Chapter 19

167 4 0
                                    

"I want to talk to Mr. Escueta. Nandito ba siya?" tanong niya sa secretary nito.

"Meron po ba kayong appointment?" Tanong naman nito.
Dahil alam niyang paghihintayin lamang siya nito ay hindi na niya ito sinagot pa. Tuloy-tuloy siyang nagakad at walang seremonyang binuksan ang pinto ng opisina nito. Walang nagawa ang secretary nito para pigilan pa siya.

"Victor kailangan nating mag..." hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil ang tumambad sa kanya ay si Victor na may kahalikan na babae.

She didn't know how to react so she just stood there. Yung tipong parang tinurukan siya ng anesthesia at mabilis yung kumalat sa buo niyang katawan maliban sa puso. So while her whole body was numb her heart feels like its been hit by a sledge hammer.
Buti na lamang at nakahawak siya sa handle ng pinto kundi ay baka tumumba na naman siya. Huli na rin para maitago pa ang kanyang nararamdaman. Nang tingnan siya nito she knew he saw the pain in her eyes.

"I-i'm sorry kung nakaistorbo ako." Hinging paumanhin niya dito. "Ba-balik na lang siguro ako sa susunod na araw." Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang babaeng kasama nito.

"Candice I'm surprised to see you here. Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ng babae.

Kumunot ang noo niya at tumingin dito. "Jessie?" malaki na ang pinagbago ng itsura nito.

"Ako nga. Its been a long time. Kumusta ka na? Nakangiting tanong pa nito.

Pero bago pa man siya makasagot ay sumingit na si Victor. "Jess may kailangan lang kaming pag-usapan."

"Oh well looks like i'm being dismissed. Nice to see you again Candice."

Nang makalabas ang dalawa ay kinuha niya ang pagkakataong yon to compose herself. Ano bang nangyayari sa kanya? Eh ano ngayon kung may kahalikan itong babae? And so what if its Jessie? Expected na yon. Iniisip ba niyang pagkatapos ng maraming taon ay wala itong mamahaling iba bukod sa kanya?

Aalis na lang sana siya pero mabilis na nakabalik si Victor. Pumasok uli ito ng opisina at sinarhan ang pinto. Then he directed her to sit down. Sumunod na lamang siya dahil weird naman kung magpipilit pa rin siyang umalis eh siya naman ang pumasok sa opisina nito nang walang pasabi.

Pagkaupo niya ay umupo na rin ito. "Sa susunod kumatok ka. Ayaw mo naman siguro akong makita in a compromising situation." Balewalang pagpapaalala nito.

"Then next time lock your door." She retorted.

"Lahat ng tao alam na hindi sila dapat pumapasok ng silid ng walang paalam. May bisita man o wala."

"You're right. I'm sorry I should have knocked."

"So what brought you here?" pag-iiba na nito ng usapan.

"Gusto ko lang malaman kung seryoso ka ba talaga dun sa plano mong huwag ituloy ang merger. Alam mong malaki ang maitutulong ng merger na yon sa Monarch. At iyong pagbabawas ng empleyado i dont think that's necessary." Apila niya dito.

"Yung tungkol sa merger hindi yon kailangan ng Monarch. Ikaw ang may kailangan dun. And about sa cost cutting I will not brought it up sa board meeting if it wont help the company.." Sagot nito.

"Fine lets forget about the merger. if thats what you want. Pero yung plano mong pagbabawas ng emepleyado you're not like that. May malasakit ka sa tao. Hindi ba yun ang pinaglalaban mo nun?"

"Marami akong pinaglaban noon na pinagsisihan ko." makahulugang sagot nito. She tried to ignore what he said and sticked to the issue at hand.

"Victor, hindi lang sila mga simpleng empleyado. Marami sa kanila ginugol na ang buhay sa kumpanya. Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari." Matigas niyang sagot dito.

FOR KEEPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon