your word.”
Tumango lamang siya dito. She knew the moment she walked back to this house ay hindi na niya uli pa makikita at makakasama si Victor. Siya na mismo ang nagbalik sa kanyang sarili sa gintong hawla.
Lalabas na sana siya ng silid nang makaramdam siya ng matinding sakit ng tiyan. Napansin yon ng lolo niya.
"Anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong nito. Pero bago pa man niya ito masagot ay nawalan na siya ng malay.
“Victor mabuti at nagising ka na.” si Tita ellen ang nabungaran ni Victor pagkamulat niya. Naroon din ang kanyang tiyuhin.
“Nasaan po si Candice?” tanong niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mag-asawa. Halatang nag-aalangang magsalita.“Tito nasaan po si Candice?” tanong niya uli.
“Nagbalik na siya sa kanila.” Sagot nito.
“Kailan pa? Bakit?”
“Nung gabing maospital ka nagpaalam siyang bibili ng gamot pero hindi na siya nagpakita uli. Nagpadala na lang siya ng mensahe na bumalik na siya sa kanila. Mula noon wala na kaming narinig mula sa kanya. Hindi na rin siya dumalaw dito.” kuwento ng kanyang tiyuhin.
BINABASA MO ANG
FOR KEEPS
RomanceCandice is a spoiled brat heiress Victor is a scholar na laman ng mga student rallies and protests. Their worlds collided sa Gregorio Community College Despite their obvious differences an unlikely friendship was formed Friendship turned into love...